CHAPTER 8

29 1 0
                                    

Third Person's POV

Nakauwi si Yassi ng may saya sa kanyang mga labi dahil hindi na mapapaalis ang kanyang mga magulang sa San Lazaro. Pero batid ng kanyang mga magulang ang kanyang tunay na nararamdaman. Batid nilang kinakaya lang ni Yassi ang lahat para sa kanila. Batid nilang hindi nito gusto na tumira sa mansion ni Donya Felicia ngunit wala syang magagawa kundi sundin lamang ang gusto ng mayamang Donya.

Kinanlong ni Yassi ang kanyang aso na si Coby at sinabihan ng "Magpapakabait ka kay Itay at Inay ha. Mamimiss kita." Tsaka hinalikan ang noo ng aso.

Pagkatapos ay hinalungkat ni Yassi ang kanyang lumang bag at dalawang sako para paglagyan ng kanyang mga gamit. Wala na kasi syang ibang bag maliban sa kanyang maliit na backpack na regalo sa kanya ng kanilang suking tindera na si Aleng Bebang. Alam nyang hindi magkakasya ang mga gami nya dun kaya nilagyan din nya ng kanyang mga gamit ang dalawang sakong nakita nya.

Bukas ay magbabago na ang takbo ng kanyang buhay. Magiging katulong na sya at alalay ng anak ng Donya. Pilit nyang iwinawaksi ang lungkot na nararamdaman ngunit di nya mapigilang malungkot sa rason na baka hindi na sya makakapag-aral. At mawawala na ng tuluyan ang mga pangarap nya. Ang pangarap nyang maging doktor. Ang pangarap nyang mapatayuan ng magandang bahay ang kanyang mga magulang at mabigyan ng magandang buhay.

Tumulo ang luha nya pero agad din nya itong pinahid. Hindi sya dapat magpapadala sa lungkot. Nagpatuloy sya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit nang pumasok sa kanyang maliit na kwarto ang kanyang Inay at Itay. Niyakap sya ng kanyang mga magulang at yumakap din si Yassi sa kanila.

"Tay, Nay. Balang araw magiging okay din ang lahat. Balang araw, hindi na tayo magkakahiwalay." Sambit ni Yassi.

Puno ng pag-asa ang kanyang puso na magiging okay ang lahat. Isa na rito ay ang pag-asa na sana ay hindi masungit ang anak ng Donya na syang pagsisilbihan nya.

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon