Thirteen

41.7K 928 75
                                    

"You know each other?" Brinx croaked. I looked at him briefly before I turned all my attention to Gio, my cousin.

As told by daddy, sa sobrang dami raw nilang magkakapatid na isa-isa raw silang binenta ng mga magulang nila. He and Tita Flora ended up with Italian parents. But unlike daddy who settled in Itay, Tita Flora married a Filipino businessman which made her go back here in the Philippines.

"When they mentioned the last name Eugenio, I didn't know that they were talking about you amore." Tugon ko, completely ignoring Brinx's question.

Napangiti si Gio bago lumapit at humalik sa pisngi ko, "Yes, I'm here for a tie-up in one of their lands up in the North. Mommy wants to put up a hotel there. Ikaw?"

"Sono qui per la hacienda, quello di cui abbiamo parlato quando mi avete visitato in Italia. (Andito ako para sa hacienda, yung pinagusapan natin nung binisita mo ako sa Italy)."

"Ah si, si. Io ricordo. Ma che cosa stanno facendo quando l'utente accetta di fare affair con il tuo ex fidanzato? Fa Tito Piero e Tito Luigi lo sanno? (Ah, oo naaalala ko na. Pero anong ginagawa mo at nakikipa-deal ka sa exboyfriend mo? Alam ba nila Tito Piero at Tito Luigi ito?)" He asked in concern.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Brinx na nakabusangot na sa likuran ni Gio. He has his fist clenched while looking at us intently.

Napangiti ako, I just had the smartest idea!

"Yes, they know. But I'll spill you the deets later. Have lunch with me." Sagot ko.

Brinx face contorted into an uglier frown. Hinawi ni Gio ang buhok ko sabay ipit sa tenga ko, "Sure, when did I ever say no to you anyway." He answered.

Nilingon niya muli sila Brinx na parang nanonood ng teleserye. "Tapos naman na ang pinaguusapan namin. Lalabas lang ako, I need to call mommy. I'll be waiting for you outside my love." Tugon niya sabay halik sa noo ko.

Hindi ko nga alam kung kanino siya nagpapaalam. Sa akin ba o kila Brinx. I confidently sat on the chair where Gio was before I showed up.

"Iwan niyo muna kami." Brinx gritted through his teeth. Napatango naman sila Alexa. Isa-isa silang nagbigay ng tingin sa akin bago tuluyang naglaho.

"Mr. Bardoquillo, I want-"

"The fuck are you doing kanina?!" Biglang sigaw niya sa akin. Nagulat ako kaya napakapit ako ng mahigpit sa bag ko.

He was fuming mad. I can imagine smoke coming out of his ears. He was red on the face while his fists are still curled. I cocked my head sideways, keeping my cool.

"What do you mean?" I asked in fake innocence.

Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit. He stood up saka pumameywang sa harap ko.

"Wag ka ng magmaang-maangan Marina! Alam kong alam mo ang sinasabi ko!" Tiim bagang sambit niya.

Hindi ko siya sinagot, I just smiled at him. He charged towards me before he rested his full body on his arms as he leans forward to me. His face a few inches from mine.

My heart started to beat rapidly, sucking the life out of my lungs.

"Talaga bang iinisin mo ako? Ha Marina?" Mariin niyang sabi.

I arched one eyebrow at him. "Bakit naiinis ka na ba Brinx?" I challenged.

Tumayo siya ng maayos at napahilamos sa mukha niya. "Ano?! Kailangan ko rin bang mag-aral ng putang inang lengwahe na un para mapirmi ka sa akin?! The fuck is wrong with you Rina?!"

Naglaban ang mga titig naming dalawa. Hindi ako ang unang babawi Brinx. Hindi ako, tandaan mo yan. Hindi ako ang matatalo dito. Humalukipkip ako saka ako sumagot.

"Are you really asking me that Brinx? Tinatanong mo ba talaga kung anong problema ko?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, pero ung mata niya lumalamlam na. Hindi naman tumataas ang boses ko pero nakikita kong kinakalma na niya ang sarili niya.

"Matanong nga kita. What the fuck was wrong with you when you fucking accused me of robbery four years ago?" I simpered, the venom coating my words.

I saw him took a step backward. Ito ang unang pagkakataon na nabanggit ko sa kanya ang nangyari noon. I've been avoiding it ever since at ramdam kong ganoon din siya. Dahil sa reaksyon niya ngayon, alam kong hindi niya inaasahan na ibabato ko sa kanya yun.

"Ano? Hindi ka makasagot 'diba? Kaya 'wag kang magsisisigaw diyan na akala mo pinagtaksilan kita. Walang tayo Brinx. Tinapos mo na yun matagal na." I continued before I got up and left.

Nag-aabang naman na si Gio sa akin ng nakalabas ako ng opisina. The Bardoquillos even waved me goodbye ng paalis na kami. I find it weird, kasi kahit si Lizzie ang bait na sa akin. Samantalang nung una, halos ayaw niya akong makita.

"Si Kuya talaga, hindi nagsasabi na uuwi pala dito sa Pinas ang prinsesa niya." Bati sa akin ni Tita Flora.

Napagdesisyunan kasi namin ni Gio na sa bahay nila na lang kami mag-lunch. Tutal andoon din naman si Tita Flora na tuwang-tuwa naman na makita ako.

"The last time Daddy called daw po kasi, busy kayo. Ayaw naman daw niyang makaistorbo." Sagot ko.

She sighed, "Si Kuya talaga." Aniya sabay iling. "Oh siya sige at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Paalam niya.

Naupo kami ni Gio sa may sofa saka niya ako pinaulanan ng mga katanungan. "Kamusta ka naman amore? Mahirap ba?"

Napalingon ako sa kanya, he was switching channels with the telly. "Alin ang mahirap?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Yang ginagawa mo. Imposibleng hindi nagbabalik ang damdamin ng nakaraan." He said, sure na sure pa nga siya sa sinasabi niya sa akin.

I snorted, "As if." I briefly muttered, but my hands started to shake on their own.

"Sigurado ka ba jan? Yung titig sa iyo ni Brinx kanina, iba eh. Iba talaga."

"Hay nako, tigilan mo nga ako Gio." I seethed. Hopefully that would make him change the topic.

But he just chuckled before he turned off the T.V. and stared at me. "What if something happened that made him do that? May nangyari kaya niya nagawa sa iyo yun amore?"

His questions dugged right at my rooted anger with Brinx. But I quickly shook my head. Ano namang mangyayari na kailangan niya akong pagbintangan.

"That would be stupid." Sambit ko, bitterness evident from it.

Natawa naman siya, "Hey, I have an idea. Gusto mong makaganti diba? Hindi naman niya alam na magpinsan tayo. We can make him jealous."

"Actually, naisip ko rin yan kanina. Kaso..."

"Kaso ano?"

"Kaso bakit naman siya magseselos diba?" I asked. My confidence draining to zero.

Gio just smirked at me foolishly before he answered, "Kasi may nararamdaman pa rin siya para sa iyo."

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon