CHAPTER 24

8 0 0
                                    


Han's POV

She's beautiful.

I thought. She's not like any other girl I've met before. Ang simple nya, manang na manang ang dating but why do I feel this way towards her?

Nakita ko syang pumasok kanina sa classroom and she was humiliated by some of my dickhead classmates. I wanted to help her but I could not. Lalong lalo na kasi classmate ko rin si Zyra. I can't make a move knowing na she's just around. I'm not comfortable with it. Iniisip ko na ngang magtransfer ng school but I don't want to get off my eyes from Yassi. Specially this time na she's being bullied.

I want to be by her side.

"Putcha ka Hans. Baklang bakla ka ngayon ah." I whispered to myself.

I never believe in love after what the hearbreak did to me years ago. However there's something kay Yassi na I can't even explain.

The sight of her talking to Van and smiling with him makes me irritable. Ang landi naman kasi ni Van eh. Of all the people na pwede nyang makatabi, si Van pa talaga.

Pero I bet na mas gwapo naman ako kaysa sa kanya. But I won't let my guard down.

"Teka. Bakit ko ba iniisip to? Tinamaan na ba ako sa babaeng yun?" I stood up from my bed at lumabas ng kwarto.

I need water.

Nakakauhaw mag-isip kung ano bang nangyayari sa kin.

Pumunta ako ng kusina and when I opened the refrigerator door, I heard whispers.

Parang nanggagaling sa basement area ng bahay namin. Sa tabi kasi ng ref ay may pintuan patungong basement.

I wonder kung sino ba ang nasa baba na rarely lang naman may pumupunta dun kasi parang storage area lang namin yun ng mga old furnitures and stuff.

I pressed my ears sa pintuan and pilit na dinidinig kung ano o kung sino ang nasa baba.

Takot pa naman ako sa multo!

The whispers stopped. And so did my heart.

Narinig ko kasi na paakyat na ng hagdan ang mga nilalang sa baba.

Dug. Dug. Dug. Dug.

There goes my heart.

Parang bomba na itong sasabog dahil sa kaba ko.

What should I do?

Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

Andyan na sila!

I ran towards the other side of the ref and hid myself.

Sa laki kong tao pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa gilid ng ref.

Tagatak na ang pawis ko.

Who the hell are these intruders?!?

Nasaan kaya sila Mommy at Daddy?

I was there hiding then I heard the basement door opened.

Creaaaakkk.

Yun!

Bumukas na nga ang pintuan!

Nagsimula ng maglakad ang mga nilalang.

I just heard footsteps.

And then..

And then...

"Tulog na ba si Hans?" I heard na tanong nung isa.

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon