CHAPTER 15

15 0 0
                                    

Yassi's POV

Mabilis na lumipas ang isang araw. Huhuhu. Makikita ko na naman ngayon ang amo kong nangangain ng tao. Paniguradong paparating na ito ngayon sa mansion.

T^T

Inayos ko ang aking maid's uniform. At tumayo sa harap ng mansion na nakaharap sa malaking gate. Ayokong mapagalitan na naman.

Maya-maya pa ay may pumarada ng kotse sa garahe ng mansion. Si Zyra na talaga ito!

Sasaluhin ko na lang lahat ang talak nya. Ready na ako. T-T

Heto na sya. Paparating na.

"Hey you! How dare you leave me without even bothering to go back!!! You must be the one bringing these!!!!" At pinakita nya sa akin ang kanyang maraming bags.

"I'm so-sorry maam. It won't happen again." Utal kong sagot.

"Talagang hindi!!!" Sigaw nya sa mukha ko.

Pwe! Mabaho rin pala ang mga bibig ng mga mayayaman.

Literal na mabaho talaga. Hindi pa yata to nag-totoothbrush eh.

At take note, marunong din pala mag-tagalog ang lola. Pinahirapan pa ako sa english ng babaeng to.

"Give me something to eat. I'm starving!"

At umalis sya sa harapan ko. Iniwan pa ang kanyang mga bags.

Binuhat ko ang mga ito at dumiretso sa kwarto nya. Ang ganda at ang laki ng kwarto. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking silid. Halos kasya na yung buong bahay namin.

Nilagay ko na ang mga bags sa isang lamesita at lalabas na sana nang may mapansin ako sa isang picture frame.

Picture ni Donya Felicia.

Ang bata pa nya sa picture. Hindi naman pala sya ganun ka-chaka dati. Sa totoo nga lang ay napakaganda nya. Parang hindi sya. Siguro ay dala lang sa maraming derma techniques ang mukha nya ngayon.

"Hmmmmm. Sino kaya tong lalaking kasama nya? Ang gwapo rin eh. James Reid lang ang dating." Bulong ko.

Napansin kong pabukas na ang pinto ng banyo ni Zyra. Tapos ng maligo ang bruhilda.

Lumabas na agad ako sa kwarto nya at inihanda ang kanyang hapunan.

Nasa pagmumuni muni ako sa lalaking nakita ko sa picture nang may magsalita.

"Yassi iha."

"Ayyyy! Manang!!!" Gulat na gulat ako habang nakatingin kay Manang Baneneng. Eh bakit kasi pabigla biglang nagsasalita eh.

"Hehehe. Nakita ko kasi na parang tulala ka. Ano ban iniisip mo iha?" Tanong nya.

"Wala lang po. Mga changes lang po sa aking life. Ang dami na po kasi eh. Hindi pa nag-sisink in sa akin ang lahat. Hehehe" sagot kong pa-echos.

Totoo naman. Naninibago pa rin ako. Hindi kasi ako sanay ng ganito.

"Alam kong matatag ka iha. Malalampasan mo rin ang pagsubok na ito." Ngiti ni manang sa akin.

"Sana magdilang anghel po kayo manang. Aja!" Ngiti ko rin sa kanya.

"Sige iha. Magpahinga ka na." Pamamaalam nya sa akin at tinignan ang picture ni Itay at Inay na nasa gilid ng aking kama. Dinikit ko ng Elmer's Glue sa dingding para hindi ko sila ma-miss ng sobra.

"Kamukha ka talaga ng Itay mo."

"Aba syempre! Gwapo ata ang tatay ko manang. Hehehe" sabi ko habang nagposing ng model modelan.

Tumango sya at umalis. Hindi man lang pinansin ang pagmomodel ko.

Bakit parang may iba kay manang ngayon? O sadyang deadma lang talaga sya?

Hayst. Bahala na nga.

Matutulog na nga lang ako.

Time check!

9:30 pm

Goodnight madlang Earth. 😴

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon