Sixteen

40K 860 9
                                    

Naglaro ang tingin sa amin ni Sister, tahimik lang ang paligid pwera sa halakhak ng mga batang nagtatakbuhan. "R-rina hija, halika ka muna sa receiving area." Aya sa akin ni Sister.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at nilagpasan si Brinx. I'm dying to know what his relationship with that kid. He's already 24, hindi naman na dapat nakakagulat na may pamilya na siya. But why does the idea of him having a family contricts my heart? Bakit parang naninikip ang puso ko? Bakit parang ang hirap huminga?

"B-bumisita pala dito si Brinx, Sister?" I inquired when we're both settled inside the receiving area.

Nginitian ako ni Sister Meridith na busy maghalo ng kape. "Oo, dalawang araw simula nung naampon ka, nagsimula na siyang bumisita dito. He gained popularity with the kids ever since then. Malaki ang utangaloob namin sa batang iyon, dahil nung nagkaroon ng dengue outbreak dito siya ang nagbayad ng mga hospital bills."

I tried sipping my coffee, but I found it hard to swallow because of a big lump that's crowding my throat. "Bakit hindi niyo nabanggit sa akin un Sister? Ako sana ang tumulong sa inyo."

Napailing na lang sa akin ang dati kong kinilalang nanay bago ngumiti ulit. "You have helped us enough anak. Wala kami sa posisyong manghingi sa iyo ng ganoong kalaking pabor."

I let the silence sweep in after what she said. Pero bakit? Bakit ang tigas ng mukha ni Brinx magpakita dito pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Wala ba siyang hiya?

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol dito Sister? About Brinx visiting here after my absence." I asked. I kept my voice non-accusing pero kahit anong gawin ko, ganun talaga ang labas.

Sandaling napatigil si Sister at napatitig sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagaatubiling sagutin ang tanongko. "He doesn't want you to know."

He doesn't want me to know? Bakit? Bakit ayaw niyang malaman ko na nagpupunta siya dito sa bahay ampunan pagkatapos kong magpunta ng Italy? Dahil ba alam niyang magagalit ako? Dahil ba alam niyang masasaktan ako?

Malamang magagalit at masasaktan talaga ako! Ilang linggo ko siyang hinintay na magpunta para makapag-usap kami pagkatapos ng gabing yun, pero hindi niya nagawa! Tapos ngayon malalaman ko na consistent ang pagpunta niya dito simula ng umalis ako?! Nang-gagago ba siya?

My hands started to tremble but I kept my cool. Sister Meridith went on with her stories about the old and the new fellows of the orphanage. She avoided talking about Brinx, which made me frustrated. I want to know more! Gusto ko ang naging rationale ng lalakeng yun kung bakit saka siya nagsimulang magpunta dito nang nakaalis na ako.

Sister Meridith toured me around after our catching up. Gusto ko sanang matanong pa tungkol kay Brinx pero namumuro na talaga ang init ng ulo ko sa kanya, kaya pinilit ko na lang balewalain ang lahat.

"Marami kaming dinagdag na kwarto, kaso hindi nga lang siya ganoon ka-lively tulad noong andito ka dahil wala ng nagpipintura at nagdidisenyo ng mga ito." Sister said before opening another room, revealing a creamy white wall.

It's the nursing room, kumpleto naman ang mga gamit. May mga nanay pa nga doon na kumakaway sa akin ng pinakilala ako ni Sister. "Pwede naman akong magpunta para gawin yun Sister. Wala namang problema sa akin." I said when she closed the door. Wala lang, gusto ko lang pantayan lahat ng ginawa ni Brinx ng mga panahong wala ako rito sa bahay-ampunan.

She nodded her head to acknowledge what I said. We stopped by a pastel blue and pink door. "Ito 'yung nursery. Pinalaki namin dahil dumarami na ang mga batang iniiwan sa amin." She said before she slowly creeked it open.

I was about to say something but I turned mute when I saw Brinx cradling and swaying a baby in his arms. He was even humming a tune, a very familiar tune. He has his back on us so he didn't notice our silent intrusion.

"Na ako'y sayo at ika'y akin lamang~" He finally put the tune into words before putting the baby back on its crib.

I cleared my throat, gulat siyang lumingon sa amin ni Sister.

"Hindi ka naman namin naistorbo hijo?" Buti na lang nagtanong si Sister, kundi baka napipi lang ako. He's distracting me with that song! Bakit 'yun ang kailangan niyang kantahin?!

"H-hindi naman po Sister." Sagot niya pero sa akin lang siya nakatingin. His eyes flicker into something unfathomable. I was the first one to look away.

I again cleared my throat, "Sister, nasaan pala yung kusina? Wala na ba 'yung mga tumutulo roon sa tuwing umuulan?" Ani ko sabay labas ng nursery. Naramdaman kong hinabol ako ng titig ni Brinx, pero patay malisya na lang.

Hindi ko na alam. I thought I was strong enough to face him. Akala ko tama na 'yung apat na taon pag-iipon ko ng lakas para maisampal sa kanya lahat ng ginawa niya sa akin. Pero habang patagal ng patagal, parang nanlalambot ako, parang napanghihinaan na ako.

"Natapalan na 'yung mga butas dito hija. 'Yun ang una naming pinagawa noong nagsimula kang magpadala ng pera rito." Sambit ni Sister habang tinuturo ang dating butas-butas na bubong ng kusina.

Napansin ko rin na halos bago na lahat ng gamit doon. Wala na 'yung sira naming stove na dapat ilang beses mong ikutin 'yung knob parasumindi.

""Yung kwarto ko sister? Ano na siya ngayon?"

"Hindi namin naisama 'yun sa renovation dahil nawala ang susi. Kaya hanggang ngayon nakakandado iyon."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hindi niyo pina-force open?" Nagtatakang tanong ko.

She shook her head, "Ayaw ni Mother Superior."

Nagdesisyon na lang ako na umalis ng maaga. Hindi ko rin naman matagalan ang pananatili ko sa bahay ampunan dahil sa presensya ni Brinx.

Inihatid ako ni Sister sa may harap ng sasakyan ko. Pero bago ako makaalis, dapat malaman ko muna kung sino ang batang 'yun sa buhay ni Brinx.

"Si Brixton?" Tanong sa akin ni Sister pagkatapos kong magtanong. A smile surfaced on her face before she answered, "Si Brinx ang nagdala ng batang 'yun dito. Sabi niya iniwan lang daw siya sa harap ng gate nila. Hindi naman daw niya alam ang gagawin kaya idinala niya na lang dito. Akala nga namin doon na magtatapos ang papel niya sa buhay ni Brixton. But he became attached to the kid, kulang na lang adoption papers."

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon