| 3 R D P E R S O N |
Humupa ang nakakasilaw na liwanag. Nawala man ang ilaw, pinalibutan naman sila ng matinding init. Tuluyang binuksan ni Loki ang kanyang mga mata. Nagulat siya ng may nakita siyang walong Draygon na may iba't ibang bilang ng mata. Sa gitna ng apoy, may nakikita siyang pigura ng isang tao. Hindi niya ito masyadong makita dahil natatabunan ito ng pulang apoy. Ang kanyang atensyon ay nasa mga Draygon na halos daang talampakan ang laki. Gawa sa apoy ang buong katawan ng mga ito.
Lahat ng tao ay nagulat sa aparisyon ng walong Draygon. Tanging ang pinuno ng mga Dark Magus ang nakakaalm kung ano ang mga ito. Ang walong Draygon ay ang Flames of the Crimson Celestial. Walang sinuman ang kayang i-summon ang mga ito maliban sa master nila, ang Crimson Celestial. Hindi siya mapakali, wala naman siyang naalala na ginambala nila ang Crimson Celestial. Sa pagkakaalam niya, walang pakialam ang mga Celestials maliban na lang kapag inutusan sila ng mga Divine Gods.
Mukhang hindi agad siya makakaalis.
Laking pasasalamat ni Rue na hindi gumagalaw ang mga Crimson Flame Draygons. Sila kase ang kinikilalang mga Divine Beast. Ang mga ito ang kinikilalang pinakamalakas na Fire Mystic Beast sa buong kasaysayan. Kahit na umabot ka pa ng isang daang taon, imposibleng makita ang mga ito. Iyon ay dahil sa paniniwalang naka-kontrata ito sa isang makapangyarihang magus. Isang magus na may malakas na kapangyarihan at isa ring immortal. Paano ang isang nilalang na ganito ay nasa Divine Island ng mga Elders?
Gulong-gulo ang mga isip ng mga tao. Kasama na doon ang mga Elders na halos maligo sa kanilang mga pawis. Kilala nila kung sino ang kayang pasunurin ang mga Divine Beasts na ito. Sa pagkakaalam nila, wala na ang kaluluwa nito sa Alterum. Imposible ang nakikita nila, parang gusto na tuloy nilang iumpog ang kanilang mga ulo sa pader. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam nila ay galit na galit ito. Pero kanino? Sa kanilang pagkakaalam, wala naman silang ginawa para magalit ito. Maliban na lang kung ...
Natuod ang mga tao sa buong paligid. Natigil sa pakikipaglaban ang lahat at tiningnan ang mga nag-aapoy na katawan ng mga Draygons. Samantalang ang tao na nasa gitna ng apoy ay walang emosyong tinitingnan ang mga tao sa paligid. Isang puting pusa ang tumalon at pumunta sa kanyang kaliwang braso. Hinaplos niya ang puting balahibo at tiningnan ang kanyang paligid. Matagal narin niyang hindi pinalabas ang kanyang mga kaibigan, mukhang ito na ang tamang panahon.
"Master, ano ang ipag-uutos niyo?" sabi ng Draygon na may apat na mata.
"Huwag niyong sasaktan ang dalawang lalaki. I-corner niyo ang mga matatandang iyon at ang mga inosente. Sunugin ang iba," malamig na sabi nito.
"Masusunod, aming Master," sabi ng Draygon na may anim na mata.
Nagulat ang lahat sa ginawa ng mga Draygon. Walang anu-ano ay nilamon ng apoy ang mga Dark Magus. Napuno ng hiyawan at malakas na sigaw ang dating mapayapang lugar. Hindi nagdalawang isip ang mga Draygons na patayin ang mga ito. Yung iba ay nalunod sa mainit na lava habang yung iba ay ginawang abo. Sa isang iglap, naging impyerno ang dating paraiso. Pinalibutan ng apoy ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...