Fifteen

43.1K 877 14
                                    

"So how's the construction principessa?" Daddy asked while I combed my blue hair infront of them.

"Everything's good. I'm ecstatic dahil nauumpisahan na siya Daddy!" Sagot ko.

He smiled, "We can't be more proud of you figlia." Papa said while giving Daddy a rub in the shoulder. "You're growing up too fast though. You're soon going to run your own hacienda, samantalang dati ayaw mong mahiwalay sa amin ng Daddy mo."

Whenever they remark that I am growing up too fast, I always think na sila ang nagpalaki sa akin. Pero ang totoo niyan, they took me in when I was 20 already. May sarili na akong isip. But that's the best thing about my parents, they never let me feel like I was adopted. Ever since they took me to Italy, they have treated me as their own and I'm always grateful that they chose me to be their one and only princess.

"Papa naman. You know hanggang ngayon hindi ko pa rin gugustuhing mahiwalay sa inyo ni Daddy, except now." I said with a giggle.

"I was with Gio yesterday pala Daddy, did Tita Flora contact you?" Ani ko, pagbabago sa usapan dahil halata na ang nangingilid na luha ni Papa.

"Hindi pa naman. Baka nakalimutan na niya." I nodded my head and went on about Gio and their new hotel. Sabi ni Daddy yun daw yung sinasabi sa kanya ni Tita Flora matagal na. She even invited us pala to visit it once it's done.

"Bye Papa, bye Daddy. I miss you guys already." Sambit ko ng natapos na ang lahat ng pwede naming pag-usapan. Naubusan na rin kami ng topic. But they never asked about Brinx though, which is great. Alam ko kasi kapag nagtanong pa sila ng nagtanong tungkol sa kanya, baka madulas lang ang dila ko.

"We miss you too bella figlia. Ingat ka sa pagpunta mo sa bahay ampunan. And say hi to Sister Meridith for us." I nodded my head before I gave them cyber kisses.

Excited akong magpunta sa bahay ampunan! Sa sobrang busy ko kasi sa hacienda ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na bumisita doon. Hindi naman nila alam na magpupunta ako doon ngayon. I bought too many gifts for my siblings there. Namili ako kahapon, nagpasama pa nga ako kay Gio. He can't come with me nga lang today dahil may biyahe siya pa-norte.

Binaba ko ang window when the Security Guard ordered us to stop. "Manong Roger," Bati ko sa kanya.

Ilang beses siyang kumurap bago niya ako namukhaan. "Rina? Rina ikaw nga! Sige, sige pasok kayo." Tugon niya sabay tuluyang binuksan ang gate.

Namangha ako ng nakita ko na ang dati kong tirahan. Medyo malaki na siyang kumpara dati. Na-renovate na ito, bago na nga rin ang kulay. I saw kids running around playing tag. I used to play that too.

Tears cloud my eyes as my orphan memories struck me. This is the best thing about being a foundling, you get to be satisfied with the littlest thing in life.

Just look at them laughing and running around as if no one can ruin their day. Akala mo perpekto ang buhay nila, akala mo wala silang prinoproblema. But if you look closely, they have this empty space in their heart that longs for a family. We all have, but mine's already filled.

Napahinto sila sa paglalaro ng naka-park na kami sa gilid ng isang Hilux na pick-up. Mukhang may bisita sila Sister, sana mag-aampon kung sino mang bisita yun. So there would be one less lonely orphan.

Lumabas ako, a smile splitting on my face. Mangiyak-ngiyak pa nga ako. Saka lumapit sa akin yung isang bata, hindi ko na sila kilala. Sa bagay sa tagal ko ba namang nawala.

"Hello po. Mag-aampon po kayo?" That kid asked while looking at me with hopeful, big eyes.

I leaned down to caress his cheek. Saka ako dinumog ng iba pa niyang kalaro, there were eleven of them. "Ate talaga po bang color violet ang buhok mo?"

"Hindi naman yan violet Weng, blue kaya yan!" Pagtatama nung isa.

Then 'Weng' stopped for awhile to think. "Oo nga pala." Aniya sabay kamot sa likuran ng tenga niya.

"Tumutubo po ang buhok niyo na color blue? Paano po yun?" Tanong naman nung isa sa akin.

"Ate! Ate! Artista ka po? Ang ganda niyo po kasi."

"Ate, Ate-"

"Mga bata wag niyong pinagkakaguluhan ang bisita." Biglang tawag ni Sister Meridith sa malaking pinto ng bahay ampunan. Alam kong hindi niya ako namumukhaan. "Pagpasensyahan niyo na ang mga bata, bihira kasi kami magkaroon ng bisita dito maliban sa-... Rina?"

"Hello po Sister." I said, teary–eyed.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya saka niya ako inakap ng mahigpit. "Hija! Miss na miss ka na namin dito!" Ani ni Sister habang humahagod sa likuran ko.

"Namiss ko rin kayo sister." I sobbed. Para akong siraulong umiiyak kay sister ngayon. But I missed them so much. Hindi ko alam na ganito na pala namuro ang pagkasabik ko sa kanila.

"Sister kilala niyo po si Ate?" Tanong ulit ng isa sa mga batang nakapalibot sa amin.

Napatango si Sister Meridith, "Oo mga anak. Nakatira din si Ate Rina niyo dito dati, pero sa ibang bansa na siya nakatira ngayon."

I saw them giving me shocked expressions, "Ibang bansa? Malayo po ba un? Saan po yun sister?"

Natawa na lang ako sa mga tanong nila, wiping my tears away in the process. "Sister may mga dala po pala ako kaonting pasalubong, pagpasensyahan niyo na medyo rush kasi." Tugon ko sabay tango sa driver ko para ibaba ang mga pinamili kong pagkain, laruan, damit.

Namangha naman ang bata habang sinisilip ang mga boxes na ibinababa ng driver ko. "Nag-abala ka pa Rina, alam mo namang sobra-sobra na para sa amin ang ipinadadala niyo nila Sir Luigi at Sir Piero na tulong dito mula Italya. Kaya nga kami nakapag-parenovate dahil doon."

But I just smiled in return. Kulang pa nga yun eh. They provided me family for how many years. At hindi kayang tumbasan yun ng pera.

The first kid who approached me suddenly held my hand while we are on our way inside the orphanage. Nagulat ako doon pero hindi ako nagbawi ng kamay. My butterflies started to dance when that kid looked up to me and gave me a toothy smile.

"Anong pangalan mo?" I asked.

"Brixton po. Ikaw po Ate?" I was momentarily knocked out of my straight thinking. His name almost sounded like Brinx. Almost.

"Q." Sagot ko sabay ngiti ng napansin kong nakatitig lang ako sa kanya. I stopped walking and knelt infront of him. "Ako si Ate Q."

"Q po? Parang yung letter?" He asked again. Curious little angel you are Brixton.

I nodded my head. He beamed before his eyes looked pass at me. "Daddy Brinx! Tapos ka na po magpa-sleep ng mga baby?" Aniya sabay takbo at alis sa harap ko.

Wag kang titingin. Wag kang titingin Q. Baka ibang Brinx yan, malay natin hindi pala unique ang pangalan niya. Napapikit ako habang dahan-dahan na lumingon.

He was already carrying Brixton when I turned to look at him. Gulat din siya habang nakatitig sa akin.

Ano bang ginagawa niya dito? And why is that kidcalling him daddy? Hindi kaya anak niya yun? Halos magkaparehas nga angpangalan nila. Hindi kaya wala siyang girlfriend ay dahil may asawa at anak nasiya?    

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon