CHAPTER 21

10 0 0
                                    


Yassi's POV

"Hey you!"

Umalingawngaw ang isang matinis na sigaw sa loob ng maid's quarter. Ang aga aga pa. Hmmmmmmmmm. -_____-

Antok pa ako.

"Hey! Can you just wake up!!!!"

Ano yun? Nananaginip ba ako? Antok na antok pa ako eh. Sino ba ang distorbo na yun? Hindi ko binuksan ang mga mata ko. Baka panaginip lang ang lahat. Mas niyakap ko pa ang aking unan.

Nang...

"Hey you bitch!"

At may tumilapong isang libro, sapul ako sa noo!

"Aaaayyyy! Anak ng kabayo naman eh! Sino bang distorbo?!? Antok na antok pa ako!"

Napasigaw ako sa gulat at pilit binubuksan ang mga mata kong antok na antok pa talaga. Ang dami ko pang muta. -_-Lumingon ako sa may pinto at dun nakatayo si Zyra.

At..

At..

At..

Kasama nya si Donya Felicia!

"Waaaaah! Bangon Yasimita! Bangon!" Bulong ko sa aking sarili.

Dali-dali akong bumalikwas sa kama at tumayo sa harap ng dalawa.

Tumingin ako sa aking maliit na Doraemon na orasan. Putcha! Alas syete na pala.

"Goo-good morning po Ma'am Zyra at Donya Felicia." Nakayuko kong sabi.

"I didn't know that you'll wake up this late." Sabi ng donya.

"So-so-sorry po." Mahina kong sagot. Nakita ko si Zyra na nakataas ang kilay habang nakapameywang na tumitingin sakin.

Ano na naman bang problema ng babaeng to? Ipinaglihi yata to sa sama ng loob eh.

"Well anyways! Get up and get dressed! And accompany Zyra today." Sabi ni Donya Felicia na hindi inaalis sa akin ang tingin.

"O-opo. Saan po kami pupunta?" Nahihiya kong tanong.

"You'll gonna be studying today." Sagot nya.

Ahhh. Mag-aaral ako.

"A-ano po yun?!?" Dilat mata kong tanong. Nabingi yata ako.

Tinignan nya ako ng nakataas ang kilay at..

"I said, get up! Get dressed and you'll gonna be studying today."

"Ano pooo?!?" Napasigaw ako sa gulat.

"Bingi ka ba?!?" Sigaw din sa akin ni Zyra. Halos magsigawan na kami rito sa maids' quarter.

Hindi ako makapaniwala. Mag-aaral ako ngayong araw. Kumislap ang mga mata ko.

"Accompany Zyra today! And enroll yourself sa The King's Academy so you'll gonna be with her throughout the day." Sabi ni Donya.

Mag-aaral na nga ako. Ang saya lang! Ang saya ko!

Binangga ako ni Zyra na nanggaling sa aking likod. San ba nanggaling ang babaeng ito? Kanina kaharap ko lang sya.

"Don't expect too much. Maybe you'll end up crying. Now if you're done with your drama, get ready and meet me at the gate after 30 minutes." At umalis na sya. Sumunod din si Donya Felicia.

Hindi ako makapaniwalang mag-aaral na ako! Tumalon ako sa double deck bed pero nauntog ako sa upper bed!

Magkakabukol pa yata ako sa labis kong kasiyahan. Pero bahala na. Dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at tumungo sa banyo. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo nang maalala ko ang sinabi ni Donya Felicia.

"Enroll yourself sa The King's Academy.."

"Enroll yourself sa The King's Academy.."

"Enroll yourself sa The King's Academy.."

"THE KING'S ACADEMY!!!!"

"Dun ako mag-aaral??? Eh andun ang mortal enemy ko eh! Paano ba to? Ipagpapalit ko ba ang pangarap ko dahil lang sa lalaking yun? Eh ano naman kung andun sya? Siguro naman na mas matanda yun sakin. Hindi ko naman siguro yun magiging classmate" Muni-muni ko.

"Eh paano kong magiging classmate ko sya? Eh ano naman ngayon? Baka magpapanggap na lang ako na hindi ko sya kilala."

Monologue ko sa loob ng banyo.

Mababaliw yata ako sa kakaisip kung paano ko maiiwasan ang kumag na yun!

Bahala na nga. Ang importante, mag-aaral na ako! One step ko na to para sa pangarap kong maging doctor.

"Hmmmmmmmm... Today is the day that the Lord has made..." Kanta ko habang naliligo.



ITUTULOY..

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon