Para kay CK! Mag-solo artist ka na lang para di mo na kelangang maghanap ng bandmates! susuportahan kita!! wooot!!
Btw, wala akong maisip na title kaya yan na lang. UGH-____-
Here ya go!
****************************************************************************************
RUN [52]
Pagkatapos ng set, nag simula na ang sayawan sa party, bale pang close kami nung program. Dance until you drop ang drama. So eto ako ngayon, nagliligpit na ng mga gamit ko. Sobrang dami kasi, sobrang pinaghandaan ko kasi ang gabing to. Para kay Jamey, para sa bestfriend ko.
“BESTY!!!” sigaw nya mula sa likuran ko. “I’m so happy!! Thank you for making this event so much special!! I can’t find the perfect words to say how happy I am!” sabi nya habang yakap-yakap ako.
“Hey! Don’t cry! I did it for you, so stop crying!” iyakin talaga sya kahit kailan. Naalala ko nun, inasar lang syang bubuyog dahil sa eyeglasess nya nung grade 3 kami, ngumawa na sya eh.
“I’m just happy. I can’t imagine my birthday without you, Besty. Buti nagkita na tayo ulit. I really appreciated all the efforts, most especially on you wearing those killer heels!” yea, speaking of my feet and my legs, it all hurts. Pati ito oh. -___-
Mula sa likod nya, napansin kong may papalapit sa amin, ugh. Ano kayang feeling nya? Alam ba nya all this time na magbestfriend kami ni Jamey? Si Jamey din ba yung nakita ko dati sa parking lot? Of all people. T_______T
“Hmm. Jame, I’ll fix my things muna. Is it okay?” pagiwas ko.
“Yup sure, you want me to help you out? Btw, ilang minutes na lang birthday mo na. What’s your plan for tomorrow?” excited nyang tanong.
“Hmm. We’ll be having a listening party. Just a simple one. I’ll text you the details, but I bet you’ll be having a dinner with Vin. Yea, Valentines day, chocolates, roses and stuff.” Sagot ko sa kanya na parang kinikilig. Haay, ang sama ko para magkunwaring masaya para sa kanilang dalawa. But I do, masaya ako for Jamey. Kay Jamey lang.
“But it’s your day and I want to support you, besty!”
“It’s okay, pero sige I’ll text you the details parin. Hmm, everything’s set. Dalhin ko lang to sa sasakyan ko ha.” Sa sitwasyong to, parang kaya kong magbuhat ng isang refrigerator sa adrenaline rush na nararamdaman ko. Cool.
“Vin, help mo naman si Besty. Please?”
Feeling ko namatay ako ng ilang Segundo nung narinig ko yung idea ni Jamey. Anong gagawin ko??
“Yea, sure. Let me take care of this—“
“NO!”
Napalakas ata ang boses ko kaya pareho silang nagulat, lalo na si Jamey.
“No. Kaya ko na to mag-isa, Vin. Sanay na akong magbitbit ng sarili kong gamit, Jame. Don’t worry about me.” Sabay alis bitbit yung dalawa kong gitara.
Ayokong hawakan nya ang kahit anong bagay na pagmamay-ari ko. Ayoko ng may koneksyon sya sa buhay ko. Ayoko syang makita na malapit sakin. Ayoko ata.
Buong gabi, gulong-gulo ang utak ko. Pano nangyari to? Matagal na bang sila? Siya ba yung kinikwento ni Jamey sakin nung umiiyak sya?!
Tama, naalala ko na. Sya nga yun, sya nga. Baka sya.
Pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko. Sabi ko sa sarili ko aalagaan ko ang puso ko lalo na ngayon na magisa na lang ako, nangako ako na magiging malakas ako para sa sarili ko. Pero, nangako din sya noon na hinding hindi nya sasaktan to. Tangina, sinungaling. Ang sinungaling nya talaga. Napaka sinungaling.
BINABASA MO ANG
Flashes and Music (HIATUS)
Novela Juvenil*Story of a girl who expresses her feelings through her smiles, music and photographs.* Vocalist ng isang banda si Ansli at photography ang kanyang hilig. Surrounded by a lot of lovely people and cared by everyone. Pero may isang bagay na biglang na...