CHAPTER 2

56 1 0
                                    

Alas syete ng umaga.
June 6, 2016
Unang araw ng pasukan.

Malapit na ako sa eskwelahan ng makita kong bumaba sa traysikel ang bff kong si Kiray. Highschool pa lang po kami pero parang nasa college na ang ayos nitong bff ko.

"Beeeeessssshhh!!!!!" Sigaw nya. At nagtatakbo sya palapit sakin kahit naka-heels. Oo. Naka-heels sya para tumangkad tangkad naman sya sa height nyang halos apat na dangkal lang. Hahahaha.

Maliit si Kiray. Mga 5" lang ang height nya kaya sya nagsusuot ng heels para hindi sya elementary kung tignan. Nasa 3rd year high school na kami ngayong pasukan na ito at isang taon na lang gagraduate na kami. 

"Bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong nya.

"Si nanay kasi eh. Ginising ako ng maaga. Kulang tuloy ako sa tulog." Sabi ko habang pinupunasan ko ang sapatos na naputikan nang nag-shortcut ako sa may palayan para mas madaling makarating sa eskwelahan.

"Kawawa ka naman besh. Di bali ililibre kita mamaya ng recess para mawala naman yang bigat ng mukha mo. Hahaha" Aniya.

Sa bagay di pa ako nag.aalmusal sa sobrang pagmamadali para di ako ma.late sa unang araw ng klase.

"Salamat besh! Isa ka talagang anghel sakin." At nag.aacting pa ako ng pagpunas punas ng luha kahit wala naman.

"Araaaay!"

Binatokan ako ni Kiray at tumawa ng malakas. Baliw naba sya? Hahaha

Papasok na kami sa gate ng school nang biglang inilipad ng malakas na hangin ang palda ni Kiray.

Mas maiksi kasi ang cut ng palda nya kesa sakin kasi nga college student na ang tingin nya sa sarili nya samantalang ako, manang na manang ang dating.

"Aaaaaahhhh! Ano ba to!!! Bat ba ang lakas ng hangin???" Sigaw nya.

"Besh! Tingnan mo!" Sabay turo ko sa 4 na sports cars na dumaan sa likuran namin na syang dahilan ng malakas na hangin.

Bumaba mula sa apat na magagarang kotseng yun ang apat rin na lalaki na naka-shades.

"Hindi pa naman tirik ang araw pero naka-shades na. Pauso to ah!" Sabi ko sa sarili ko.

"Aaaaaaaaaaaaaah!!!!!"

"Papables!!!! Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!"

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga babae't mga bakla habang nakatingin sa apat na lalaki.

"Sino sila besh?" Tanong ko kay Kiray na natulala rin pala habang pinapanood ang apat.

Tumingin na lang din ako.

Oh my gulay! Oh my gee! Oh my lahat lahat! Ang gagwapo nila! Sa 15 years of my existence sa mundong ibabaw, ngayon lang yata ako nakakita ng mga lalaking titig pa lang, tunaw ka na.

Nabahiran ng kalandian ang virgin kong paningin! Shems! Hindi pwede to!

"Malalaglag yata ang panty ko." Nasambit ko habang tumitingin sa kanila. Di ko akalaing narinig pala ito ni Kiray.

"Bessssshhh?!? Ano yang narinig ko ha? Malalaglag panty mo?!?" Sigaw nya. Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Hala besssssh!!!!! Paparating sayo si Papable Number 1 oh!".

Mas lalong lumaki ang mata ko! Myghaaaaad!!!! 

"Narinig ba nya? Narinig ba nya?" bulong ko sa sarili ko.

Unti-unti nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko at nagsabi ng, "Kung malalaglag ang panty mo, siguraduhin mong tayong dalawa lang." Sabay tawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tumatawa na rin ang mga schoolmates ko.

Mga sugpong 'to! Kakainin ko kayo ng buhay! Makikita nyo!

Galit na galit ako sa lalaking ang sarap ng ngiti sa aking harapan. Bibigwasan ko na sana sya nang may sumigaw...

"Haaaaaannnnssss!!! Tama na yan! Late na tayo!!!"

At umalis sya sa harapan ko pero kumindat naman habang naglakad palayo.

Uminit bigla ang ulo ko.

"Besssssshhhhhh!!!! Ang swerte mo!!!! Anong feeling? Mabango ba hininga nya? Anong ibinulong nya sayo?" Usisa ni Kiray.

"Bulong ba yun? Eh halos buong paaralan ang nakarinig eh." Sagot ko.

"Hans! Hans! Hans! Hans pala ang pangalan nya! Makikita nya!" padabog kong sabi habang nakaakbay kay Kiray. Bigla namang tumunog ang schoolbell namin at may nagsalita sa luma naming speaker sa paaralan.

"MATAYOG NATIONAL HIGH SCHOOL STUDENTS, WELCOME BACK PARA SA BAGONG SCHOOL YEAR!"

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon