Yassi's POV
Hindi na ako pumasok ngayong araw. Nakaka-sad nga eh. Pangalawang araw pa lang ngayon pero stop na agad ako. Huhuhu. Pero sige na lang. Fight Yassi! Fight!
Alas otso pa lang ng umaga ay handa na ako para pumunta sa mansion ng mga Sarsaga. Inihatid ako ni Itay at Inay sa may sakayan ng traysikel. Hindi na raw nila ako maihahatid sa mansion dahil kailangan nilang maghanda para sa pagbisita ng Donya sa lupaing sinasaka nila.
Hays. Mahal ko kayo my parents.
Nakasakay na ako sa traysikel ng biglang huminto ito.
"Manong bakit po?" Tanong ko kay manong drayber.
"Ineng, naubusan ako ng gas." sagot ni manong.
"Hindi ko napansin na paubos na pala." Dagdag pa nya.
Waaaaaaah. Halos hindi kami umabot ng limang minuto sa byahe ah. Eh aabutin ng 30 mins yung papunta sa mansion. Nakasakay pa yun ah. Paano na lang pag naglalakad? Waaaaah. Anong gagawin ko?
Wala akong ibang magawa kundi bitbitin ang dalawang sakong dala ko. Buti na lang at hindi ito masyadong mabigat kundi patay talaga ako.
Nagsimula na akong maglakad.
Heto akoooooo.
Basang basa sa ulaaaaan.
Walang masisilungaaan.
Walang malalapitan.Pakanta kanta pa ako habang tinatahak ang daan patungo sa mansion nang biglang may tumigil sa aking gilid.
Isang pulang BMW.
Hindi ko to pinansin kasi baka nasiraan din ang drayber nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napansin kong nagpatuloy din sa pagsunod sakin ito.
Binilisan ko ang lakad ko sa pag-aakalang hindi na ako susundan ngunit paglingon ko nakasunod pa rin ang kotse.
Leshe! Natatakot na ako!
Ma-rerape ba ako nito? Madudumihan na ba ang fresh kong katawan? Shems! Hindi pa ako handa! Kinse pa lang ako. Huhuhu.
Dahil sa nakasunod pa rin ang kotse ay lumabas na rin ang galit ko sa drayber nito.
Ibinato ko sa harapan ng kotse nya ang isa sa mga sakong dala ko. At sumigaw ng..
"Hoy! Kung sino ka mang alupihan ka! Huwag mo kong susundan kung hindi ay makakatikim ka talaga sakin! Pasalamat ka't hindi ako nakadala ng kaldero, basag na sana yang windshield mo!" Galit kong sigaw habang nakapameywang sa harapan ng driver's area.
Hindi ko nakikita ang driver dahil tinted ang kotse. Bahala na sya kung sino sya. Galit ako sa kanya.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at iniluwal ang isa sa mga taong ayokong makita.
Sya na naman!
"Ikaw?!?" Gulat na tanong ko.
"Yes! It's me!" Malapad ang kanyang ngiti habang nakasandal sa kanyang kotse.
"Ano bang problema mo? Ha? Bakit ka sumusunod sakin ngayon?!?" Galit kong tanong.
"Ahhhhmmm. Let's just say na gusto lang kitang pagtripan." Sagot nya.
"Pagtripan?!? Eh gago ka pala eh! Bumalik ka na lang dun sa epal mong eskwelahan at baka hinahanap ka na ng mga kaklase mong mga mukhang sugpo!" Bulyaw ko sa kanya habang pinupulot ang inihagis kong sako kanina.
Nagsimula na naman akong maglakad. Ang init na ng panahon kasi pasado alas otso na. Siguradong galit na sa akin ang Senyora ngayon. Kung wala sanang epal na kumag na Hans eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/82501897-288-k190428.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romance"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung