I started to walk, so far natatandaan ko pa tong dinadaanan ko galing dun sa batis and infairness to Pablo nagegets ko naman yung map nya.
Lala la la. Lalalala la la la….. ^________^
Feeling ko tuloy ako si little red riding hood. Hihi. Nakita ko na yung batis after 15 mins walk. Hmmm. So I only have 45 minutes left para makabalik sa villa. Shems. >___<
“Naku naman kailangan ko pang bilisang maglakad.”
*Robbie’s POV*
Almost 45 minutes na kaming naghahanap kay Ansli, di pa din naming sinasabi kay ate Jou na wala parin sya kasi minsan OA yun kung magreact pag isa sa amin ang napapahamak. Actually pwede na ngang magasawa yun eh. Hehe.
“Brod may naiisip ka bang ibang way para Makita yung babaeng yun?”
“Nah, sorry.”
Okay nice talking talaga tong supladong to. Tsk! Nasan na rin nga ba yang Duncan na yan at nahihirapan ako lalo sa paghahanap kung etong supladong to ang kasama ko. -_____-++++
“Sh*t wala ng signal.”
“Bakit brod tinatry mo parin bang tawagan si Ansli?”
“Nah.”
Hay nako. Patience is a virtue. -_________-++++++++++++++++++++
Nahihilo na ako, feeling ko paikot-ikot lang kami eh, di kaya naenkanto na kami? Ang alam ko pag naganun kailangan mong tumambling eh, tama ba? Tsk, never mind I don’t believe in those.
*Kevin’s POV*
Kainis wala akong signal di ko na tulong mareplayan si ano.. >///////////////<
Tsss, wag nyo na akong tanungin kung sino kasi di ko rin isheshare, I want my privacy. Understood??
Andito nga pala kami sa baguio sa may mga puno-puno katabi nung villa na nirent para sa amin, eto nga pala kami naghahanap ng batang makulit. Mukhang nabadtrip ata sa trip sa kanya kanina eh. Paano naman kasi sobrang tulog mantika. Haha. ^____^
“Brod may naiisip ka bang ibang way para Makita yung babaeng yun?”
“Nah,” Tsss, katamad magsalita. Actually kanina pa ako nagiisip ng easiest way para Makita si Ansli eh.
1. Kumuha ng megaphone (kaso malalaman ni ate joujou)
2. Humingi ng tulong sa mga tanod or pulis (kaso too early to declare na she’s missing.)
3. Magbake ng cookies at ipasunod sa kanya yung amoy (this one would be the most effective I guess)
Though I have these thoughts in my head di ko parin sinabi kasi tinatamad na akong magsalita. =___________=
Yea I’m the supladoest among the rest maliban lang sa isang tao.. >/////< tsss. Blushing is so gay. Kainis.
*Duncan’s POV*
Aish nakakaantok, 12:30pm pa lang pero wala ng magawa. Napansin ko ding wala pa rin pala si Ansli, may alarm clock ang tyan nun eh dapat andito na sya kasi lunch time na. Nakakapanibago. -______-
Pagkatapos naming kumain napagdesisyonan kong pumunta doon sa kakahuyan tutal 1pm pa lang, di para hanapin yung bata ah. Baka kung ano isip nyo dyan. Pshhhh. =____=
May dala rin akong slr, natatawa nga ako kasi nakunan pala ni Kevin yung reaction ng mukha ni ansli nung nalaman nyang may bigote sya, HAHAHA. Ang cute este ang panget panget nya. HAHA.
Hmm, ilang taon na ba akong single? Pshhh. Kung ano-anong iniisip ko. Haha. Pero halos 2 years na pala. Simula nung iniwan ako ni Andrea parang naging bitter na ko sa mga girls. Psshhh. Sino ba naman kasing di magiging bitter diba. Ikaw ng ginawa ang lahat sa kanya tapos pagpapalit ka lang sa iba ang worst pa, yung karibal ko pa sa basketball noong high school.
Matinding kalaban ko yun sa larong basketball, magkaiba kami ng school. Mapa-interschool o liga o laro-laro lang, sya ang lagi kong katapat. Nakakainis, akala ko sa basketball lang kami magkaribal pero yun pala magkaribal rin kay Andrea. Pinaka worst pa, sya ang pinili ni Andrea over me. Psssh.
Hay nako nakakabadtrip lang isipin, di hamak naman kasing mas matalino at mas gwapo ako sa unggoy na yun. Haha. Pshh, Ang mean ko na.
(A/N: eh Duncan sino ang crush mo kung meron man? KEKEKEKE)
Pshhh. Deydee seriously tinatanong mo yan??
(A/N: oo baket? MASAMA?)
Pshhh. Sungit mo pagkatapos mong mangintriga.
(A/N: HEH! Mas masungit ka!!)
Crush?? Meron na ba akong crush? Pshhh. Di ko alam eh. Diba dapat nararamdaman mo na lang yun? Siguro kung may mahahalagang babae sa buhay ko ngayon syempre nangunguna si Mommy, next si manager and lastly eh yung bata.
Malaki ang respeto ko sa mga babae, lumaki kasi ako na kasama lang si Mommy at Rico, si Daddy kasi nagsstay sa California dahil hands-on sya sa Hotel and Restaurant business na ipinamana sa kanya ni lolo.
Though allergic na ako sa mga babae di parin nawawala ang respeto ko sa mga babae lalo na ang pagpapahalaga ko sa tatlong babaeng natitirang malapit sa akin. Si Ate jou, sya na talaga ang tumatayong ATE at pangalawang nanay namin, kahit madalas masungit at mainitin ang ulo nun alam namin na dahil yun sa mahal nya kami. Si Ansli naman, sya lang ang pinaka sakit sa ulo. -_____-++
Di sya sakit sa ulo na literal, pinaka-makulit at isip bata, actually parang mas isip bata pa sya kesa kay Rico na 5 years old lang pero alam ko pakitang tao lang ni Ansli ang pagiging isip bata at masayahin nya. Ayaw kasi nyang maging pabigat sa amin kaya di yun nagsasabe at nagpapakita na mahina sya. Bakit ko alam? Sa daldal ba naman ni Robbie eh. Haha.
So andami ko na palang nakwento, napansin nyo bang ang daldal ko? Psssshhh. Naiinip kasi ako. Marami na rin akong nakuhaan ng litrato, may nakita akong batis at napapunta ako sa isang cliff na may matatanaw kang isang village or so called community ng mga igorot.
Bzzzzz Bzzz Bzzzz
**Robbie Calling**
“Bud baket?”
“Bud si Ansli until now nawawala pa rin.”
Tinignan ko yung relo ko at nakita kong 2:45 na. naku lagot na kami kay ate Jou dahil di parin kami kumpleto. Tae.
“Sige hanapin ko na rin sya. Call me pag nakita nyo sa sya.”
After ng phone call ni Robbie dali-dali na rin akong naghanap kay Ansli. Yung batang yun talaga, akala ko pa naman bumalik na sya kanina pa dahil malaki ang takot nun kay manager.
Pssshh..
****************************************
happy new year!!
dami kong sipon na naman,
di kaya buong taon akong may sipon?
oh nooo!
hihi. thanks for reading kung meron man.
*smoochies*
~deydee
BINABASA MO ANG
Flashes and Music (HIATUS)
Teen Fiction*Story of a girl who expresses her feelings through her smiles, music and photographs.* Vocalist ng isang banda si Ansli at photography ang kanyang hilig. Surrounded by a lot of lovely people and cared by everyone. Pero may isang bagay na biglang na...