Twenty Two

39.7K 848 12
                                    

"Baby gusto mo bang sumama sa akin? Pupuntahan ko 'yung isa naming lupa sa Tagaytay mamaya." Brinx said while we were busy eating ice cream. It's a bright and sunny day at bigla akong nag-crave ng ice cream.

"Hello, baby?" Brinx immediately answered after one ring.

"Baby, gusto ko ng ice cream." I begged as if he's an ice cream god or something.

"Sige, sige. Anong flavour ba ang gusto ng mahal ko? Dadalhan na lang kita jan."

"Ayoko ng processed ice cream. Gusto ko ng dirty ice cream, 'yung tulad nung dumaraan sa labas ng bahay ampunan dati." Muling hiling ko.

"Ah ganun ba? Oh sige, magbihis ka na. Susunduin kita at maghahanap tayo ng tindero ng dirty ice cream."

That's why we ended up chilling in a park not far from where I am staying. Actually, nakailang ikot muna kami bago namin nahanap si Kuyang tindero.

Brinx bought everything. Hindi ko na nakita kung magkano 'yung binayad niya pero mukha namang masaya si Kuyang tindero kaya hindi na rin ako nagtanong.

"Mga anong oras?" Tanong ko ng hindi siya tinitignan. Obviously, too happy with my dirty ice cream.

"Dapat kaninang umaga. Actually, paalis na ako nung tumawag ka."

"Bakit hindi mo sinabi?" Gulat na tanong ko ng tinitigan ko siya. But he just grinned, "Priorities." He remarked before he snatch a peck on my lips.

It made me giggle before I noticed a group of kids approaching Kuya Ice cream man. "Wala na akong ice cream mga bata. Nabili na lahat." Salubong sa kanila ni Kuya Tindero.

You can see the aggravation in the kids' eyes. Before I was able to say something, Brinx beat me to it. "Sige na Kuya bigyan mo na sila." Nakangiting tugon ni Brinx kay Manong Sorbetero.

Tinanguan na lang siya nito bago namin narinig ang sabay sabay na nilang galak at pagsabi ng thank you kay Brinx.

Napasandal ako sa balikat niya habang pinapanood ang mga batang hindi makapaghintay na maabutan ng sorbetes. He laced his hands with mine before planting a kiss on the back of it.

"Baby, gusto ko ng maraming anak kapag nagkataon. Gusto ko 'yung maraming nangungulit sa atin. Gusto ko 'yung maingay na umaga. Gusto ko 'yung marami tayong ihahatid sa school. Gusto ko lahat 'yun, kasama ka."

Unti-unti ko siyang ginawian ng tingin. Nahihirapan na kasi akong huminga dahil sa takbo ng puso mo na akala mo'y nakikipagkarera. Kids? He wants kids with me?

"Ganyan karami? Kaya ko ba 'yan?" I ghastly said. Natawa siya ng bahagya bago niya ako inakbayan at inakap ng mahigpit.

Nagpunta nga kami ng Tagaytay tulad ng sabi niya. Akala ko spot checking lang ng lupa ang gagawin namin, 'yun pala i-mi-meet namin 'yung kliyente nilang magrerent ng lupa na magtatayo raw ng commercial space.

I can't help but to drool over Brinx while he talks so formal and business-y. His hotness shoots up the roof habang kinakausap niya 'yung bago nilang kliyente. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako sinama, para lang akong palamuti na nakaupo sa tabi niya habang nag-uusap sila patungkol sa lupa.

"Ano sa tingin mo?" Bigla niyang tanong sa akin. I was hurled back to reality. Hindi ko na iniintidi ang pinauusapan nila dahil busy akong pagmasdan ang mukha ni Brinx habang nagsasalita siya kanina.

"Ang alin?" I dumbly asked.

I heard the woman who's dressed in bright yellow snorting. "Why are you asking your secreraty Mr. Bardoquillo?" She kid making her company laugh with her.

I felt my confidence draining. I wanted to curl to a ball in shame. Hindi ko nga alam kung bakit ko gustong kumubli dahil sa sinabi ng babaeng iyon.

Parang bumalik sa akin lahat ng pang-aaping naranasan ko nung mga panahong wala pa akong pamilya. 'Yung mga pagkakataon na sinasampal sa akin ng lahat ng tao na hindi ako bagay kay Brinx, na kahit anong gawin ko malayo talaga ang agwat ng estado naming dalawa.

Brinx cleared his throat. His face now sporting a glare, "I would have offered the land in a quite reasonable price. But if I have to deal with immature people like you, mas maganda kung sa ibang tao ko na lang iaalok ang property ko."

Nagkatinginan ang apat na taong nasa harapan ko, "N-now Mr. Bardoquillo let's not be hasty about this. I meant it as a joke, nothing more." Pagbabawi nung babae.

But Brinx didn't flinch, his face remained stern. "I don't take insults as a joke. Especially when it comes to my girlfriend." He said with firm conviction.

"B-but.."

"We will not be pursuing with the agreement, good day." Putol sa kanya ni Brinx bago siya tumayo. Agad naman akong napasunod sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko. Mabilis siyang naglakad palabas ng restaurant at iniwan naming nakanganga 'yung dapat na business partners nila.

Tahimik na pinaandar ni Brinx ang Chrysler niya. Halata mong galit pa rin siya dahil mabilis at mabigat pa rin ang paghinga niya. Ayoko na sanang dagdagan pa pero hindi kasi mawala sa isip ko na binalewala niya ang isang tie-up ng dahil sa akin.

"Brinx..." Tawag ko sa kanya sabay hawak sa braso niya.

Malamlam na ang mata niya ng gumawi ito sa akin. "Hmm baby?" Tanong niya bago niya ibinalik ang tingin niya sa daan.

"Okay lang ba 'yun? Hindi ka ba pagagalitan ng mommy at daddy mo dahil dun?" Malungkot na tanong ko.

Natawa siya ng bahagya bago niya kinuha ang kamay ko sa braso niya. Hinawakan niya lang iyon ng mahigpit. "Akala mo naman menor de edad ako sa tanong mo."

"Seryosohin mo naman ako Brinx." I said with a frown. Lumingon siya sa akin bago niya ibinalik agad ang tingin niya sa daan.

"Seryoso naman talaga ako sa iyo." Pilosopong sagot niya.

"Brinx!"

He again let out a chuckle before kissing my hand. "Wala namang masasabi sila Mommy at Daddy dahil ako na ang gumagawa ng desisyon para sa kompanya ever since I took over. Don't worry about the area too, maganda ang location nun at maraming nagbi-bid para doon. In no time, someone will gain interest with it. Kaya okay lang."

"Salamat naman." Tugon ko bago ako sumandal ulit sa upuan ko.

"Pero kahit hindi ganoon kaganda ang lupa at binastos ka pa rin, I'd still do the same thing, kahit gaano pa kataas ang offer nila." Dagdag niya, napalingon ako sa kanya. Only to find out, he's already staring at me. "Because you're my priority. You're always on top of my list."

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon