CHAPTER 22

15 0 0
                                    


Yassi's POV

Mabilis na lumipas ang 30 minutes at nandito na ako sa labas ng gate at hinihintay si Zyra. Super excited kaya ako. Kahit na wala akong almusal okay lang basta excited na ako!

"Nasaan na kaya ang babaeng yun?" Tanong ko sa sarili ko. Inayos ko ang aking damit na bigay pa sa akin ni inay at pinagpag ang bulaklakin kong palda. Hindi ko na pala nakita ang sarili ko sa salamin kanina dahil sa pagmamadali ko. Mukha naman siguro akong tao ngayon.

Occupied ako sa pag-iisip sa 1st day ng pag-aaral ko nang makita kong paparating na si Zyra. At last andito na sya!

Homaygad! Ang sexy nya. Naka-crop top sya at fitted jeans na hapit na hapit sa bilugan nyang mga hita.

"Good morning Miss. Ako na po ang magdadala sa bag nyo." Sabi ko sa kanya at nilampasan lamang ako. Nauna na syang sumakay sa kotseng nakaparada sa labas ng gate.

Milagro yata na hindi nya binigay ang bag nya sakin ngayon. Eh noong una halos gawin na nya akong sampayan ng mga bags nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at sumakay na sa likuran ng kotse pero bigla akong tinawag ni Donya Felicia.

"Yasimita!"

Bumaba ulit ako at hinarap ang Donya.

"Ano po yun, Madam?" Tanong ko.

"I forgot to give you this check. This is your initial tuition fee payment. Avail the academic scholarship of the school to lessen your tuition fee. I don't wanna spend a lot on your studies. You must earn that in a hard way." At binigay nya sa akin ang cheke.

Nagpapasalamat ako ng sobra sa kanya. Halos maluha luha akong nakahawak sa cheke na bigay nya.

"Maraming maraming salamat po. Hinding hindi ko po kayo bibiguin."

She gave me the pokerface look at tumalikod patungo sa loob ng mansion.

Bumalik ako sa loob ng kotse ng nakangiti pero napawi din ito dahil inirapan ako ni Zyra. Ang laki talaga ng problema nya sa akin. Hindi ko naman sya inaano. Haruuuu.

After 30 minutes..

Andito na ako sa The King's Academy. Halos lumuwa ang puso ko sa sobrang excitement. Iniwan agad ako ni Zyra kanina. Nauna na sya sa classroom.

Pumunta ako sa Registrar's Office at inenroll ang sarili ko. I also signed up for the academic scholarship at binigyan ako ng terms and conditions. Kailangan na 90% above ang lahat ng grades ko sa subjects ko para makapasa sa scholarship.

Ang hirap naman nito.

Nasa average lang ang naman ang utak ko eh. Ang hirap naman yatang i-achieve ang 90 na grade sa lahat ng subjects. Eh baka recess lang ako magkaka-90 eh.

Bahala na nga. Magtyayaga ako! Para sa kinabukasan!

Lumabas ako sa Registrar's Office at bitbit ang aking room assignments ay tinungo ko ang unang klase ko.

MATH.

As in MATHEMATICS.

Pucha naman talaga. Hayst.

Nakatayo ako sa labas ng room.

DUG DUG DUG DUG DUG.

Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako at natatakot kasi naalala ko ang sad memory ko sa room na ito kahapon. Parang fresh pa sa akin ang lahat.

Grabe ang nerbyos ko at para na akong natatae pero pumasok pa rin ako sa loob ng room.

Nakayuko akong pumunta sa harap at binati ang aming guro.

"Go-good morning po Ma'am. I'm Yassimite Jade Mendoza po. Bagong student."

Tiningnan nya ako at tiningnan kong may bakante pang upuan.

"Good morning din Ms. Mendoza. Welcome to your new school." Tumayo sya at pinaharap ako sa aking mga classmates.

"Class, meet your new classmate. Introduce yourself to them Ms. Mendoza."

Tumayo ako sa harap at tumingin sa paligid.

"Hello po sa inyong lahat! I'm Yassimite Jade Mendoza. 15 years old. Galing ako sa Matayog National High School, ang eskwelahang kaharap ng The King's Academy pero dahil..."

"Pero because of the generosity of my family, naranasan nyang makaapak at makapag-aral dito sa TKA." Sumabat si Zyra. Hindi ko natapos ang aking introduction.

"Totoo po yun. Maraming salamat po Ma'am Zyra." Nasabi ko na lang.

Tumayo si Zyra at pinalakpakan ng mga kaklase ko.

Tumahimik na lang ako at sinenyasan ng aming guro na paupuin sa bakanteng upuan sa 2nd to the last row.

Tahimik akong umupo.

"I can't believe that she'll gonna study here. Look at her. She's a loser." Bulong ng isa sa mga kaklase ko.

"Shut up your filthy mouth, Trixie." Saway ng katabi kong lalaki sa babaeng nanglait sa akin at tumahimik naman ito.

"Welcome to TKA, Miss Mendoza. I'm Van." And he held his hand.

Nagulat ako at lumingon sa kanya.

"Ikaw???"



ITUTULOY..

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon