Han's POV
Umuwi agad ako pagkatapos ng klase ko ngayong araw.
Ang dami kasing nangyari at parang hindi pa ako ready tanggapin ang lahat.
Una.
Naaawa ako kay Yassi. At hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko sya type! Basically kasi hindi ko sya ka-level ng estado sa buhay. But...
There's something in her that makes me feel this way. At yun ang hindi ko alam! Nalilito ako. Putcha naman oh.
Pangalawa.
Bakit ba kasi bumalik balik pa yung Zyrang yun sa buhay ko? Naka-move on na ako eh. In fact, nakalimutan ko na nga sya. Nakalimutan ko na ang lahat. Pero bakit sumulpot na naman syang parang kabute sa buhay ko?
Haruuuu!
Siguro ay kinakarma na talaga ako! Sa lahat ng girls na pinagtripan at sinaktan ko dahil sa aking kagwapohan. Ehem! Patawad naman oh.
Tok! Tok! Tok!
Nahinto ako sa aking pag-iisip nang may kumatok sa pinto.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Si Mommy to baby."
Aish. Si Mommy lang pala. Tumayo ako at binuksan sya ng pinto. Dali-dali naman syang naglakad patungo sa kama ko at umupo.
"Hmmmmmm. I sense something baby. May problema ka ba?" Tanong nya.
Hala! Ba't alam nya?
"Hindi ka kasi umuuwi ng maaga sa bahay kapag okay ka eh. I barely see you in this house if it's still 6 pm."
Tumayo sya at lumapit sakin.
"May problema ba ang baby ko? Come on! Tell me my love. Mag-open up ka naman kay Mommy. 6 years din kitang hindi napakinggan sa mga problema mo anak. I'll make it up to you this time."
Tulala lang ako at tahimik.
For 6 years, wala akong pinagsasabihan kapag may problema ako. Madalas dinadaan ko na lang sa pagbabarkada ang lahat para makalimot pero ngayon..
She's here. My mom's here waiting for me to share my problems with her.
She looked at me in the eyes. I looked at her too and then out of nowhere, I hug her.
At sinabi ko sa kanya ang lahat. Para akong bata na naghihintay ng karamay sa kanyang ina dahil inaaway ng mga kaibigan. I feel the child in me at this very moment. Masarap pala talaga ang may Mommy. 😊
"Baby Hans, you're already 16 now. You're already old yet too young to handle this kind of situation. Please take it slow. Ang bata mo pa para mag-isip ng pag-ibig. Papagalitan talaga kita noon pag andito ako tapos nag-heartbreak heartbreak kana sa edad mong katorse!" Sermon ni Mommy.
"I-explain mo nga sakin kung bakit kayo naghiwalay ng Zyra ba yun? Curious lang ako baby. Bakit my nerve syang hiwalayan ang napakagwapo kong anak! Hmp!"
Natutuwa ako sa reaction ni Mommy. Hehehe
"Eh Mom. Ganito po kasi yun.."
Flashback..
Nakatayo ako habang dala-dala ang isang dosenang red roses. Inayos ko pa ang naka-gel kong buhok at nanalamin sa isang sideview mirror ng isang nakaparadang kotse na malapit sa kinatatayuan ko.
Tsss. Ang gwapo mo talaga Hans. Mahihiya si Enrique Gil o si Alden Richards sa kagwapohan mo.
Nakangiti pa ako habang nakatingin sa sideview mirror nang may mahagip ang mata ko sa salamin.
Ang babaeng hinihintay ko!
Ang ganda talaga nya. Inililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok habang naglakad sya palabas ng school nila.
"Saan kaya sya pupunta?" Isip ko.
"Baka may bibilhin lang."
Tiningnan ko ulit ang hitsura ko sa sideview mirror at nang mapansing ang gwapo ko na ay nagpasya na akong maglakad.
I'll surprise her!
Sinundan ko sya at tumakbo ako ng bahagya para makauna sa kanya at..
"Surprise!!!!!!" Sigaw ko.
Nagulat sya. Ang cute nyang magulat. Ngumiti ako sa kanya.
"Leche Hans!"
"Surprised babe? Hehehe. Flowers for a beautiful lady!" At binigay sa kanya ang one dozen of red roses na dala ko pa since kanina.
Hindi nya kinuha ang mga bulaklak at para syang naiiling sa presence ko.
Hindi ko expect ang kanyang reaction.
"What are you doing here? Don't you have classes today?" Maldita nyang tanong sakin.
"Uhhmm. I just skip a class because I want to surprise you." Nakangiti kong sagot.
"Eh, umuwi kana! May gagawin pa ako."
"Saan pala punta mo babe?" Curious kong tanong.
Sasagot pa sana sya nang may tumawag sa kanya galing sa isang kotse sa harapan namin.
"Zyra Baby!!!"
Nagulat ako sa narinig ko.
Zyra Baby???
Tiningnan ko sya pero hindi sya makatingin sakin.
"Who's that guy baby?" Tanong nang lalaki sa kotse at bumaba ito.
I think mas matanda sya sakin ng ilang taon. College na yata.
Naglakad patungo sa kanya si Zyra at..
"Ahhm, just don't mind him baby. He's just a nobody. Just another ordinary guy who likes me." Tumingin pa sya sakin at parang nag-senyas na makakaalis na ako.Leche! Mahal ko ang babaeng to!
At akala ko mahal nya rin ako. Akala ko lang pala ang lahat.
Umiyak ako nang umiyak sa gitna ng daan habang yakap ang isang dosenang roses na dala ko.
Kanina pa nakaalis si Zyra. Kasama nung lalaki nya!
Naiwan akong nag-iisa sa gitna ng daan. Pinagtitinginan na ako ng mga schoolmates nya. Pero wala akong pakialam.
Ang sakit lang ah! First love ko sya. First heartbreak din! Putcha!
Nagsimula akong maglakad. Itatapon ko na sana ang mga roses pero sayang naman. Pinag-iponan ko rin naman to. Pinahid kong mga luha ko at nagpasyang ibigay sa isang aleng nagtitinda ng mais sa kalye ang mga bulaklak.
Tuwang-tuwa ang ale. Hindi raw kasi sya nakakatanggap pa ng bulaklak sa buong buhay nya.
At naglakad na ako palayo. Dala ang puso kong sobrang nasaktan.
Simula ngayon. Ayoko ng ma-inlove. Ayoko ng masaktan ulit. Kung ganito rin lang naman ang feeling pag nasaktan, mabuti pa'y wag na lang. Tama talaga sila. Walang forever.
![](https://img.wattpad.com/cover/82501897-288-k190428.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romance"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung