Twenty

44.6K 851 17
                                    

I woke up at 4am and Brinx was on his stomach while his arm is resting on my tummy. Hindi ako makapaniwala na mahal pa rin niya ako. Marami pang hindi malinaw sa pagitan naming dalawa pero marami naman kaming oras para doon. Ayoko pang sirain ang sayang nararamdaman naming parehas.I just want to enjoy this bliss with him.  Besides, if it's Brinx, I am willing to gamble and try again.

I carefully removed his hand on my body before I sat and took my laptop. Inipit ko yung duvet sa magkabilang kili-kili ko habang nagbabasa ng emails. Kailangan ko pa palang sabihan sila Papa na hindi na ako tuloy sa pag-alis. Hindi ko nga lang alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Brinx.

Brinx moved under the sheets while I was busy reading my mails. Hindi ko na pinansin dahil baka naistorbo lang siya dahil sa liwanag ng Mac ko. Maya-maya naramdaman ko na ang kamay niya sa bewang ko at ang maliliit na halik niya sa batok at balikat ko.

"Ang aga pa para magtrabaho baby. Tulog muna tayo." He said, half-asleep. Hindi nga talaga morning person si Brinx, kahit dati pa.

I giggled, trying to shrug off his ticklish kisses. But he just chuckled. Sa pagbaba ng halik niya, siya ring pagtaas ng kamay niya. "Brinx, I'm still sore from last night." Suway ko sa kanya.

But he didn't listen. I gasped inwardly when he started fondling my breast and plucking my nipples. "Matutulog tayo o iba ang gagawin natin?" He asked teasingly.

I rested my head on his shoulder while he continued palming my chest without hint of mercy. "Matutulog..." But it came out as a long moan.

He chuckled before he stopped and kissed the side of my head. "Okay then." Kinuha niya 'yung laptop sa harapan ko at inilagay 'yun sa sahig. Hinatak niya ako hangga't sa nakadapa ako sa ibabaw niya.

"Goodnight. I love you." He whispered before he kissed me. I laughed when I felt his palm caressing my butt.

"Brinx!" Suway ko ng patawa. Umasta siyang inosente. I moved until I'm tucked safely beside him.

"Sorry. Sorry. Matutulog na talaga tayo." Patawang ding sagot niya bago niya ako inakap ng mahigpit.

Nagising na lang ako ng may kumakagat at humihipan sa tenga ko. Nakadapa kasi ako. Kinuha ko 'yung unan at binaon ang ulo ko sa ilalim noon. Then there were kisses trailing my nape and my back blades, I groaned.

"Brinx, ano ba?!" Inis na tugon ko. I heard him chuckling before he pulled the covers until it reached my waist.

"Baby, gising na.. Andito na ang pagkain." He whispered while planting kisses down my spine. My body writhe involuntarily making him emit one short but sexy laugh. "Baby gising ka na o ikaw ang kakainin ko." Muling aniya.

Hinampas ko sa kanya 'yung unan na gamit ko. "Sei un te fastidio! Io dormivo e qui si sono importunare l'inferno fuori di me! Io ti amo, ma che non mi riesco a smetteredi uccidere te! (Istorbo ka talaga! Sarap ng tulog ko tapos ganyan ka! Mahal nga kita pero mapapatay kita kapag pinagpatuloy mo 'to!)" Inis na tugon ko bago ako bumangon at nagtungo sa banyo.

Narinig ko na lang ang tawa niya. Itinuloy ko na sa pagligo ang pagpunta ko sa banyo. Pagkalabas ko, nakaupo na siya sa dulo ng kama habang nakabusangot. Saka ko napansin na cellphone ko ang hawak niya.

"You should be putting passcodes on your phone Rina." He grimly said, not taking his eyes off of my phone. "And you should be telling your 'amore' to stop texting you before I beat the shit out of him." His voice coated with anger, at alam kong nagpipigil siya.

He was gripping my phone tight. Kinuha ko yun sa kanya, nagtaas naman siya agad ng tingin ng nasa harap na niya ako. I was biting my lip, suppressing my amusement.

"Baby, Gio's my cousin. He's the only cousin I met in flesh that's why we're super duper close." Pagpapaliwanag ko. Matagal niya akong tinitigan bago niya pinulupot ang braso niya sa bewang ko, resting his head there.

"Promise?" He whined like a little boy.

"Promise."

Tiningala niya ako habang sinusuklay ko ang buhok niya, "Seloso ka pa rin." I said, half laughing.

"Basta pagdating sa iyo, lahat pagseselosan ko." He said firmly.

Umuwi muna si Brinx pagkatapos naming mag-agahan. Magbibihis lang daw siya. Sinundo naman niya ako para sabay kaming magpupunta sa site.

"Hindi mo na suot 'yung necklace na bigay ko sa iyo dati." Sambit niya habang nagmamaneho. Napahawak ako sa leeg ko at sa kwintas na suot ko na bigay nila Papa.

"Naiwan ko sa kwarto ko sa bahay-ampunan." I answered. Tumango na lang siya, alam niya siguro na kapag nagtanong siya kung bakit, babalik kami sa malagim na gabing iyon.

Hindi pa ako handa para pag-usapan 'yun. Pasimula palang kami ulit. Siguro, mas maganda munang pag-aralan namin ulit ang ugali ng isa't-isa bago kami dumako sa insidenteng iyon. Marami pa namang panahon 'diba?

Halos natapos na ang ¼ ng hacienda. Nakikita ko na ang poste ng mansyon na itatayo nila. I was staring at it in awe before Brinx grabbed me and pulled me back to the tent. "Delikado na tumayo ka doon Rina. Baka malaglagan ka ng kung ano." Inis na aniya habang nakabusangot.

Natawa na lang ako, "Gusto ko lang naman sana kuhanan ng litrato para maipadala ko kila Daddy."

"Ako na gagawa. Dito ka lang, 'wag matigas ang ulo mo." He said before he took my phone out of my bag and marched out of the tent.

Nagsitawanan na sila Cerwin na mukhang kanina pa nagpipigil. "Boss mo rin pala si Sir Brinx, Miss Q." Mapanuksong sabi ni Jordan sabay apir kay Fritz.

Hindi ko na rin maiwasang matawa, "Mga baliw!"

"Pero mas maganda na rin na okay kayo Miss Q kesa naman sa hindi. Kulang na lang mabugbog kami sa sobrang inis ni Sir Brinx." Tugon ni Allen.

"Wala palang kayo Miss Q ha. Wala pala." Dagdag naman ni Neilson sabay inom ng Coke niya.

"Tigilan niyo ako kundi makakakuha kayo kay Kuya Cube." Pananakot ko pero napangunahan ng tawa.

The tent was filled with laughter but was cut short when Brinx breezed in. Nilulunod niya sa sama ng tingin ang mga kasama ko pagkarating niya doon.

"Ah, eh i-che-check ko lang ung iniwan kong trabaho kanina. Sasama ka ba Fritz?" Utal na palusot ni Allen. Tumango si Fritz at sumunod kay Allen.

"Teka, hintayin niyo kami." Tawag naman ni Cerwin sabay labas din sa tent. Sinundan naman siya ni Jordan at Neilson.

Padabog ni ibinalik ni Brinx 'yung cellphone ko sa bag. Napailing na lang ako bago ko siya nilapitan at inakap. "Huy, ang sungit sungit mo nanaman." Malambing na sabi ko.

He's already red on the face again. Galit nga talaga. "Anong pinaguusapan niyo at tawa nanaman kayo ng tawa? Nalingat lang ako saglit, pumupuntos nanaman sila sa iyo." He hissed under his breath.

I giggled before kissing him on the jaw. "Wala. Tinutukso lang nila na under daw ako sa iyo. Ikaw naman, napakamalisyoso mo."

"Lalake ako Marina, alam ko ang mga patutyadang ganyan." Hindi pa rin nawawala ang inis niya. Then he tipped my head up using his index finger before kissing me full on the mouth. "Dapat malaman nila kung sino ang nagmamay-ari sa iyo. Ikaw ba Rina alam mo ba kung sino?"

"Si Brinx Antheros. Ikaw." I breathlessly said before I felt his mouth on mine again.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon