39 | Decision

2.6K 100 6
                                    

Nilamon ng liwanag ang dating madilim na kapaligiran. Nakangiti man ang araw sa akin, hindi naman iyon umabot sa puso ko. Masyado kaseng mabilis ang pangyayari, hindi pa ako handa. Ang mas ikinagulat ko sa ngayon ay ang hindi inaasahang pagtraidor sa akin ni Master Amos na si Cairo Lannister pala. Masakit isipin na ang unang taong kumupkop sa kakaibang mundong ito ay siya palang mahigpit mong kalaban. Kung kaya pala bigla na lang siya nawala na walang matinong dahilan. Sadyang mapagbiro talaga ang tadhana.

Kasalukuyan kaming kumakain tatlo nina Loki at Rue sa restaurant ng White Lily Inn kung saan kami panandaliang nanunuluyan. Walang imikan habang kumakain. Naiintindihan ko pa si Rue dahil hindi siya pala salita. Samantalang si Loki, parang pinipilit niya lang lunukin ang mga sinusubo niyang pagkain. Nagtaka tuloy ako sa kakaibang ikinikilos niya. Gusto ko siya sanang tanungin kaso nasa harap kami ng pagkain. Hindi kase maganda ang aura niya, kabaligtaran ng inaasahan ko. Ang saya niya kahapon pero ngayon parang sinakluban siya ng langit at lupa.

Isang padabog na tunog ang biglang gumambala sa aming pagkain ng biglang tumayo si Loki at umakyat sa ikalawang palapag ng inn.

"Ako na ang kakausap sa kanya, Karmil. Ang mabuti pa ipagpatuloy mo na lang ang pagkain mo," sabi ni Rue na hindi rin tinapos ang pagkain niya.

Naiwan ako sa mesa na mag-isa kaharap ang maraming putahe na sa tingin ko ay masasayang. Wala akong ganang kumain ngayon dahil sa kulang ako sa tulog at maraming bagay ang bumabagabag sa akin. Nanlulumo ako sa mga natirang pagkain hanggang sa may naisip akong ideya. Tinawag ko ang waitress at sinabing bantayan na muna niya ang mesa naming tatlo. Lumabas ako sa inn at saka naghanap na pwede kong bigyan ng pagkain. May nakita akong mga batang madudungunis na sa tingin ko ay mga pulubi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila na may mga ngiti sa aking mga labi. Umatras ang mga kabataan ng ako'y makita nila. Hindi ko pa alam ang nangyayari ng pumaharap ang pinakamatangkad sa kanila at hinarangan ang mga mas maliit sa kanya na para bang sasaktan ko sila ng anumang oras. Doon ko naintindihan kung ano ang ibig sabihn nito. Sadyang marahas talaga ang mundo. Hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo.

"Mga bata, nagugutom ba kayo? Sayang kase yung almusal na hindi naubos ng mga kasama ko. Baka gusto niyo?" malambing na sabi ko.

Kita ko ang panandaliang pagningning ng mga mata ng bata ng marinig ang aking alok. Maliban sa matangkad na bata, lahat ay gustong tanggapin ang aking alok. Tiningnan ko ang mga mata ng matangkad na bata. Puno iyon ng pag-aanlinlangan at pagduda na marahil ay dala ng masamang karanasan ng nakaraan. Masama man ang tingin nito sa akin, isang matamis na ngiti ang aking ipinakita. Bahagya kong hinubad ang hood ng aking cloak para pagkatiwalaan ako ng mga bata. Hindi ko maiwasang mahiya sa pinakita nilang pagkamangha. Kung alam siguro nila kung ano talaga ako, ewan ko na lang.

"Nasa White Lily Inn lang ako, nandon pa yung mga pagkain. Kung ayaw niyo, sayang dahil itatapon iyon ng mga empleyado,"

Nagkatinginan ang mga bata, kasama na doon ang pinakamatangkad sa kanila na sa tingin ko ay ang leader nila. Matapos ang ilang minutong pagdiskusyon, tumango sila sa akin. Napangiti ako sa kanilang pagsang-ayon. Agad akong sinundan ng mga bata sa restaurant ng White Lily. Nakatayo parin yung inutusan kong waitress na bantayin yung mesa namin. Hinayaan ko agad ang mga bata na lantakan ang mga hindi naubos na pagkain. Medyo nagulat yung waitress pero hindi na ito nagtanong. Nag-bow ito at bumalik sa trabaho niya kanina.

Tahimik na pinanood ko ang mga batang masayang kinakain ang mga tirang almusal naming tatlo. Malaki ang pasasalamat ko na kahit na hindi maganda ang trato sa akin ng aking ina sa Terra, mas maswerte ako sa kanila dahil nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw at may bahay na sumasangga sa init at ulan. Samantala, ang mga batang ito ay nagtitiis sa kung saan sila matutulog. Kung kaya masaya ako ng makita ko silang kumakain na may saya sa kanilang mga mata. Sa simpleng paraan na ito, napasaya ko sila ng kaunti.

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon