30 | Trance

3.4K 158 8
                                    

Binalot ng liwanag ang kalupaang minsang niyakap ng dilim. Kumakanta ang mga ibong dumapo sa mga sanga. Dumapya sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Tiningnan ko sa may bandang silangan ang pagsikat ng araw. Parang isa na namang bagong simula ito para sa akin pero parang may kulang. Umupo ako sa malambot na damo habang habol ko ang aking hininga. Tuluyan ng sumikat ang araw pero para bang may iba.

Muli kong kinuha ang espadang pangsanay at nagsimula akong mag-ensayo muli. Kahit hangin lang ang aking nahihiwa, pakiramdam ko ay mas lalo akong lumalakas. Bawat hampas ko ng espada sa akin, pakiramdam ko parang may nag-iba. Gustuhin mang bumigay ng aking mga braso, nagpatuloy parin ako. Hindi pwede na maging mahina na lang ako. Dahil nakakapagod rin na maging mahina.


"Sa tingin ko kailangan mo ng magpahinga. Tignan mo nga, umaga na!" sermon ni Loki.

"Hindi pa naman ako pagod, sa tingin ko kaya ko pa,"

"Apat na araw ka pa lang nagsasanay, marami ka pang panahon. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna. May pupuntahan tayo mamaya,"

"Saan naman iyon?" pagtataka ko.

"Sa Divine Isle, ang headquarters ng mga higher ups at ng Council of Elders,"


Napatahimik ako sa sinabi ni Loki kung kaya ibinaba ko ang aking espada at isinilid ito sa sheath. Halos apat na araw na ang nakakalipas simula noong madakip ako kuno ng halimaw na mas kilala bilang Ba'al Tarum. Dahil nakabalik ako ng buhay, naintriga ang Council of Elders sa akin. Tinanong nila ako ng mga kung anu-ano pero hindi lahat ng sinabi ko ay totoo. Kagaya na lang kung saan ako nagmula at kung bakit ako napadpad sa Apheron.

Pero sa ngayon, ayaw ko na muna isipin ang mga iyon. Tinanggal ko ang aking sapatos at saka humiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatira sa mansyon ni Ginoong Bart at Alyana. Ilang beses akong tumanggi pero hindi ko talaga matiis si Alyana. Kahinaan ko ata ang mga bata. Sa loob ng apat na araw, nagsanay ako upang mahasa sa pakikipaglaban. Katuwang ko doon si Loki at ipinapasasalamat ko na nasa tabi ko siya.

Pero sapat na nga ba ang lakas ko?

Hindi pa ako tuluyang nakakatulog ng may narinig akong katok. Inis akong bumangon sa aking kama at dali-daling binuksan ang pinto. Nagulat ako sa taong tumambad sa akin. Isang tipid na ngiti ang isinukli niya sa gulat kong ekspresyon. Hindi pa man ako nakakabawi ay agad siyang pumasok sa loob ng silid. Tiningnan ko muna kung may tao ba sa paligid bago ko isinara ang pinto.


"Theron, ano ang ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" may halong pagtataka na sabi ko.

"Nakakagulat ba ang pagpunta ko dito?"


Napapitlag ang ako sa sinabi ni Theron. May kakaiba sa kanya na hindi ko matukoy. Ang mga mata niya, para bang may tinatago at hindi ko matukoy kung ano ba iyon. Matagal-tagal rin kaming nagkasama ni Theron sa may Xion pero pakiramdam ko parang may nag-iba sa kanya. Parang hindi na siya ang Theron na kilala ko. Ang Theron na minsa'y binigyan ko ng ibang tingin. Hindi naman siya ganito dati, ibang-iba na siya.


"May problema ba Karmil?" nagtatakang tanong ni Theron.

"W-wala, pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap Theron? Wala kase akong masyadong tulog dahil sa pagsasanay,"

"Pagsasanay ba talaga o baka naman namamasyal lang kayo ni Loki," diing sabi nito.

"Theron, pagod ako ngayon kaya pwede ba sa susunod na lang tayo mag-usap? At paano naman napasok si Loki sa usapan? Kaibigan ko si Loki at tinutulungan niya ako,"

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon