Sinaday kong hindi sabihin kay Brinx na matutulog na ako. Nairita kasi ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan niya ang kakatawag niya ng 'baby' na yan, pero sa tuwing binabalak ko na nalulunok ko lang ulit ang mga salita.
Ala-una na ng umaga nung nagpaalam ako sa kanya na magbabanyo lang. Pero ang totoo nun matutulog na ako, para kunwari magagalit ako sa kanya dahil late siyang darating sa site gawa ng puyat niya. I know Brinx, hindi yan sanay ng magising ng maaga. Dati kailangan ko pa siyang tawagan ng ilang beses para hindi siya nalilate sa morning classes niya.
Napahinto ako mag-toothbrush at sandaling napatingin sa salamin. Bakit ko naman inaalala ang mga iyon? Focus on the goal, okay Aqui Marina? Don't you ever lose control on what's happening.
Nagsuot ako ng tank top at polo saka pants tapos boots. Mahirap na, baka maputik nanaman doon. Sakto rin dahil paumpisa na ung construction. Sana lang available na ang hard hats namin.
Napasimangot ako kahit malayo palang kami sa area dahil natatanaw ko na ang blue na Chrysler ni Brinx. Nagising siya ng maaga?
Brinx = 1; Q = 0.
I immediately got out of my car at andoon na nga ang hayop. He was sitting comfortably on the back hood of his car while talking to one of the architects.
Agad naman siyang napalingon sa akin at napangiti, "Ayan, kompleto na ang umaga ko." He said sweetly.
I went mum, I wasn't even able to breathe properly. Nilapitan niya ako at agad kinuha ang kamay ko. He kissed the back of it while looking directly to my eyes. His dark, olive windows taunting my mind, making it blurry.
"Good morning baby." He uttered with a dear smile. My chest stomped rapidly.
"Sobrang tamis naman Sir Brinx! Ang aga pa!" Natatawang ani ni Fritz kaya kami napalingon sa kanila. They have stupid grins plastered on their faces.
I cleared my throat before I was able to move a step backward. SPACE. I NEED SOME DAMN SPACE!
"Good morning. Nagumpisa na ba kayo?" Pagiiba ko sa usapan. He shook his head, "Hindi pa, we're actually waiting for you. Sabi ko baka matagalan ka pa since late na tayo natulog kaninang madaling araw."
"Ikaw lang. Normal ko 'yun."
He grinned before he laced his fingers again with mine. I tried to retreat but he held it tighter. Nagtaas ako ng tingin sa kanya pero patay malisya lang siya sa ginawa niya. "Oh which reminds me. I have something for you."
He tugged me slowly to his car. Sandali niyang binuksan ang passenger side ng sasakyan niya at may kinuha doon. When he turned around to face me again, he was holding a basket of my favourite snack; chicharong bulaklak.
"Flowers for you." Ngiting-ngiting tugon niya.
I can't help but to smile. Dati kapag nagkakatampuhan kami, ito lagi yung ginagamit niyang pansuyo. Alam niya kasing hindi ko matatanggihan ang chicharong bulaklak dahil favourite ko talaga. At yan lagi ang sinasabi niyang linya.
"Remember it Rina? Ito lang katapat ng galit mo sa akin dati. Kahit na sobrang inis ka, isang basket lang ng chicharong bulaklak love mo na ako ulit." Parang batang tugon niya.
Kinuha ko na ung basket sa kanya, natatakam na ako. "Inuuto lang kita dati dahil binibigyan mo ko lagi ng libreng ganito, naniwala ka naman." Sagot ko habang nakatingin sa mga binigay niya. Ang dami!
He chuckled before he rubbed his thumb on my cheek which made me jerk my head up to meet his stare. "And I used to give you these dahil ayaw mo ng bulaklak. You always say that you rather accept something you can share with your siblings at the orphanage than some expensive shit na mawawala rin naman ng halaga over time."
He still remembers it. Naalala niya pa ang mga sinasabi ko sa kanya dati. It's been four years, limang buwan na nga lang maglilimang taon na. Pero hindi niya pa rin nakalimutan. But why? Hindi ba siya nag-move on? Or is he just using this against me for the sake of the partnership?
Inabot ko sa driver ko yung basket ng pagkain, "Let's go over the plan para masimulan na ang construction." Pag-iiba ko ulit sa usapan. He just nodded his head.
Mapaglaro ang mga titig nila Allen sa amin pero hindi ko na lang pinapansin. Ganoon din naman ang ginagawa ni Brinx. He's on my side while his hand was on my waist while we are all standing around a table, going over the plan one last time.
"Sinong architect ang nag-design nito Miss Q?" Tanong ni Jordan, ung isa sa mga architect.
"Hindi ako architect pero ako gumawa niyan. Nagpatulong lang ako sa totoong arkitekto for the proper measurements and the likes."
Hindi makapaniwala sila Cerwin sa sinabi ko. "Hindi ka lang maganda at matalino Miss Q, talented ka rin." Bati ni Neilson.
I felt Brinx hand gripping my waist before he cleared his throat. "Wala naman ng problema sa plano diba? Magsimula na tayo." He commanded.
Napapito na lang si Allen bago siya nagsuot ng hard hat at nagtungo sa mga CW at nagbigay ng instructions. Sinundan naman siya ng mga kasama niya.
I was still looking at the blueprint on the table, both of my hands resting on the edge of it before I spoke, "Napakasungit mo an gaga-aga. Nakakasira ng mood Brinx."
He moved completely behind me, wrapping his arms on my waist. "Kasi, lagi ka na lang hinihiritan ng mga iyon. Dapat kasi babae na lang ang mga kinuha mong engineers at architects."
"Para ano? Ikaw naman ang may malandi. Style mo Mr. Bardoquillo." Inis na sagot ko. There's something inside my chest, clouding my heart, making it impossible for it to beat properly.
"Ha? Two years Rina, ni minsan hindi kita nagawang pagtaksilan. Kahit noong apat na taon na..." Then he stopped. Bigla na lang niyang kinalas ang pagkakaakap niya sa akin. "Forget it. If you enjoy the attention then go have fun with it." He said nonchalantly before leaving me inside the tent.
Sinundan ko siya ng tingin. What the hell is his problem? At bakit hindi niya tinuloy ung sinasabi niya. Kahit noon apat na taon na ano? What? Ano?!
Lumabas din ako ng tent, ung mata ko naglakabay. Hinahanap ang lalakeng nag-walk out kani-kanina lang. Pero hindi ko siya nakita, saan naman nagpunta yun. I tried to shrug it off. Hindi ka naaapektuhan Q diba? Wala lang sa iyo un diba? Nag-walk out siya, edi nag-walk out siya! Wag mong hayaang siya ang magkontrol ng mga nangyayari. Wag mong hayaan katulad ng ginawa mo dati.
Then I noticed that his Chrysler isn't beside my car anymore. Hala, baka nagalit nga talaga.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 3: Aquamarine
Любовные романы| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has known all the evils of the world. She has been in several orphanages before landing in a home ran by...