Sumilip muna si Brinx sa pinto bago kami tuluyang lumabas ng restroom. Sinukbit niya ang bag ko sa balikat niya para mahawakan niya ang magkabilang kamay ko.
He was smiling dearly at me, his eyes convexing. "Saan ka pupunta ulit? Ipapahatid na kita sa driver namin."
Umiling ako, taking a step backward para mailayo ko ang sarili ko sa kanya. He's too damn close. "Hindi na kailangan, may driver naman ako."
He nodded. "Okay then, pero saan ulit ang punta mo?" He tried again, I rolled my eyes at him, making him chuckle. "Matigas na ang ulo mo ngayon Rina. Dati kapag tinatanong kita sumasagot ka naman agad." Aniya sabay pisil sa ilong ko.
Inirapan ko siya ulit, "Dati un." Dati, nung kaya mo pa akong utuin. Dati, nung ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko. Dati, nung pinagbintangan niyo ako.
He sighed, "Rina, hindi kita hahayaang makaalis nang hindi ko nalalaman kung saan ang punta mo." Medjo mariin na rin ang pagkakasabi niya.
"Kila Ate Amy." Maikling sagot ko. Bakit niya ba kasi kailangang malaman?
Napatango siya, "Oh, okay. After that may lakad ka pa ba?"
"What are you? My boss? Why do I need to run my full schedule to you?" Inis na tugon ko sabay taas ng kilay.
Nagbaba siya agad ng tingin pero hindi niya parin binibitiwan ang magkabilang kamay ko. My guilt immediately sabotaged my fake irked behaviour.
'Wag mong ubusin ang pasensya niya sa iyo Q, baka hindi matuloy ang mga binabalak mo.
Ako naman ang nagpabuntong hininga, "I have no other plans for today except sa facetime date namin nila Daddy at 7pm, Philippine time."
He slowly lifted his head up, meeting my gaze. His eyes we're burning. Burning with something I cannot comprehend. "No, it's my fault for being too clingy. Hindi naman tayo, kaya wala akong karapatang magtanong sa iyo ng mga ganoon bagay."
"So okay lang sa iyo na wala tayong label?" I asked, my brow rising on its own.
Umiling siya, naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa mga kamay ko. "Hindi. I intend of courting you again katulad dati. Umabot nga ako ng anim na buwan bago mo ako sinagot." Nakangiting saad niya.
"Nagrereklamo ka? Gawin kong isang taon ngayon." Masungit na tugon ko.
He just chuckled before he leaned just to rub his nose on mine. "Walang problema sa akin. Ikaw naman ang masusunod."
Hinatid niya ako hanggang sa parking lot. He was just like my Brinx. Yung Brinx ko rati na alam kong mahal na mahal ako. Yung Brinx ko na pinagtatanggol ako kahit na anong mangyari. Yung Brinx kong walang hiningi na kahit na anong kapalit sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Yung Brinx ko bago ang insidenteng un. Yung Brinx kong nawala na lang sa isang iglap.
"Ate Amy," Tawag ko sabay katok sa pinto ng bahay nila Ate. Hindi ko ba kasi alam kung bakit dito ko sila imi-meet. Sabi ko sa labas na lang para makakain ako ng Filipino Cuisine, pero hindi pumayag yung boyfriend niya sa hindi ko malamang rason. Ipagluluto na lang daw nila ako.
She opened the door a few knocks later, agad naman niya akong nilunod sa akap niya. "Baby girl!" She squealed.
She looks so excited. OA naman kung isipin ko na excited siya na makita ako. There's something different about her, but I can't seem to put my finger in it.
Hinatak niya ako hanggang sa nakaupo na kami sa sofa. "I have so much to tell you!" Tili niya ulit habang hawak ang kamay ko.
Then my eyes landed on the humangous ring on her finger. Oh my god! "Ate Amy?! Santa maccheroni! You are engaged?" I said with the same high pitch as her.
She nodded her head, her tears residing on the corner of her eyes. "Buntis din ako Q, we're going to have a baby." She whispered pero rinig na rinig ko. Napaakap ako sa kanya ng mahigpit.
Who knew that after her heartbreak with Kuya Cael, magiging ganito siya kasaya ngayon?
Nilingon ko ang malaking bahay nila Ate, looking for Kuya Cube. "So where's the daddy-to-be?"
"Nasa labas, inutusan kong bumili ng itlog na makinis." She said, grinning like a school kid on recess.
Kuya Cube joined us after his flawless egg hunting. Naubos na raw niya kasi ung itlog sa ref nila dahil hindi niya masunod ang gusto ni Ate Amy na makinis na itlog. Lagi niya raw kasing nasusugatan sa tuwing binabalatan na niya. Kaya naghanap na lang siya ng mabibilhan sa labas. Ung luto na dati.
Kuya Cube was super excited for their baby. Sobrang maalaga nga kay Ate Amy, OA na nga sa paningin ko. They cooked me my favourite Kare-kare bago namin pinagusapan yung tungkol sa Hacienda. Buti na lang I have my Ates who's willing to help me with my business.
I went home at 6pm to prep para sa date namin nila Daddy at Papa. Same old, same old convos with them. Magingat daw ako, magsabi lang daw ako sa kanila kung may problema. They are still asking about Brinx pero syempre patay malisya lang ako. Alam kong parehas ang magiging reaksyon nila kay Ate Gie.
Katatapos kong mag-shower when my phone lit up. Naka-silent kasi iyon. When I checked it has 15 missed calls already, from an unknown number.
Muling nagvibrate yun habang hawak ko kaya sinagot ko na, "Hello? This is Q Godorecci. Who's this?"
"It's Brinx. Akala ko kung napano ka na." His sweet voice intruded my eardrums. Making it echo inside my head.
"You're over reacting Mr. Bardoquillo."
He chuckled, "What? Remember, I used to call you pagkatapos kita ihatid sa bahay ampunan. Usually when we are about to sleep."
Matagal akong natahimik. He is really hitting me with those unwanted memories. "Busy na ako ngayon kumpara dati. Why are you calling me again anyway? And where'd you get this number?"
"From Karen. Like I said, I am calling you until you fall asleep while talking to me. Katulad ng dati."
Katulad ng dati my ass. I rolled my eyes, "Hindi pa ako matutulog Brinx, may mga gagawin pa ako."
"Then I'll wait for you until you finished. Okay lang naman sa akin."
Napairap ako sa kawalan. Persistent asshole. "Fine, suit yourself." Inis na sagot ko na may kasamang buntong hininga.
Ni-loud speaker ko na lang ung phone ko habang binabasa ko ang files ng winery sa Italy. Doon ko kasi balak ipattern ang magiging itsura ng hacienda dito sa Pinas.
May mga konting ingay akong naririnig kay Brinx. Minsan kaluskos, minsan mga gamit, minsan siya mismo. May mga sinasabi siyang hindi ko na naiintindihan sa sobrang hina.
Narinig ko siyang humikab, kaya napalingon ako sa relo sa tabi ko. It's almost after midnight. "Matulog ka na Brinx kung inaantok ka na. Maaga pa tayong pupunta sa area mamaya." Utos ko.
"Nah, I'll wait for you. Anong gusto mong midnight snack baby?"
Napatigil ako sa binabasa ko at napatingin sa cellphone ko. Baby? Did he call me baby? Yung kabog ng dibdib ko bumilis ng bumilis halos hindi na ako makahinga.
"Rina, baby? Gusto mo ba ng kape? Yung favourite mo, Caramel Coffee Jelly with extra Java Chip and super drained jelly?"
"Hindi na busog ako." Maikling sagot ko. Buti na lang hindi kami magkaharap. Buti na lang sa cellphone lang kami naguusap. Dahil kapag nagkataon, hindi ko maikukubli sa kanya ang naging reaksyon ko sa sinabi niya kung sakali.
![](https://img.wattpad.com/cover/82534748-288-k938494.jpg)
BINABASA MO ANG
Stonehearts 3: Aquamarine
Romance| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has known all the evils of the world. She has been in several orphanages before landing in a home ran by...