"Yasimita!!!!"
"Yasimita!!!!"
"Yasimita!!!!! Tanghali na!!!!"
Alas 4 pa lang ng madaling araw pero tumatalak na ang nanay ko sa labas ng bahay namin. Mas maaga pa syang nagigising kesa sa mga alaga kong tandang sa likod bahay.
4:01...
4:02...
4:03...
"Hoy!!!!! Gigising ka ba o bubuhusan ko ng pagkaing baboy yang mukha mo!"
Ayan na naman sya.
"Andyan na Nay!" sabi ko habang pupungas sa pagbangon sa maliit kong higaan sa itaas ng bahay namin. Katabi ko ang maliit kong aso na pinangalanan kong Coby.
"Magandang umaga Coby!" sabay halik ko sa ulo nya. Nagmadali akong maghilamos tsaka sinuot ang maong na pantalon na suot ko rin kahapon at lumang kamisa di chino ni Itay. Wala pa namang amoy. Lalabhan ko na lang to mamaya. At saka lumarga sa mga utos ni Nanay kahit madaling araw pa lang.
Ito na ang buhay ko araw araw. Gising ng madaling araw. Pupuntang skwelahan pag alas syete. Swerte na nga ang alas syete. Madalas nakakarating ako ng eskwelahan ng alas nwebe ng umaga dahil medyo malayo ang paaralan samin at maglalakad pa ako pag walang naibigay na pamasahe sina Nanay at Itay.
"Nay! Andito na po ang maganda nyong anak! At your service!" Nag hand salute pa ako sa harap nya.
"Anong maganda? Eh kay pangit mo naman!" bulalas ni Inay pero imbis na mainis ako eh tinawanan ko na lang sya ng malakas.
"HAHAHAHA."
"Bat ka tumatawa?! Ha??? Yasimita?!?" Galit na tanong ni Inay.
"Eh sabi mo pangit ako eh! Eh anak nyo ko, eh di pangit din kayo! Hahahahaha" sabi ko sabay bitbit ng isang baldeng pagkaing baboy para ipakain sa mga alaga naming baboy sa kulungan.
Tinaponan ako ng masamang tingin ni Inay pero binelatan ko sya sabay takbo sa kulungan. Buti na lang hindi gumanti si Inay kasi kung nagkataon, malamang makaabsent na naman ako ngayon. Hahaha
Pinakain ko ang aming dalawang inahing baboy at walong mga biik. Sinunod ko na rin ang aking mga alagang manok na pupungas pungas rin ang mata dahil kagigising lang. Nagsalin na rin ako ng bigas sa kaldero at nagsimulang magsaing.
"Yassimite Jade Mendoza, magiging mayaman ka rin balang araw." Muni muni ko habang nagsisibak ng panggatong para sa aking isinasaing.
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romantizm"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung