CHAPTER 11

34 2 0
                                    

Yassi's POV

Hoooooh!!! Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Magkahalong kaba, takot, lungkot, etc. etc. Para na nga akong matatae sa emotions ko eh! -___________-

Andito na pala ako sa harap ng mansion. Pinapasok ako ni manong guard sa loob ng gate at diritso akong pumasok sa may lawn.

Haaaaay. Eto na talaga Yassi. Naglakad ako papasok ng bahay nang sinalubong ako ni Iguada, ang mayordoma ni Senyora Felicia.

"Bakit ngayon ka lang?!? Hindi mo ba alam na kanina pa naghihintay sayo ang senyora?!"

"Aah..mmmm..Ahhmmmmm..Sorry po. Nasiraan po kasi ang sinasakyan kong traysikel eh." Utal na sagot ko sa kanya.

"Hindi ko kelangan ang paliwanag mo. Eto! Isuot mo! Pagkatapos ay pumunta ka sa sala. May naghihintay sayo."

Sino naman kaya yun? Di bale na nga. Nagpasama ako kay manang Baneneng para pumunta sa maid's quarters para makapagpalit na.

"Ang bait mo iha. Sa mura mong edad ay nakayanan mong mawalay sa pamilya mo upang magtrabaho rito. Sana pagpalain ka palagi ng Diyos." Sabi sa akin ni manang Baneneng.

"Salamat po manang." At nginitian sya. Hmmmmm. Mabait naman talaga ako eh! Lalo na pag tulog.

Sa sala..

Namangha ako sa mga kagamitan sa bahay. Pawang mga authentic lahat eh. Ang dami pang banga. Inuusisa ko ang isa sa mga naglalakihang banga..

"Hmmmm.. Ano kayang meron sa loob?"

Akma kong dudungawin ang loob nang may nagsalita sa aking likuran.

"Hey! What are you doing?!?"

Putcha! Sa sobrang gulat ko ay na-shoot ang ulo ko sa loob ng banga! At nang huhugutin ko na sana ay di na maalis ito.

"Uuuunngggghhh...." Sigaw ko pero parang ungol lang ang maririnig.

Ano ba tong bangang ito! May halong sa mangkukulam yata to eh!

Diniinan ko ang paghugot sa ulo ko at sa wakas!!! Natanggal rin!!!

"Aaahh. Hello po maam!" Suray-suray kong sagot. Medyo hilo pa eh.

"Sorry po. Di ko sinasadya." Mahina kong sagot.

Teka! Hindi ito si Senyora Felicia.

"I guess you have to stop touching things in this house or else." Maldita nyang sabi.

Aba! Tinaasan pa ako ng kilay ah!

"Sorry po maam. Di na mauulit." Gigil kong sagot.

"Well! Let me introduce myself first! By the way, I'm Zyra! Mommy Felicia's only daughter! I bet you already knew that I'm you're boss and you're my slave, ayt?" Arte nyang sabi.

Huwaaaat? Eto ang boss ko? Mas grabe pala to sa mommy nya eh.

"Yes maam. I know po." Sagot ko.

"Whaaat did you just call me???? Po???? Duhhhh! I'm not that old ha!"

Hindi pa pala sya old? Hahaha. Sareeeey.

"Sorry po..I mean, sorry miss Zyra. I didn't mean to call you that. My apology."

Psh. Kung di ko lang to boss eh. Haaay Yassi, keep calm and love your boss.

"Tsk! Now for your task for today! Enroll me at The King's Academy! I'm just too tired to do it. I'm still having a jetlag. Take this P 75,000 to pay for my tuition fee. Got it? Ciao!" At nag-flip pa ng buhok pagkatapos nyang inihagis ang sobreng may lamang pera sa round table na nasa harap ko.

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon