Prologue

82.3K 1.6K 95
                                    

"Sa lahat ng taong naghihinala at nagsasabi sa akin. Sa iyo galing ung pinakamasakit. Pinakamasakit na kahit ikaw, iyun ang tingin sa akin." Tugon ko, napaupo na ako sa sahig dahil hindi na kaya ng tuhod kong suportahan ang katawan ko.

"Sinubukan kong hindi magisip ng ganoon Rina. Pero nahuli na kita sa akto. Mabuti pa nga na hindi pa kita pinapahuli at pinapakulong." I can see nothing in face but hatred. His eyes were icy that it almost froze me. I've been with him for two years ngayon niya pa ako pagbibintangan ng ganito?

I wiped my tears which are choking me. No, I know somewhere in his heart alam niyang hindi ko magagawa iyon. "Hindi mo ba ako tatanungin Brinx? Hindi mo ba ako hahayaang magpaliwanag?"

He was motionless. Emotionless. Saka siya umupo sa upuan niya. "Ano pa nga ba ang kailangan mong ipaliwanag Rina? Nahuli ka na sa akto, kahit ulit ulitin pa natin ang CCTV footage walang mangyayari. Pinagnanakawan mo ako. I should have known from the very start."

His words cut like daggers to my soul and dignity. Ganoon ba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Hindi na ako nakasagot, saka pumasok si Lizzie. Sinabunutan niya ako habang nagsasalita ng mariin sa tenga ko. "Ang kapal naman talaga ng mukha mong babae ka! Palibhasa isa kang dukha, timawa, pulubi! Kaya naman pala pinatagal mo pa ang relasyon niyo ni Kuya ng dalawang taon, may tinatago ka palang motibo!"

I can't help but to whimper in pain and agony. Brinx tulungan mo naman ako please. Saka may pumasok na lalakeng may malalaking katawan. Binuhat nila ako pero nagpupumiglas ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko naipapaliwanag ang sarili ko. Lumilingon ako sa likod, nagbabakasakaling sinundan ako ni Brinx. Pero hindi, all I saw was his sister and mom trailing behind us. The two guards shoved me outside their mansion.

Pinagsaraduhan nila ako agad ng gate. Hindi ko kayang akyatin 'to. Masyadong mataas, kaya binugbog at hinampas ko na lang. "Brinx, hayaan mo ako magpaliwanag!" Sigaw ko, ilang ulit kong isinisigaw yun. Napapaos na ako pero wala pa ring sumasagot sa akin. Napasandal na lang ako at walang ginawa kundi humagulgol.

Saka biglang bumukas ang maliit na entrance ng gate. Si Tito Ranilo, tatay ni Brinx. Napalapit ako sa kanya, "Tito hindi po ako magnanakaw." I sobbed. Hinagod niya ang ulunan ko. "Alam ko anak, naniniwala ako sa iyo. Ang hindi ko lang kayang gawin ay pilitin si Brinx at ang buong pamilya ko na paniwalaan ang mga sinasabi mo."

Sandali akong natahimik, sa tingin talaga nila sila akong hamak na magnanakaw. Pinalaki ako nila Sister Meridith ng maayos, at hinding-hindi ko gagawin iyon.

Tito Ran looked at me with concern. "Umuwi ka na sa inyo Rina. Gabi na, hindi na ligtas para manatili ka pa dito sa labas ng bahay namin. Don't worry, I know you are God's little angel. Nakita ko kung paano nagbago si Brinx ng nakilala ka niya. Give it some time, huhupa ang lahat saka tayo mag-usap usap." Wala na akong nagawa kundi tumango at sundin ang utos ni Tito sa akin kahit labag yun sa kalooban ko. Kailangan ko lang makausap ang anak niya. I need to prove my innocence.

Ala una ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog.  Napakatok na si Sister Meridith sa pinto ng kwarto ko, "Rina hija, kanina pa kita naririnig umiyak. anong nangyari?" Napabangon ako at iniiyak lahat ng pwede ko pang iiyak.

Ang sakit sakit lang. The way Brinx looked at me, the way he said na isa akong magnanakaw. It eats me alive. Pakiramdam ko binabalatan ako ng buhay.

"Hija, kung totoong tanggap ka nila hindi sila mag-iisip ng ganoon. Pero magpasalamat tayo na pinakilala ka ng Poong Diyos sa kanila para ipakita na hindi lahat ng oras maayos tayo. Kailangan din nating matutong madapa at bumangon." Tugon ni Sister habang humahagod sa ulunan ko. She's right. Alam kong tama siya, pero ang sakit sakit talaga. Two years, akala ko naisantabi na namin ang pagkakaiba ng estado ng buhay naming dalawa. Sabi niya tanggap niya ako kahit na may sinasabi ang ibang hindi maganda tungkol sa akin. Sabi niya mahal niya ako at mamahalin niya ako para punan ang mga pasakit na binigay sa akin ng mundo. Pero anong nangyari Brinx?

The next morning, Ate Garnet and Ate Amy visited me. Sabi ni Sister Meridith pinatawag niya raw sila para kausapin ako, mukha pa rin daw kasi akong tuliro. Naging ate-atehan ko si Ate Garnet simula nung 14 years old ako, wala pa kasi akong permanenteng tirahan noon. Nagtratrabaho siya sa isang maliit na carinderia at lagi siyang pumupuslit ng pagkain na ibibigay sa akin. Minsan hinahayaan niya rin akong matulog sa kanila, yun ay pag wala ang tatay niya sa bahay nila. I met Ate Amy through her, na kaibigan niya simula pa ng College.

"Ate ang sakit. Sobrang sakit." Sabi ko sabay hagulgol ulit sa harap nilang dalawa. Saka ko inulit ang buong kwento ko. Hindi naman malayo ang naging payo nila sa naging payo ni Sister Meridith. They said, maybe we're just not meant for each other. Pero hindi ba dapat ipaglalaban muna namin bago kami susuko?

Nagdaan ang ilang araw, linggo at umaasa pa rin ako na magpupunta si Brinx dito sa bahay ampunan para kausapin ako. The little flame of hope inside me never dies. I just need to see him. Kailangan ko lang siya kausapin. Three weeks passed pero wala pa rin ni anino niya. Tama si Sister Meridith, mukhang pinagtagpo lang kami para matuto, pero hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Kasalukuyan akong nagsusulsi ng damit ng mga kapatid ko dito sa bahay ampunan ng pinatawag ako ni Mother Superior. May kasama siyang dalawang lalake na mukhang tinititigan ang mga ginawa kong paintings sa loob ng nursery room. "Mother Superior," Bati ko sabay mano sa kanya. Ngumiti siya saka niya pinatong ang magkabilang kamay niya sa balikat ko. "Sir, this is Rina. She's the one who painted and designed all the rooms in this orphanage." Pagpapakilala sa akin. Kinuha ko ang kamay ng dalawang lalaki sa harap ko at nagmano.

Inaya muli sila ni Sister sa receiving area, "Hello bambini, I am Luigi and this is my partner Piero." Pagpapakilala nila sa akin. May accent din ang pananalita nila. "I am half Filipino-half Italian. While Piero here is also a Filipino like you, just raised in Italy." He continued.

"We saw your works in every room and we cannot help but to be in complete awe because of its beauty. Actually, we are looking for someone to help us with our business. You know, decorating, planning, and running it. We know we are going on a limb here but there's no point of making things long right? So we would just want to ask you if you are willing to join us back in Italy." My jaw dropped open. Napalingon ako kay Sister, napakalaki ng ngiti niya.

"Sabi ko sa kanila, hindi ang permiso ko ang kailangan nila kundi ang iyo. You are in legal age Rina, pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo." Walang anu-anong tumango ako. Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko, ito na siguro ang regalo sa akin ni Lord. Alam ko namang never niya akong iniwanan.

Nakailang lipat ako ng bahay ampunan simula bata ako bago ako napadpad dito kila Sister ng 16 years old na ako, ngayong 20 na ako hindi ko naman aasahan na may magkakainteres pang umampon sa akin. Syempre hindi nawala sa isip ko na ma-ampon. It was every orphan's dream. Pero ng nakilala ko si Brinx, nagbago na iyon. Hindi ko na ginustong makupkop. Gusto ko na lang manatili dito sa bahay ampunan. Because I found family and comfort with Brinx. Pero wala naman na ang lahat ng iyon diba? Nasira na lahat ng bagay na yun.

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip ng may biglang pumasok sa opisina ko, "Miss Q, here are the files you requested." Ani ng sekretarya ko, binaba ko ang baso ng wine na iniinom saka ko siya nginitian at tinanguan.

I just need to confirm kung sinong Bardoquillo ang nagmamay-ari ng lupa na rerentahan namin sa Pilipinas. I know I have a sleek chance na hindi kila Brinx ito dahil sa kanila ang isa sa pinakamalaking Real Estate Corporation sa Pinas. Pero malay natin hindi diba? Sana hindi.

I took a deep breath bago ko binuksan ang folder na iniabot sa akin ni Jolyn. "Bardoquillo Real Estate Co. CEO/President: Brinx Antheros G. Bardoquillo, VP: Venus Elizabeth G. Bardoquillo, Board: Ranilo F. Bardoquillo, Graciella G. Bardoquillo, Athena Alexandria G. Bardoquillo."

So ito nga. Sila nga. I guess wala ng urungan ito. Napangiti ako, looks like I am meeting the whole family. I just want to see the look on their faces, gusto kong makita ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila na ang makakausap nila para sa partnership ng lupa at hacienda ay walang iba kundi yung babaeng pinagtabuyan at pinagbintangan nila.

Good thing the initial papers drawn were signed by Papa and Daddy. Kaya hindi nila malalaman that they are going to deal with me. They are going to deal with the person whom they shoved out of their house and screamed "robber/user/criminal" at her face.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon