CHAPTER 7

29 1 0
                                    

Yassi's POV

Halos kalahating oras ang byahe namin ni Itay patungo sa bahay ni Donya Felicia. Nagulat pa ako sa pag-aakala kong malaking bahay lang ang aming madadatnan. Mali ako. Isa pala itong napakalaking mansion na may napakalawak na garden lawn sa labas.

Ang ganda.

Ang laki ng mansion. Parang nangliliit kami ni Itay habang nakaharap kami sa kulay pulang gate na nakaharap sa mansion.

Natulala ako. Kaya ko ba to? Kaya ba namin ni Itay to?

Nilakasan ko ang aking loob at pumulot ako ng bato.

"Anong gagawin mo dyan sa bato nak?" Tanong sakin ni Itay.

Hindi ako sumagot at inihagis ko ang bato sa gate. Natamaan ang isa sa malalaking metal dito at lumikha ng malakas na tunog.

Boom sapul!

"Hoooy! Sino kayo? Umalis nga kayo dyan!" Sigaw ng gwardyang mukhang binalot na siopao ang mukha.

"Manong, andyan po ba ang amo nyo? Pwede ba namin syang makausap? Please po manong." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi pwede! Ayaw na ayaw ni Senyora na inaabala sya sa oras ng kanyang pamamahinga!"

Pamamahinga? Alas 6 pa lang ah.

"Boss, nakikisuyo lang. Kakausapin lang namin saglit si Donya Felicia. Aalis din naman agad kami pagkatapos." Sabi ni itay.

"Sabi na nga na hindi pwede eh! Bingi ba kayo?!" Sigaw ni guard

Ang arte nito ah!

"Manong sige na naman oh. Hindi naman po kami magtatagal. Tataya pa po kasi kami ng swertres lotto sa bayan dahil nakakuha ako ng numero sa sindikato. Panigurado daw lalabas bukas." Pagsisinungaling ko.

Bigla namang nagbago ang mood ng gwardya.

"Ineng, ano nga ulit ang sabi mo? May numero ka? Pwede bang makisakay sa pusta mo?" Sabi ni manong guard na parang kahabaan ng Edsa ang lapad ng ngiti.

"Aba oo manong! Syempre po! Kaya nga kami nagmamadali dito eh para makapunta na kami sa bayan agad-agad." Pagsisinungaling ko na naman.

"Sige. Sige. Pasok kayo. Basta siguraduhin mo ineng ang pusta ko ah." Sabi na naman ni Manong guard.

Ngumiti ako at dumiretso na sa pagpasok. Hinila ko si Itay na halatang natakot sa mga sinasabi ko.

"Hahaha. Relaks ka lang Tay! Akong bahala sayo." tukso ko sa kanya.

Hinatid kami ng gwardya sa may veranda ng mansion kung saan may nakatayong matabang babae na nakauniporme ng pink.

"Madam, gusto raw nilang makausap si Senyora." Sabi ni manong guard.

Pinandilatan kami ng mata nung matabang babae. At tiningnan nya kami mula ulo hanggang paa. Sino kaya sya? Kulang na lang si Winnie the Pooh sa suot nya at magiging Winnie and Piglet na sila. Haha.

"Oh sya. Pasok kayo sa loob." Sabi ni Piglet. Ah este ni Manang Pink ang uniform.

Hinila ko na naman si Itay at dali-daling humakbang papasok.

"Hepppppp!!! Iwanan nyo ang mga sapatos nyo dito sa labas. Kay dudumi!!!" Pahabol ni Piglet.

Wala kaming nagawa ni Itay at iniwan ang aming mga sapatos sa labas. Keeeeh! Ang aarte naman ng mga tao dito!

Sa loob ng mansion...

"Iguada! Sino ang gustong kakausap sakin?"

Dinig na dinig namin ni Itay ang tanong ng isang babaeng may edad na pero parang wala pa ring wrinkles ang mukha. If i know, nagpa-botox lang sya. Usong uso kasi yan sa mga mayayaman.

"Kami po Senyora." Ako na lang ang sumagot sa tanong nya.

"Anong sadya nyo rito sa mansion ko?" Tanong na naman nya habang dahan dahang humaharap sa amin ni Itay.

Kay puti ng kanyang mukha na parang nag-dive sa harina. At ang mga labi nyang kay pulang pula. Matuwid ang nirebond na buhok na hanggang pwet at ang kilay na always on fleek.

Gaaaaah! Buti na lang maliwanag pa ngayon kasi mapagkakamalan ko talaga syang multo sa dilim.

Donya ba talaga to? Di bale na nga.

"Senyora Felicia, magandang gabi po. Kami po ang may-ari nung bahay na nasasakop po ng lupain ninyo sa San Lazaro. Gusto lang po sana naming humingi ng palugit kahit isang buwan lamang po para mapaghandaan namin ang aming malilipatan." Nakayuko kong sabi sa Senyora.

"Hindi pwede! Nabili ko na ang lupaing iyon! Kung ayaw nyo ng gulo, umalis na kayo dun!" Galit na sabi ng senyora.

Mas lalo kong pinaamo ang aking mukha at nagsalita ulit.

"Nagmamakaawa po ako Senyora. Alang alang po sa mga magulang ko. Matanda na po sila at wala pa po kaming malilipatan sa ngayon. Maawa po kayo sa amin. Gagawin ko po ang lahat."

"Anak! Tama na yan." Maluhaluhang sabi sa akin ni Itay.

"Swerte ka sa anak mo Paeng. Halatang mahal nya kayo. Pero hindi pa rin ako papayag unless gagawin nya ang gusto ko." Sabi ng Senyora.

Paeng. Tinawag nya ng Paeng ang tatay ko. Magkakilala ba silang dalawa? Tanging malapit lang na kaibigan ni Itay ang tumatawag sa kanya ng Paeng.

I smell something fishy.

"Ano pong gusto nyo Senyora? Gagawin ko po." Sabi ko sa kanya.

"Kapalit ng pagpapatira ko pa sa inyo sa aking lupain ay titira ka rito sa mansion. Magiging katulong kita at magiging alalay ka ng kaisa-isa kong anak." Sagot ng Senyora.

Ano? Paano na ang pag-aaral ko? Ang mga pangarap ko? Huhu.

"Nak, wag mong gawin to. Kaya naman namin ng Inay mo." Naaawang sabi sakin ni Itay.

"Hindi tay. Kaya ko. Kaya kong gawin ang lahat para sa inyo. Payag po ako senyora." Bukas ang loob kong sagot sa kanya.

"Ganun naman pala eh! Bukas na bukas dapat andito ka na. Ayoko ng may nasasayang na oras. Papatirahin ko ang mga magulang mo sa San Lazaro kapalit ng serbisyo mo. Makakaalis na kayo!" Sabi sa amin ng senyora sabay alis.

Naiwan kami ni Itay sa sala. Niyakap nya ako at niyakap ko rin sya.

"Kaya natin to Tay."

Umiiyak si Itay na nakatingin sakin.

"Huwag nga kayong umiyak! At least!!! May bahay pa rin tayo! Magbunyi! Hahaha" Pilit kong pinasisigla ang aking boses para sa Tatay ko. Alam kong nasasaktan sya.

Umalis na kami sa mansion. Buti na lang at natapos na ang shift nung isang guard kung hindi ay yari ako sa swertres lotto nya.

Naglakad na kami ni Itay sa labas ng madaanan kami ng traysikel na sinasakyan ni Kiray.

"Bessssssshhhhh!!!!" Sigaw nya.

Kahit papaano ay sumaya ako ng makita ko si Kiray. Alam kong may masasandalan ako palagi dahil sa kanya. Sumakay kami ni Itay sa traysikel at habang bumabyahe kami pauwi ay ikinikwento ko kay Kiray ang mga nangyari kanina sa mansion.

A/N:

Sino rin sa inyo ang may bestfriend? Nakakagaan ng pakiramdam di ba pag may nasasabihan ka ng iyong mga problema? Guys, keep updated.

*Hugs and Kisses*

She's My Cinderella ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon