CHAPTER 13

35 1 0
                                    

Third Person's POV

Na-late ako sa next subject ko.

Putcha! Magagalit  na  naman sakin si Miss nito.

Papasok na ako ng gate sa school  nang  may makita akong pumaradang kotse. Bumaba mula rito ang isang seksing chikababe.

Halus lumuwa ang mata ko sa suot nya! Strapless na top at micro miniskirt.

Estudyante ba to? Napaisip ako. Bumaba rin ang isang babaeng napaka-manang ang dating. Ang dami nyang dalang bags.

"Eto siguro ang estudyante." Sabi ko sa sarili.

Pumasok na ako sa loob ng school nang marinig ko ang usapan nila.

"Eh maam..." Reklamo nung babaeng manang.

"No buts! Just do it!" Sigaw nung babaeng chikababe.

Ang tinutukoy pala nito ay ang pagdala ng payong para payongan ang chikababe.

Walang ibang nagawa ang babaeng manang kundi paghirapan ang pagdadala ng mga bags at pagsabay ng pagpayong sa kanya.

Katulong ba sya? Tanong ko sa isip ko.

Palapit na sila ng palapit sa akin kaya humarap ako sa isang bulletin board at nag-acting na may binabasa. Timing naman na lumabas ang teacher ko sa next subject.

Putcha naman oh! Kung minamalas ka nga naman.

Pero hindi yata ako nakita ni Miss. Hinarap nya agad ang babaeng chikababe at nag-usap sila.

Nakita kong nagmamadali sa pagsunod si babaeng manang habang dala-dala ang ang mga bags nung chikababe.

"Maam Zyra! Hintay po!" Sigaw nya.

Hmmmmm. Zyra pala ang palangan nung chikababe. At tinawag pa nya itong maam. Hindi nga ako nagkakamali. Katulong sya nito.

Pero hindi yata sya narinig ni Zyra. Kaya dire-diretsong syang pumasok sa room namin.

Nakasunod lang ako.

Malapit na ako sa pinto nang marinig kong...

BLAAAAAAAAAAGGGG!!!!

Hala!!! Ano yun???

Dinalian ko ang lakad ko. At nakita ko sa may bintana na nadulas si "manang girl". Grabe naman. Ang lakas ng pagkakadulas nya. 

Hindi agad sya tumayo. Hinimas pa nya ang sahig at inamoy-amoy.

Waaaaaah! May sayad ba ang babaeng to???

Papasok na sana ako sa pinto para tulungan sya pero narinig ko ang mga kaklase ko.

"HAHAHAHAHA"

"Stupid girl!"

"Who is she? She's so yuck!"

"HAHAHAHAHA. Poor girl!"

Nakita ko syang tumayo at tumingin sa paligid. Alam kong nahihiya sya ngayon.

Lahat ng mga mata sa classroom na yun ay nakatingin sa kanya.

May nagulat. May tumatawa. May nandidiri.

Feeling naman tong mga taong to!!! Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng  nadulas?

Pinulot nya ang mga bags ni Zyra at tumakbo palabas.

Gusto ko ring tumakbo. Baka makita nya ako.

 Pero hindi pa sya nakalagpas sa pinto ay tinawag na sya ni Zyra.

"Hey you slave!!!! Where do you think you're going?!?" Leave my precious bags over there!" Sabay turo nya sa isang upuan na nasa gitna ng classroom.

Slave??? Mas grabe pa sa inaakala kong katulong lang sya.

Naaawa ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Ahh so you're a slave. Poor you!"

"Just leave the bags there and leave!"

"Ewwww! Look at her outfit!"

Humirit na naman ang mga kaklase ko. Ang aarte talaga nila!

Nakita kong inilagay  na nya ang mga bags at tumakbo.

Nataranta ako! Ayokong makita nya ako.

Baka sabihin pa nyang tsismoso ako. HAHAHA

Tumakbo ako sa may CR na malapit sa room namin at nagtago sa pinto. Narinig ko ang pagtakbo nya. Lumabas ako sa CR at tiningnan sya.

Lumabas sya ng gate.

Putcha naman to si Manong guard oh!

Lumabas na lang din ako. Hindi yata halata ang pagiging tsismoso ko. :D

Pero seryoso. Nag-aalala ako sa kanya. Baka ano pang gawin nya sa sarili nya.

Tumakbo sya ng tumakbo. Ang layo na ng narating nya. Hinihingal na rin ako.

"Hah! Hah! Hah!" Ang init-init pa.

Saan ba ang tungo ng babaeng to? Pagod na ako.

Ilang sandali ay huminto sya sa isang punong mangga. Kitang-kita ko ang paghagulgol nya.

Natulala ako. Bakit parang familiar sakin ang babaeng to? Hindi ko mapigilan ang awa ko sa kanya. Ang hirap tingnan pag may babaeng umiiyak sa harapan mo.

Kinapa ko ang bulsa ko. Yes! Buti na lang!

May panyo ako!

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nagtaas-baba pa ang balikat nya dahil sa kakaiyak.

Hindi ko namalayan na yumakap na ako sa kanya. Instinct lang talaga ang lahat.

Inoffer ko ang panyo ko at sinabihan sya ng...

"Tahan na. Eto panyo oh. Punasan mong mga luha mo."

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon