Eighteen

40.7K 941 34
                                    

"Aalis ka na talaga? Parang biglaan naman Q?" Malungkot na ani ni Ate Gie habang kalong-kalong niya ang isa sa kambal. Alam kong nangako ako na mananatili ako rito hangga't sa binyag pero, kailangan ko muna talagang umalis.

Siguro, hangin lang ng Italya ang kailangan kong malanghap para makalimutan ko ulit si Brinx.

"Tambak na rin kasi ang trabaho ko sa sa Italy Ate, saka miss ko na rin sila Daddy." Sagot ko habang nilalaro si War.

Napabuntong hininga si Ate Amy sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. ""Yan ba talaga ang rason Q?" Tanong niya habang humihimas sa tiyan niya.

Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ang atensyon ko sa karga kong bata. "O-oo naman Ate. Ano ba dapat?" Utal kong sagot.

"Si Kuya Brinx." Aya said. Napatigil ako sa paglalaro ko kay War at napatingin sa kanya. Nakatuon na pala sa akin ang atensyon nilang tatlo.

Saka napahalinghing si Ate Gie bago siya napasapo sa noo niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo Marina." Halata mong nagpipigil siyang sumigaw pero mataas pa rin ang tono ng boses niya.

"Gie, 'wag mo namang sigawan si Q." Suway sa kanya ni Ate Amy. Mas lalong napasimangot si Ate Gie pero hindi na siya sumagot. Ate Amy threw her arm aroung my shoulders before giving it a gentle rub, "May nangyari ba na dapat naming malaman?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako, "W-wala naman ate." Lakas loob kong sagot pero nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko.

"Mahal mo pa ba?" Ate Amy asked. At kahit hindi siya magbanggit ng pangalan, alam kong iisang tao lang ang nasa isip naming apat.

Umiling ako ulit bago pinunasan ang luhang tagumpay na nakatakas sa mga mata ko. "H-hindi ko na alam Ate. Basta ang alam ko nung una, galit ang nararamdaman ko. N-ngayon...." My voice trailed off because my lips started to quiver.

"Nako, mali Ate Q. Maling-mali." Aya said. "Dahil kung talagang naka-move on ka na, wala ka na dapat nararamdaman na kahit na ano sa kanya. Galit man yun o ano pa, dapat wala na."

Ibinaba ni Ate si Peace sa crib bago siya lumapit sa akin. Siya na ang nagpunas ng mga luha ko, "Ikaw naman kasing bata ka. Ang tigas ng ulo mo, hindi ka na nakinig sa akin." Sambit niya, iniabot niya si Warren kay Aya bago niya ako inakap.

I cried. I cried all my frustrations. Kahit ano talagang gawin ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan si Brinx. He's my first love. He's my first in almost everything. Mali talaga na salubungin at subukan siyang bawian. Tama si Ate Gie, ako rin lang talaga ang uuwing luhaan.

Hindi na ako pinagalitan ni Ate Gie pagkatapos nun. They diverted the topic to Ate Amy's growing belly. Magpapababy shower daw sana siya pero hindi na tuloy dahil ayaw daw ni Kuya Cube. Baka mapagod lang daw si Ate Amy kaya 'wag na lang. Napagdesisyunan ko rin na bababiyahe na lang ako ulit kapag binyag na ng kambal.

Umuwi ako bandang ala-siyete na. I started packing my things immediately, I already informed daddy and papa that I'll be taking the first flight tomorrow. Hindi naman na sila nagtanong, handa naman daw silang maghintay ng paguwi ko roon para maikwento ko sa kanila ng personal ang nangyari.

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng damit ko ng biglang tumunog ang doorbell ng kwarto ko. Tatlong beses na magkakasunod. Akala ko room service lang na maghahatid ng pagkain, pero pagkabukas ko si Brinx ang nasa harap ng pinto ko.

"A-anong ginagawa mo rito?" Hingal na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, matagal siyang nakatitig sa akin at ako sa kanya. I can't seem to peel my gaze away from his gorgeous face.

Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha niya, might as well enjoy the moment while it lasts. "B-brinx, ti-inatanong kita. A-anong ginagawa mo rito?" I again tried.

He closed his eyes for a brief moment, as if the sight of me was a inflicting him pain. "Are you really leaving?" He asked in a hoarse voice.

Tumango ako, siya naman ang iling niya. "No, I can't let you." He murmured before he pushed me gently inside my hotel room, closing the door shut with his foot.

Can't let me what? Leave?

His eyes were burning as he continued to stare at me. I can't maintain eye contact so I looked away. We were a few inches apart, I wished he would hold me. Hug me. Bury me into his arms. But he just stood there, motionless infront of me.

"Brinx umalis ka na. Marami pa akong ginagawa." I commanded, but failed to put emphasis as his gaze continued to suck my energy.

"Rina, look at me." Utos niya, pero hindi ko ginawa. "Look at me, tell me you hate me. Tell me you don't love me and I'll walk away."

Napatungo ako at napatingin sa paanan ko. I never did tell him that I hate him, let alone telling him that I don't love him. Wala kaming closure, wala kaming official na break-up. Kaya siguro ganito kahirap ang lahat.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago ko siya ginawian ng tingin. "I..I.." I tried, but the words won't f ucking come out. "I can't..." I ended up saying.

He took steps towards me until we're face to face. He rested his forehead on mine while holding both sides of my face. Napahawak ako sa kamay niya at napapikit, "Aqui Marina, mahal mo pa ba ako?" He asked, his breath fanning my face.

Tears started to sting my eyes. My heart racing, my butterflies rallying, my lungs failing.

"Si, io voglio. Ti amo ancora, ho sempre fatto. (Yes, I do. I still love you, I always did.)" I wasn't able to think properly that's why I answered him in Italian.

I slowly opened my eyes just to see his gorgeous smile spreading on his equally gorgeous face. "Contento di sentire che siamo ancora sulla stessa pagina. Ti amo troppo Rina. (Glad to hear that we're still on the same page. I love you too Rina.)" Then he slowly tipped my head up before lacing his lips on mine.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon