Seventeen

41.7K 912 17
                                    

Pakiramdam ko parang ako na ang natatalo. Parang hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. 'Yung galit ko kay Brinx unti-unti ng nawawala at napapalitan ng mga pagtataka.

Gusto ko sanang magtanong, pero natatakot ako. Natatakot ako na kapag narinig ko ang mga isasagot niya, sarili ko ang kamuhian ko. I know Brinx. I know him very well. Lahat ng galaw niya may dahilan. Siguro kinain lang ako ng galit ko sa kanya kaya hindi ko siya nagawang tanungin noon. Ngayon, apat na taon na ang nakakaraan parang huli na para linawin ang lahat.

"Daddy, why did you choose me?" I asked suddenly when we're facetiming.

Sandali silang nagkatitigan dalawa. "Why with the sudden question figlia?"

Nagkibit balikat na lang ako. Muling nilingon ni Daddy si Papa, 'yung mga mata nila nangungusap. Hangga't sa napabuntong hininga si Papa at sumagot, "The truth is, hindi namin first time magpunta sa bahay ampunan when we talked to you. You were still eighteen years old when we first got there at nakita ka naming nagpipintura ng dingding ng mga kwarto. We wanted to adopt you then and there, pero sabi ni Sister Meridith ayaw mo raw maampon."

"We both fell in love with you at first sight figlia. Every after three months, bumabalik kami para bumisita roon. Just for the pleasure of seeing you, since you refused of talking to any visitors." Pagpapatuloy ni daddy. Nakikinig lang ako sa kwento nila, hindi naman nila nabanggit ito sa akin. As in ever.

"Tapos biglang nagbago ang isip mo. Sister Meridith contacted us and said that you were available for adoption. Agad-agad kaming nagpunta roon para sunduin ka, and now here we are with you principessa." Papa finished.

"You were the best thing that ever happened to us. Kaya kung ano man ang naiisip mo ngayon at naitanong mo sa amin ito, sana maisantabi mo na anak. Your Papa Luigi and I, love you dearly." Daddy Piero added in defense.

I shook my head, "I was just curious lang naman po Daddy. I love you both too."

Hindi rin lang naman ako nakatulog pagkatapos naming mag-usap. My thoughts about Brinx were on a rampage. Dapat bang hindi ako magalit sa kanya? Dapat bang magpasalamat ako dahil kung hindi malamang nasa bahay ampunan pa rin ako?

Nakipagkita ako kay Gio kinabukasan. I want the deal to be off. Ayoko ng pagselosin si Brinx. Tatapusin ko na lang ang dapat kong tapusin na trabaho at babalik na akong Italya.

"So you are calling the deal off dahil?" Mapaglarong tanong sa akin ni Gio. He has that smug look stuck on his face.

"Dahil hindi na mature ang ginagawa ko. I came here for business and it's wrong to mix my personal agendas with it." Pormal kong sagot.

He chuckled before shaking his head. "C'mon amore, alam kong alam mong hindi yan ang tamang sagot."

I raised my brow at him making him chuckle some more. "Sige ako na lang ang magtatanong. Ayaw mo ng ituloy natin dahil A.) nasasaktan ka kasi nasasaktan din siya or B.) Dahil mahal mo pa siya."

I snorted for a reply. Kunwaring hindi apektado sa mga sinabi niya pero yung puso ko naghuhuramentado na. "Amore ano bang mali kung mahal mo pa siya? Hindi mo ba kayang kalimutan ang ginawa niya? Paano ka sasaya niyan?" Udyok niya. Gusto ko na siyang sipain para manahimik na siya.

"Masaya ako love. Alam mo 'yan."

"You were happy with Tito Piero and Tito Luigi, I know. But there's something missing right? Kahit punan nila, may awang parin sa puso mo. At alam nating dalawa kung sino lang ang makaka-ayos jan."

Gio bombarded me with those ideas. Hindi ko na alam kung kanino pa ba siya kampi. Sa akin o kay Brinx. Ilang beses niyang pinamukha sa akin na pride ko lang ang namamagitan sa aming dalawa ni Brinx.

Pero kahit balibaliktarin namin ang mundo, si Brinx parin ang may kasalanan diba? He never said he was sorry. Nang nagkita na kami ulit, all he did was to win me over.

Sinusuyo niya ako, oo. Hindi ko nga lang alam kung para saan. Kung para ba sa kapakanan ng kompanya nila o para ba sa aming dalawa. Marami siyang galaw at sinasabi na nakakapagtaka. Sa tuwing tinatanong ko, iniiwasan niya. Kaya siguro kahit anong gawin ko, kung hindi siya magbibigay wala kaming mapapala dalawa.

"So ang hatian ng income ay 70-30?" Lizzie asked while they go over the last part of the contract the next day. Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sakit ng ulo ko. Kulang kasi ako sa tulog.

I saw Brinx shooting me with a concern look, pero mukhang wala siyang lakas ng loob para magtanong. "Yes, exclusive pa naman jan ang monthly dues ko sa lupa niyo kaya may dagdag pa." Sagot ko.

They all nodded their head while they examine the contract. Wala naman silang naging reklamo kaya nagsimula na silang pumirma. "I thought we'll be signing this once the construction is done. I'm quite surprised." Graciella said in an ecstatic manner while Alexa was signing her part of the contract.

"May mga naiwan kasi akong trabaho sa Italy na kailangan ko ng balikan." Pagpapaliwanag ko, Brinx jerked his head up.

"B-babalik ka na ng Italy?" He asked, his voice breathy.

Tumango ako, pero nagiwas ng tingin sa kanya. "Yes, I will leave the hacienda in your care. Kampante rin naman ako sa contructors since I knew the CEO of the Zafranco Industries personally. Babalik na lang siguro ako kapag natapos na."

Natapos na nilang pirmahan lahat bago nila ibinalik sa akin ang mga papeles. I took one last glance of Brinx's name before I signed. They all stood up and offered their hand to me one by one.

"It's a pleasure doing business with you." Pormal kong ani ng nasa harap ko na si Brinx. Hindi siya sumagot, agad din siyang umalis pagkatapos nun.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon