Han's POV
Pabalik na ako ng The King's Academy galing sa paghahanap at sa pang-aasar nung babaeng yun.
Ang happy ko. 😊
Bakit nga ba ganito ang feeling ko?
Nang makita ko si Yassi kaninang umaga ay ganito na ako.
Ang weird eh. Hindi ako sanay. Mali to. Maling-mali.
Pero..
Maganda pala sya.
Hindi ko halata yun nung una kaming nagkita. Ang manang nga nya noon eh. Pero manang pa rin naman sya ngayon. Mas nakita ko lang ang mukha nya ng malapitan.
Muntik na nga akong maduling eh!
Pero ang kinis pala nya. Ang ganda ng korte ng mukha. May maganda syang mata. At ang kanyang lips...
Ang pink ng kanyang lips. Halatang kissable talaga.
Putcha Hans!
Tumigil ka! Hindi mo sya ka-level. Hindi kayo bagay. Hindi ka naniniwala sa pag-ibig.
"Hindi na ako naniniwala sa pag-ibig." Sambit ko sa sarili ko.
Nadala lang siguro ako ng pagkakataon. Hindi ako maaaring ma-inlove sa babaeng ngayon ko lang na-meet. Hindi ko nga alam ang buong pangalan nya.
Tsk. Tsk.
Pinaharurot ko na ang kotse para makahabol pa sa klase ko. Time check. Quarter to 9 in the morning na. Late na late na ako.
Sa academy..
Putcha! Math pa ang naabotan kong subject. Hindi naman sa bobo ako sa Math. In fact, ako nga ang pinakamatalino sa batch namin eh. Hahaha
Walang halong biro yan!
Pero Math nga. Ayoko lang kasi ng Math. So I decided not to attend class.
Punta muna akong cafeteria. Nagutom ako sa kakasunod sa babaeng amazona na yun! Psh.
After 30 mins..
When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
'Cause I'm yours
We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my facePutcha! Ano yun? Caller tone ko ba yun?
Ang bakla ah!
Dali dali kong hinanap ang cellphone ko.
Thank God! Hindi pala akin yun! At nakita ko sa isang katabing mesa ang cellphone na nagri-ring.
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
'Cause I'm yoursKanino kayang cellphone to?
Ang hugot ng music ah.
Kinuha ko ang cellphone at nag-decide na ideposit ito sa LOST AND FOUND sa tabi ng Registrar.
Malapit lapit na ako sa Lost and Found room nang may marinig ako sa Registrar's Office.
"Ah eh. Maam, di ko po kasi alam ang info tungkol sa kanya eh. Kanina ko lang po kasi sya nakilala."
"Better text her or call her. You have all the ways."
Sino kaya ang nasa loob?
Papasok na ako sa L and F room nang mahagip ng peripheral vision ko ang babaeng palabas sa Registrar's Office. Nagtago agad ako sa gilid ng pinto!
Si Yassi ba yun?!?
"Bakit sya nandito?" Sambit ko.
"Mahabaging langit! Bigyan mo naman ako ng anghel oh!" Malakas nyang sabi habang nakatingala sa langit.
Limang minuto rin syang nakatingala. Habang ako ay minamasdan lamang sya. Iba naman ang trip ng babaeng to.
Nakita ko syang sumimangot. Sumakit yata liig nya. HAHAHA.
She needs an angel. Hmmmmmmmm.
"An angel you need? Here I am!"
"Ayyyy! Kabayo!!!!" Gulat na gulat nyang sigaw.
"Ikaw na naman?!?!"
At eto na naman. Galit na naman.
"Yeah! Bakit? Masama bang magkita tayo ulit?" Ngiti ko sa kanya. "At gwapo lang ako para maging kabayo."
Hmp! Sa gwapo kong to!
"Oo! Masamang masama! Kapag nakikita kita! Lagi na lang akong napapahamak! Tsupi!!!" Sigaw nya.
Abaaaah! In front of my face pa ha.
"I overheard your conversation with the registrar. I bet you need my help. I know her information." Sabi ko sa kanya. Kahit ang totoo ay di ko talaga alam kung sino ang i-enroll nya. Pero kung anak ni Donya Felicia ay maaasahan nya ko dun.
"Kilala mo si Zyra?" Tanong nya.
Zyra. Si Zyra nga talaga. Tama ako.
Nagbuntong hininga ako at tumango.
"Ah eh. Sige. Fill-upan mo na lang yung form. Eto yung 75,000 para sa tuition fee nya." Sabi nya at inilagay sa kamay ko ang envelope.
Aba grabe ang babaeng to. Utusan ba naman ang kagwapohan ko.
Pumasok na lang ako sa loob ng Registrar's Office at kumuha ng form.
Hmmmm. Zyra Sarsaga.
"Magkikita na naman tayo." Bulong ko sa sarili ko.
After 5 mins ay lumabas na ako galing sa registrar's office dala na ang resibo at proof na officially enrolled na ang babaeng pinapa-enroll nya.
Nakita ko syang pangiti-ngiti habang bitbit ang kanyang maliit na bag.
Typical Filipina.
"I guess I deserve something." Sabi ko sa kanya habang iniabot ang resibo.
Sumimangot na naman sya.
Hindi ba marunong magpasalamat ang babaeng to? Psh.
"You forgot to tell me something."
Nakasimangot pa rin sya.
Ang sloooooow.
Hello?
Pag hindi to nag thank you in 5 counts, hahalikan ko to. Isip ko.
5..
4..
3..
2..
At unti-unting inilapit ang mukha ko sa mukha nya.
Eto na..
At!!! Hinablot nya ang resibo sa kamay ko at tumakbo.
Putcha!
Ibang klase ka talagang babae ka!
Habang tumatakbo sya ay tumingin sya sakin at sumigaw ng..
"Thank you!"
![](https://img.wattpad.com/cover/82501897-288-k190428.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romance"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung