Yassi's POV
Hindi ako pinansin ni Zyra habang nasa kotse kami papuntang eskwelahan. Hindi ko talaga alam kong anong problema ng babaeng to sakin. Ako pa ang sabihan ng malandi, eh wala naman akong ginagawa. Sya nga tong halos wala ng suot na damit eh.
Tulad ngayon. Hindi naman talaga maliit ang skirt ng uniform sa TKA, pero yung sa kanya, talagang niliitan para kitang kita ang legs. Eh halos isang dangkal lang, makikita na ang panty nya eh.
Psh.
Nanggigil ako.
Pero hindi ko dapat ipahalata. All smile pa rin ako ngayon kahit ang sakit ng ginawa nya sakin kagabi.
Bruha talaga 'tong babaeng to.
Pagmamaktol ko sa aking sarili.
Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa TKA.
Nauna akong bumaba pero binangga nya ako at nalaglag ang bag ko. Bukas pa naman ito kasi sira ang zipper.
Boom laglag lahat ng gamit ko!
Notebooks, ballpen, lapis, papel, at ang baon kong pagkain.
Nagbabaon kasi ako ng pagkain kasi hindi ko naman afford ang pagkain sa caf ng eskwelahang ito.
Tiningnan ako ni Zyra at ngumisi.
Ang sama nya talaga.
Iniisa isa kong pinulot ang mga nalaglag at pinagpag. Wala akong magagawa eh.
Sumunod ako sa classroom namin. Pinagtitinginan ako ng mga classmates kong mga maldita pero hindi ko sila pinansin.
Pumunta ako sa aking armchair at naupo ng tahimik. Wala si Van. At wala rin si Hans. Baka absent sila.
Pero after a while, dumating si Hans. Tumingin ako sa kanya pero hindi nya ako tinitignan.
Salamat at baka natauhan na rin sya.
Bulong ko sa sarili ko.
Sumunod din sa kanya si Van at umupo sa tabi ko. As usual, nakangiti na naman ito.
"Good morning, Yassi!" Sabi nya.
"Go-good morning din." Sagot ko.
Tiningnan ako ni Trixie ng masama. Isa pa to. Ano bang problema ng babaeng to sakin?
Nagstart na ang class namin nung araw na yun at sa Chemistry class ay pina-grupo kami ng teacher.
Nagkataong magka-groupmates kami ni Van, Hans at Trixie.
Inis na inis si Zyra kasi hindi sya napasama sa group ni Hans.
Ang talim ng tingin nya sakin. Haaaay. Kasalanan ko na naman.
"You are all required to do your project today so that you can pass it tomorrow. All scholars must comply or else."
Hindi na tinapos ng teacher namin ang sasabihin. Alam ko na rin ang susunod nun. Maapektohan ang scholarship ko kung hindi ako makakapasa ng project bukas.
"Let's do it sa bahay namin." Sabi ni Hans. Ngayon ko lang sya narinig na magsalita. Ang tahimik lang nya kanina.
"Okay ba kayo guys?" Tanong ni Van.
Hindi ako sumagot. Malalagot siguro ako kay Donya Felicia nito kung matagal akong makakauwi.
Tumayo si Trixie at nagsabing, "What are we waiting for?" at pumulupot ang mga kamay kay Hans.
BINABASA MO ANG
She's My Cinderella ❤
Romance"I'm not a prince and she ain't a princess either. But with her, my life becomes a fairytale." - Hans Jether Jung