"Rina, hindi ka ba bababa at makikipag-usap sa mga bisita?" Tanong sa akin ni Sister Meridith habang nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko.
May mga estudyante mula sa isang eksklusibong paaralan na bumisita at nagbibigay tulong dahil malapit na rin ang pasko. Nilingon ko Sister na naghihintay sa isasagot ko.
"Hindi na sister, okay lang ako rito. Nagpapahinga lang naman ako bago ituloy ang pagpipintura ko sa kwarto nila Mima." Sagot ko sabay ngiti.
"Sigurado ka ba? Ayaw mo ba makatanggap ng kung anong regalo mula sa kanila? Hindi kasi nila iaabot hangga't hindi ikaw mismo ang kukuha doon." Muling pilit ni Sister.
Umiling ako, narinig ko ang buntong hininga ni Sister bago niya ako nilubayan.
Hindi ko naman kailangan ng regalo. Pamilya ang gusto ko. Isang taon na ako dito pero wala pa ring nagkakaroon ng interes na mag-ampon sa akin. Malapit na akong sumampa sa legal na taon at kapag nagkataon 'yun, pwede ko ng makalimutan ang pangarap ko na magkaroon ng isang buong pamilya.
Ilang minuto pa ang ginugol ko sa loob ng kwarto ko bago ko napagpasiyahan na lumabas at ituloy ang ginagawa ko sa kwarto nila Mima.
Gumuhit ako ng malalaking bulaklak na kinulayan ko ng iba't-ibang kulay. 'Yun kasi ang hiling nila Mima sa akin.
Naririnig ko pa rin ang maya't-mayang hiwayan ng mga kapatid ko dito sa bahay ampunan. Mukhang aliw na aliw sila sa mga bisita namin. Kahit nga sila Ate Martha na nasa trenta'y uno na naririnig ko pang nagtititili sa tuwa.
Napakibit balikat na lang ako at iling habang patuloy sa pagpipintura.
"You're good at that." Napalingon ako sa pinto at nakita kong may lalakeng nakasandal sa door frame. Nakahalukipkip pa nga ang mga braso nito habang pinapanood ako.
Napatitig ako sa kanya. 'Yung puso ko biglang napatakbo ng mabilis. Hindi pangkaraniwan ang pagkaitim ng mga mata niya, parang pag 'yun ang tumitig sa iyo, tagos-tagos hanggang sa buto at kaluluwa mo.
Nahirapan akong talikuran siya, parang gusto ko lang kasi siyang titigan ng walang kapaguran. "Why aren't you outside joining the fun?" Rinig kong tanong niya, 'yung mga yabag niya papalapit ng papalapit.
"Busy kasi ako." Maikling sagot ko. Naaninaw ko siyang dumampot ng paint brush sa sahig ng naabot niya ang tabi ko.
"What's your name? I'm Brinx by the way."
"Bricks?" Tanong ko sa kanya sabay lingon. Napangisi siya at umiling, "Brinx. B-R-I-N-X. Brinx." Ulit niya.
Napatango ako at nagpatuloy sa pagpipinta, pero 'yung nginig ng mga kamay ko kapansin-pansin na. "So? Your name?" Muling giit niya.
"Rina." Yun lang ang nasabi ko dahil pasikip na ng pasikip ang paghinga ko. Sa sobrang lapit niya sa akin naaamoy ko na ang pabango niya.
Hindi naman na siya kumibo, may hawak siyang paint brush pero wala naman na siyang ibang ginawa kundi titigan lang ako at ang ginagawa ko.
Matagal kong hinayaan na ganun ang posisyon namin hangga't sa, "Kuya! Kanina ka pa namin hinahanap! Ugh!" A lady probably a year or two younger than him exclaimed in annoyance.
Then she glided her eyes at me, "Who's she?" Tanong niya ng walang ano-ano. Naramdaman ko rin ang hindi welcoming na aura sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 3: Aquamarine
Roman d'amour| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has known all the evils of the world. She has been in several orphanages before landing in a home ran by...