CHAPTER 12

36 1 0
                                    

Yassi's POV

Nakarating na ulit ako sa mansion. Di pa nga ako nakapasok sa loob ay sinalubong na agad ako ni Zyra.

"What took you so long?!?" Tanong nya with matching taas kilay pa.

Psh. Putulan kita ng kilay dyan eh. Akala ko ba pagod tong babaeng to kaya ako ang pina-enroll nya sa sarili nya.

"I'm sorry maam. I just find a hard time with your information that's why it took me so long." Sagot ko.

Bahala na ang english ko. At binigay ko sa kanya ang resibo at proof na enrolled na sya.

"Hmmmmm. How did you know my complete name and information?" Tanong na naman nya.

Eto na naman. Mag-ienglish na naman ako. Ang sakit na sa ulo ng babaeng to! Huhuhu. Konti na lang dudugo na ang ilong ko.

"Somebody helped me a while ago and I think he's your friend maam."

"What? Who is she? Or he?"

Bingi? Bingi lang ang peg! Paulit-ulit! Sinabi ko na ngang He di ba? Pero dahil mabait ako, ngumiti na lang ako.

"He's a HE maam. And his name is Hans. I bet he's your friend."

Lumaki bigla ang mga mata nya at ngumanga. Anong nangyari sa kanya?

"WHAAAAAT???? Hans is studying in The King's Academy?!?! Oh em geeee!!!! Aaaaaaaah!!!!" Sigaw nya.

Ha? Anong meron kay Hans? Crush ba nya yun? Psh. Ibang klase naman tong babaeng to.

Nagtititili pa sya kaya umalis ako at pumunta sa quarters. Pero tinawag nya ulit ako.

"Heeeeyyy miss!!! You're still not finish with your task! Accompany me at my school! I'm gonna attend classes today! Hurry!"

Ano?!? Hindi pa nga ako nakakaupo tapos eto na naman. Haruuuu. Yassi, kalma lang.

Sumunod ako sa kanya at nakita kong nakabihis na pala sya. Halos nanluwa ang mata ko sa suot nya.

Naka-tube at micro mini-skirt lang naman. Papasok sya ng nakaganun???
Eh halos nakikita ko na ang panty nya eh! Shems! Yassi! Tumahimik ka!

Huhuhu. Ano bang problema ng babaeng to?

-______-

Tahimik lang ako sa byahe habang tinititigan sya na hindi mapakali sa make-up nya.

Kilay dito. Blush on doon. Lipstick dito. Lip balm doon.

Haaaaist. Umiiling iling ako habang tinitingnan sya. Sa tanang buhay ko, hindi pa kasi ako nakaranas ng mga kolorete sa mukha. Sanay lang kasi ako sa isang hilamos lang, payts at solb na!

Gandang natural ika nga.

Hmmmmmm. Nag-smile2x pa sya habang tumitingin sa salamin na kasing laki ng mukha nya.

Walang halong biro ah.

Round kasi ang mirror eh. Round din ang fes nya.

Tssss. Tumingin na lang ako sa daan at iniisip kong ano namang gagawin ko dun sa eskwelahang yun. Hindi naman ako enrolled dun. Magjajanitress na lang kaya ako habang hinihintay si Zyra. Makakalinis na, magkakapera pa ako. Pero ewan, baka naman may janitress na sila dun.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa academy. Eto na naman.

Naunang bumaba ang driver ni Zyra at pinagbuksan sya ng pinto. Susunod sana ako pero sinarado nya ulit ang pinto kaya nauntog ako.

Aray! Ang ilong ko! Leshe naman to si kuya oh. Ako na lang ang nagbukas ng pinto at kusang bumaba. Pagkaapak pa lang ng mga paa ko sa lupa ay sinabitan na agad ako ni Zyra ng kanyang mga bags at binigyan ng payong para payongan daw sya.

Teka teka. Chura ng babaeng to! Anong feeling sa akin kugita???

"Eh maam..."

"No buts! Just do it!"

Wala akong ibang nagawa kundi paghirapan ang pagdadala ng kanyang mga bags at pagsabay ng pagpayong sa kanya. Habang sya ay pakembot kembot pa.

Pinapasok agad kami ni manong guard na halatang halata ang pagnanasa kay Zyra.

Psh. Mga lalaki talaga. Mga manyak! Except sa tatay ko ah!

Nakita kong may kausap si Zyra na babae at pumasok sila sa isang room.

Ang bilis naman nila. Huhuhu. Ang bigat kaya nitong mga dala ko.

"Maam Zyra! Hintay po!"

Pero di nila ako narinig. Kaya diretso na lang akong pumasok sa room na pinasukan nila. At...

BLAAAAAAAAAAGGGG!!!!

Nadulas ako!

Putcha! Bat ang dulas ng sahig dito! Bagong floorwax ba to? Hinimas ko ang sahig at inamoy.

Hindi naman amoy floorwax ah. Para nga syang salamin eh.

Nagbalik lang ako sa huwestyo nang marinig ko ang tawanan.

"HAHAHAHAHA"

"Stupid girl!"

"Who is she? She's so yuck!"

"HAHAHAHAHA. Poor girl!"

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Nasa loob pala ako ng classroom ni Zyra. Nakita kong nakatayo sya sa harap kasama nung babaeng kasama nya kanina.

Lahat ng mga mata sa classroom na yun ay nakatingin sakin. May nagulat. May tumatawa. May nandidiri.

Nangliit ako. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Pinulot ko ang mga bags ni Zyra at tumakbo palabas. Pero hindi pa ako nakalagpas sa pinto ay tinawag ako ni Zyra.

"Hey you slave!!!! Where do you think you're going?!?" Leave my precious bags over there!" Sabay turo nya sa isang upuan na nasa gitna ng classroom.

Na nasa gitna ng mga kaklase nyang kanina pa nanglalait sa akin.

Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko. Dahan-dahan na lang akong naglakad patungo dun sa upuan na tinuro ni Zyra.

"Ahh so you're a slave. Poor you!"

"Just leave the bags there and leave!"

"Ewwww! Look at her outfit!"

Naririnig ko lahat yun pero nagbingi bingihan ako. Pagkatapos kong mailagay ang mga bags ay tumakbo na talaga ako sa labas.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Lumabas ako ng gate at tumakbo ng tumakbo. Huminto lang ako sa may punong mangga na nasa gilid ng kalye.

Ang sakit! Umiyak na ako ng umiyak. At di ko namalayan na may yumakap sa akin at nagsabi ng..

"Tahan na. Eto panyo oh. Punasan mong mga luha mo."

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon