MATAYOG NATIONAL HIGH SCHOOL.
Ang aking paaralan. Ang paaralan namin ni Kiray. At ang paaralan ng lahat ng mga kagaya kong pinagkaitan ng yaman. Shocks! Haha. Mayaman naman ako. Mayaman sa kagandahan nga lang. Humble naman ako. Maganda lang ako. Syempre! Mana yata ako sa nanay ko. Hahaha
Marami na rin akong mga memories sa eskwelahang ito. Kahit na hindi ito malaki at makikita na ang kalumaan, ito naman ang nagbigay ng maraming aral sa akin. Ito rin ang tulay para sa mga pangarap ko. Para sa pangarap na maging artista! Joke! Hahahaha. Pangarap ko lang naman maging doctor kasi gusto kong makagamot ng lahat ng maysakit kahit na walang bayad pa. Oh di ba? Ang taas na ng lipad ng utak ko. Eh di nga ako sigurado kung makakapag-aral pa ba ako sa susunod na pasukan. Haaaaay. Buhaaaay. Utong delpin!
Nahinto ako sa pagmuni muni ko ng tinawag ako ni Miss Catacutan.
"Yassi!"
"Yes ma'am!" Sagot ko sa kanya.
"Ikaw ang magli-lead ng Lupang Hinirang ngayon at si Matteo naman sa Panatang Makabayan. Make sure to make it good okay?" Sabi ni Miss. Tsaka umalis na.
Pumanting ang dalawang tenga ko pagkarinig ko sa pangalang Matteo.
Matteo.
Matteo.
Matteo.
M-A-T-T-E-O.
Nagsisisigaw ang damdamin ko.
"Aaaaaaaaahhh! Matteo!!!" sigaw ng kalooblooban ko.
Si Matteo lang naman ang ultimate crush ko ever since tumuntong ako ng High School. Matanda sya ng isang taon sakin. Gwapo sya. Alangan naman hindi di ba? Mala-Enrique Gil lang naman ang dating nya para sakin at ako? Syempre ako si Liza Soberano. Shems! hindi naman nalalayo ang ganda namin. Lamang lang sya ng dalawang paligo. Hahaha.
Tsaka ang bango-bango ni Matteo. Parang laging amoy baby. Naaalala ko tuloy ang commercial na nakikita ko sa maliit na tv ni Aleng Bebang. Yun bang, Rub-a dabango! Let's do the rub-a dabango. Downy ba yun? Oo yun. Basta yun. Yun ang bango nya. Laging amoy downy. Hahaha
Bahala na nga kasi. Ang importante, makikita ko si Matteo mamaya. At higit sa lahat, magtatabi pa kami.
Maiinggit na naman sakin si Kiray nito. Bahala na. Basta i'll savor the moment na lang mamaya.
Excited na ako sa mangyayari.
Eto na.
7:30 na.
Magpa-flag ceremony na kami. Yeheeeey!
"MATAYOG NATIONAL HIGH SCH-SCHO-OL ST-TT-UUU-DENTS. GAA-A-THHE-ER A-TTT THE QUA-AD-RANGG-GGGLE"
Umalingawngaw sa loob ng paaralan namin ang boses ng aming principal.
"Hala! Anong nangyari sa speaker namin? Ba't ngayon pa? Makisama ka naman sakin please!" bulong ko sa sarili ko.
Nagfall in line na ang mga estudyante.
Umakyat na ako sa aming maliit na stage at nakita ko ring umakyat si Matteo sa kabilang side.
Oh my! Andito na sya! Andito na ang crush ko. Ang gwapo nya sa polo nya na sinapawan ng sweater. Oh my! Hindi yata ako makakanta nito. Malalaglag yata ang panty este puso ko!
(Load the image at the side to see Matteo)
Nakatingin sya sakin habang papalapit ng papalapit.
Isang hakbang na lang sana ng biglang tumunog ng napakalakas ang,
"Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhayLupang Hinirang
Duyan ka nang magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil."Galing sa speaker ng katapat na school namin. Sa sobrang lakas, pinababa kami ni Miss Catacutan at sumabay na lang kaming lahat sa Lupang Hinirang ng THE KING'S ACADEMY.
Nawala ang excitement ko. Nawala ang saya ko.
Nawala ang pag-asa kong makatabi sa stage si Matteo nang matagal. Nawala rin ang pag-asang mahahawakan nya ang kamay ko dahil sa school theme song namin.
Aaaargghhhh!!!
Badtrip ako! -_-
Na-badtrip ako!
Oh Matteo!
Kung bakit pa kasi nasira speaker namin eh. Huhuhu.
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romantizm"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung