CHAPTER 23

9 0 0
                                    


Yassi's POV

Halos maduling ako sa lalaking katabi ko ngayon. Hindi ko ini-expect na magiging classmate ko sya.

"Ikaw???" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yeah. I am." Sagot nya na nakangiti. Ang gwapo nya.

"I'm glad na nakita kita ulit, Yassi."

Yassi. Bakit nya alam ang pangalan ko?

"In case you're wondering why I know your name, just so you know, I have my ways." Smile nya ulit. Nababasa ba nya ang nasa isip ko?

Pero bahala na. Ang importante masaya ako dahil may magiging kaibigan na ako.

Umayos ako ng upo at inayos ang bag ko nang mapalingon ako sa likod.

At dun!

Mas lumaki ang mata ko!

0-------0

Si Hans!

Nakatingin sa akin.

Nakasimangot.

At parang kakainin ako ng buhay.

Inirapan ko sya at tumingin na sa harapan.

"Anong problema ng lalaking yun?" Bulong ko sa sarili ko. At nakinig na ako sa teacher namin. Math pa naman ang subject na to.

--

Natapos ang isang buong araw na pagod na pagod ako. Ang hirap palang makasama ang mga mayayaman. Hindi ako nakaka-relate sa mga topics nila at mga hilig. Kaya pinili ko na lang maging loner sa sulok pero salamat na lang kay Van o Louelle o Van Louelle kasi kahit papaano may nakakausap ako.

Andito ako ngayon sa mansion at naghuhugas ng pinggan. Pagkatapos nito, gagawa pa ako ng assignments.

"Para sa inyo tong paghihirap ko, Nay at Tay." Sabi ko sa sarili ko.

Nasa pagmumuni ako nang may tumama sa batok ko.

"ARAY!!!!!!"

Sigaw ko. Parang magkakabukol yata ang batok ko sa lakas ng impact.

Pwede bang magkabukol ang batok? Bahala na nga. Ang sakit eh.

Hinarap ko kung sino ang bumato sa akin at nakita kong nakangisi si Zyra sa may pintuan. Binato nya pala ako ng cellphone charger nya.

"You deserved that because of flirting with Van." Taas kilay na sabi nya sakin.

Tumaas din ang kilay ko.

"FLIRTING?!?" Tanong kong halos pasigaw.

"Yeah!!! FLIRTING!" Sabi nya habang papunta sa kinatatayuan ko.

"Kung hindi ka malandi, hindi mo sya kakausapin!" Sigaw nya sa mukha ko.

Napangiwi ako. Amoy na amoy ko ang alak sa bunganga nya.

Ang baho.

Nagtitiis akong hindi sya patulan kaya bumalik ako sa paghuhugas ng pinggan.

"NOW! You won't say anything! Kasi malandi ka talaga!" Sigaw nya at sinabunutan ako.

"Aray!!! Zyra tama na!" Pagmamakaawa ko.

"No! Don't mess with me if you still want to be in school bitch!" Sigaw nya pa rin.

Umiiyak na ako pero pinili ko pa ring hindi lumaban.

Binitawan nya ako at umalis. Pero napansin nya ang charger nyang nasa sahig.

"Pick up my charger bitch!" Sigaw na naman nya.

Kung hindi ko lang talaga amo tong babaeng to. Kanina ko pa to kinalbo eh.

Pinulot ko ang charger at binigay sa kanya. Hinablot naman nya to sakin at umalis.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit.

Ang sakit na wala kang magawa kasi katulong ka lang.

Ang sakit na hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinapos ang paghuhugas ng pinggan.

"Balang araw, magbabago din ang lahat.." Bulong ko sa sarili ko.

"Pero kalian pa?" Dugtong ko naming sabi.

Third Party POV

Kitang kita ko kung paano saktan ni Zyra si Yassi. Gustong gusto kong tumulong pero hindi ko magawa. Hindi pa pwede. Hindi pa panahon. Darating din ang araw na maaayos din ang lahat. At sa panahong yun,

Sisiguraduhin kong wala ng makakapanakit sa kanya. 

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon