Eleven

44.4K 872 19
                                    

Wala kang pake sa kanya diba Q? Hayaan mo siya. Kung gusto niyang umalis, edi umalis siya. Doon naman siya magaling. Napairap ako sa kawalan habang pinapanood ko ang mga CW na mag-pasok ng sako ng semento at hollow blocks sa area.

Parang limang segundo palang ang nakakalipas nung kinukumbinsi ko ang sarili ko, naguilty nanaman ako. With I sigh, I fished my phone out and dialled his number.

Tatlong ring bago niya sinagot, aba. Hard to get na rin. "What?" He said, obviously piqued.

"Natututo ka ng paghintayin ako Mr. Bardoquillo." I said in dismay.

But he didn't budge. "So what do you need Miss Q?" He said in a not welcoming tone.

For a moment, I wanted to scream at him. Pero I have to keep it all in. 'Wag mong sabayan ang init ng ulo niya Q. Kaya mo yan. Breathe in, breathe out.

"Hindi ka na ba babalik dito? Are you really just going to leave me hanging?" AGAIN. Sambit ko, inserting double meanings beside each word. Remember Brinx? You left me hanging four years ago.

I heard him sigh. "No, of course not baby. Pabalik na ako."

Mukhang hindi naman kalayuan ang pinanggalingan niya dahil ilang sandali lang, nakita ko na ang Chrysler niyang papasok ulit sa bakod na tinayo ng mga CW nung nakaraang araw.

Nakangiti na ang loko pagkababa niya ng sasakyan. That smile almost melted my heart. Smack out of it Q! Remember why you're doing this?

"Hindi mo ako matiis." Aroganteng tugon niya habang nakangiti ng nakalapit na siya sa akin. Yung mga braso niya agad na pumulupot sa bewang ko.

Napairap ako, "So ikaw kaya mo na lang akong tiisin?" Oo naman Q! Tinatanong pa ba yan? Ilang linggo ka naghintay sa kanya noon sa bahay ampunan pero hindi siya nagpunta.

Umiling siya bago humalik sa noo ko, "Hindi po." He said with a childish grin.

Hindi na niya ako binitawan habang nag-su-supervise kami sa paumpisang construction. Medyo dumistansya na rin sila Allen sa akin, which made him satisfied. Hindi ko na lang pinuna dahil baka atakehin nanaman siya ng mood swings niya.

At 2pm, we decided to leave the rest to Neilson and the group. Sila na ang bahala, alam naman nila ang gusto kong mangyari. Pasakay palang ako sa sasakyan ko ng bigla akong higitin ni Brinx sa may bandang bewang.

"Ay Brinx, ano ba!" I squealed. But my lips convexed into a smile. He kissed me by the nape before he whispered, "Sa akin ka na sumabay. Lunch tayo, di pa tayo kumakain."

Nilingon ko siya, he was smiling from ear to ear. "Okay, basta may-"

"Kare-kare. I know." Pag-uuna niya sa dapat na sasabihin ko.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya, kissing the back of it once in a while. Ngiting-ngiti pa nga ang loko. Ilang beses kong sinubukang agawin sa kanya pero he won't let me.

"Brinx, what are you trying to say when you mentioned about the years I spent in Italy?" I gulped down the huge lump forming on my throat.

Hindi siya nagalis ng tingin sa daan bago sumagot. "Ha? Wala naman akong ganung sinabi kanina." Aniya sabay kibit balikat.

So ano? Nagiimbento na lang ako? Magnanakaw na sinungaling pa? Ganun ba Brinx?

I pursed my lips, out of words. Malalaman ko rin yan eventually Bardoquillo. Maghintay ka lang.

"Can you tell me about your stay in Italy?" Biglang tanong niya kaya napalingon ako muli sa kanya. Muling dumampi ang labi niya sa likuran ng kamay ko, but his eyes are still fixed on the road ahead of us.

"Why do you wanna know?"

He shrugged his shoulders. "I just want to. You stayed there for four years. Akala ko nga hindi na tayo magkikita."

THEN YOU SHOULD'VE COME AND TALK THINGS WITH ME! ALAM MO NAMANG HINDI AKO AALIS, HINDI AKO SASAMA KILA DADDY KUNG SAKALI KUNG HINDI MO AKO SINAKTAN AT PINAGBINTANGAN!

Gusto ko siyang batukan. Ano ito? Na-amnesia siya at hindi niya lang maalala ang mga ginawa niyang kabalastugan sa akin? Sira ulo ba siya?

"Hindi mo ba tatanungin muna kung bakit ako pumayag sumama kila Papa at Daddy sa Italy?" Tanong ko. Yung kabog ng dibdib ko lumalakas nanaman.

Umiling siya, "Nope. Yung parteng nasa Italy ka lang."

So he doesn't want to reminisce that part of our lives. Ayaw niyang alalahanin ang kagaguhan niya. Yung puntong winasak niya ang mundo ko pati ang puso ko.

"Nothing much happened. Yung first year ko roon, I was home schooled. Alam mo naman, dahil sa palipat-lipat ako ng bahay ampunan dati hindi ako nakapag-aral. A school in Italy granted me a diploma when I was able to pass their test, after that Papa Luigi and Daddy Piero enrolled me in an exclusive Interior Designing School where I got my degree."

Napatango siya, "Bakit hindi ka nag-archi? Ang galing mong mag-drawing Rina. You used to draw Alexa's assignments."

Napangiti ako sa memoryang yun. Kapag bumibisita kasi ako kila Brinx tuwing sabado, tinutulungan ko si Alexa sa assignments niya. Naiinggit nga ako rati dahil nakakapasok sila ng school, kaya rin siguro masaya ako habang pinagguguhit siya ng assignments niya.

Yung pangatlong bahay ampunan na pinanggalingan ko ang nagturo sa aking magsulat at magbasa. Pero umalis ako doon dahil malupit ang isa sa taga-bantay roon.

Hindi ko pa masasabing magaling ako magbasa noon dahil hirap pa rin ako sa mga ibang salita. Buti na lang I met Ate Gie when I was 14, sinasabay niya ako sa pagtuturo sa mga kapatid niya noon. Kaya masasabi ko talaga na siya ang nagturo sa akin magbasa at magsulat ng maayos. Sa kanila nga ako unang nakahawak ng magandang ballpen at papel.

"Rina, baby? Are you alright?" Tanong sa akin ni Brinx ng nanahimik ako. Tumango lang ako, alam kong magtatanong ulit siya kung okay lang ako kaya sinagot ko na lang yung tanong niya.

"Hindi ako magaling sa math kaya hindi ako pwedeng mag-architect. And during that time, tinuturuan na rin ako nila Daddy magpatakbo ng wineries and farms namin kaya marami akong pinag-aaralan."

He smiled after hearing what I have to say, "Buti na lang pala naampon ka baby ano? Buti na lang...." He said, out of his head. Because after that, he bit his lip as if suppressing some other words he's about to choke out.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon