Yassi's POV
Naglakad ako galing paaralan. Nag-shortcut ako sa palayan na lagi kong dinadaanan kapag gusto kong mapaaga sa pagpasok sa eskwelahan.
Pasado alas singko pa naman. Hindi pa masyadong madilim ang daan. Pumipito pa ako habang naglulundag lundag sa tulay papunta samin. Di bale ng madumihan na naman ang aking sapatos basta makauwi lang ako ng maaga.
Malapit lapit na ako sa amin. Naaaninag ko na si Inay sa may hagdanan ng aming maliit na kubo.
Masiglang masigla ako kasi alam kong meron na naman syang nilagang mais. Nakaugalian na kasi ni Inay na magluto ng anumang makakain para may makain ako galing sa eskwela. Mahal naman ako ni Inay. Sadyang masungit lang talaga sya minsan.
"Grrrruuuuggggggg.."
Tumunog ang aking tiyan. Marahil ay excited din sya sa mais. Tiyak na solb na naman ang meryenda ko ngayon!
"Naaaaaay! Yohooooooo!"
Sigaw ko kay Inay habang palapit ako ng palapit sa amin. Excited akong lingunin din nya.
Pero hindi.
Parang umiiyak si Inay. Hindi. Umiiyak talaga sya.
"Naaaaay! Anong nangyari?"
"Naaaaaay!" Niyugyog ko ang mga balikat nya.
"Heeeeeehhhh! Mababali ang mga balikat ko sayo Yasimita!" singhal ni Inay.
"Eh nay! Ano ba kasing nangyari? Ba't po kayo umiiyak?" tanong ko.
Nagpunas ng sipon si Inay at mas lalong lumakas ang iyak.
"Huhuhuhuhuhuhuhuh. Wala na tayong bahay Yasimita."
Nanglaki ang mga mata ko.
"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan! Ano tong nakikita ko sa likuran natin? Di ba bahay natin to? O sadyang ako lang ang nakakita ng bahay natin? Invisible naba to sayo nay? Teka nga. Hihipuin ko ang hagdanan natin."
Lumapit ako sa may hagdan at hinipo ito.
"Tumigil ka nga Yasimita! Syempre nakatayo pa rin ang bahay natin! Kitang kita ko nman!" singhal ni Inay.
"Ang ibig kong sabihin, wala na tayong bahay kasi pinapalayas na tayo sa lupang ito. Sa lupang kinatatayuan ng bahay natin." dagdag pa nya.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Paano na ang mais ko? Huhuhuhu.
Pero nalungkot ako. Paano na ang bahay namin? Saan na kami titira? Paano na ang pag-aaral ko? Paano na ang mga pangarap ko?
Hindi pwede to! Kailangang gumawa ako ng paraan.
"Nay! Sino ba ang nakabili ng lupaing ito? Baka pwedeng humingi sa kanya ng palugit kahit isang buwan lang para mapaghandaan naman natin ang ating lilipatan." Maluha luha kong tanong kay Inay.
"Donya sya anak. At hindi ko alam kong bibigyan pa nya tayo ng palugit. Masama ang ugali nya kasing sama ng pagmumukha nya!"
Chaka! Chaka pala ang bagong may-ari?
"Kahit na Nay. Gusto ko syang makausap. Kahit na pagtatrabahoan ko pa ang lahat." Desidido na ako. Kung sino man ang donyang ito, haharapin ko sya. At gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.
"Sige anak kung yan ang gusto mo. Magpasama ka na lang sa Tatay mo. Sya ang nakakaalam ng buong pangalan at ng bahay ng bagong may-ari."
Sa di kalayuan, nakita ko na si Itay na paparating. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko sya. Niyakap din nya ako. At ilang sandali lang, nakasakay na kami ng traysikel papunta sa bahay ng bagong may-ari ng lupa.
Sa bahay ni Donya Felicia Sarsaga.

BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romance"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung