Six

48.8K 1.1K 22
                                    

Nagsisi ako kung bakit ko sinungitan si Brinx kanina. Dapat pala pinagtiyagaan ko na lang siya. Wala na tuloy tutulong sa akin sa pagbunot ng heels ko sa lupa.

I groaned again before I removed my heels completely. 'Di bale na, magpapaa na lang ako. Sanay naman ako dahil dati nung wala pa sila Daddy, lagi akong nakapaang naliligo sa ulan kasama ng mga kapatid ko sa ampunan.

Brinx looked at the shoes I'm holding ng nahabol ko na sila. Alam kong magtatanong siya pero naunahan siya ni Karen, "Miss Q, bakit kayo nagtanggal ng sapatos?"

I glared at her before I simpered. "Why do you think Karen? Hindi mo ako nasabihan sa proper attire na susuotin going here."

She blinked in confusion before she turned to Lizzie. "Pero sabi po si Miss Lizzie nasabihan na raw niya kaya hindi ko na po kayo tinext kagabi."

Kaya naman pala. Lizzie's maintaining her fake innocent look when we all gaped at her. "Elizabeth." Tawag sa kanya ng kuya niya. But she just rolled her eyes before she stomped away from where we are.

Napailing na lang si Brinx, "I-I'm sorry." He whispered. Sorry saan? Sa mga ginawa niyo sakin dati? Sorry rin ha, expired na yung mga panahon na inaasahan kong kakausapin mo ako para maliwanagan ako sa mga nangyari dati.

"Let's finish this already para makauwi na ako. Marami pa akong gagawin." Masungit na tugon ko bago ako naglakad ulit. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta.

The engineers trailed after Lizzie. May mga sinasabi siya tungkol sa isang area kung saan magandang itayo ang quarters ng mga magtratrabaho sa hacienda ko soon.

Pinapakinggan ko ang opinyon ni Allen ng biglang tumabi sa akin si Brinx. "Umm Q, hindi ba masakit ang paa mo?" He asked in a soft voice.

Marahas ko siyang nilingon bago ko siya pinagtaasan ng kilay. "No. Sanay ako." Maikling sagot ko sabay iwas ng tingin. Ang lapit niya kasi, yung puso ko naghuhuramentado na.

"Oo nga pala. Favorite mo pa lang maligo sa ulan ng nakapaa." He said. When I gathered enough courage to look at him again, he was actually smiling at space.

"Brinx!" Suway ko sa kanya dahil binuhusan niya nanaman ako ng tubig na naipon niya mula sa pagsalo sa gutter ng bubong ng bahay ampunan.

Tawa siya ng tawa pagkatapos niyang gawin yun. Hindi ko rin maiwasang hindi matawa kahit ginaw na ginaw ako sa lamig nung tubig na sinaboy niya sa akin.

"Ang lamig nung tubig eh!" Tugon ko sabay simangot. Huminto siya sa pagtawa bago niya ako nilapitan at inakap. Kahit basa yung katawan niya, sapat na un para magbigay ng init sa akin.

"Sorry na po." Malambing na tugon niya bago niya ako hinalikan sa noo. "Halika na sa loob, patila na ang ulan. Baka magkasakit pa ang mahal ko." Aniya bago niya binalot sa akin ang tuwalyang hinanda niya bago kami lumusong sa ulan.

I shook my head out of those thoughts. Bakit ko naman inaalala ang mga bagay na un? Tapos na kami. Lagi mong tatandaan Q kung gaano ka kinamuhian ng lalakeng yan nung mga panahong walang-wala ka. Nung mga panahong alam nilang wala kang laban.

Maglalakad na sana ako ulit ng biglang hinawakan ni Brinx ang kamay ko. Sa sobrang gulat ko hindi ako nakapagsalita. I felt my cheeks flare. Wala rin akong lakas para agawin sa kanya ang kamay ko. Santa maccheroni!

"Ako na lang ang magpapaa. Ikaw na magsuot ng sapatos ko. Baka may matapakan ka pang ano jan." He said in an authorative voice. Ung boses na ginagamit niya sakin dati kapag umiiwas siya sa pagtatalo.

Mas lalo akong hindi nakapalag ng natanggal na niya ang rubber shoes niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong un sa balikat niya habang inaalalayan akong suotin ang malaki niyang sapatos.

"Mcdonald's." Sabay naming sabi.

He chuckled after that. Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na sinuot ko ang sapatos niya. Una nung birthday ni Alexa, he teased me Mcdonald's kasi ang laki ng sapatos niya para sa akin. Parang si Ronald Mcdonald lang daw.

He stopped when he saw me remaining stoic. I don't want to be flooded by our memories. Andito ako para maghiganti, hindi para makipagbalikan. Then Ate Gie's words echoed inside my head. No! Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi niya.

He hurt me once, sobrang tanga ko na lang sa kanya kapag hinyaan ko pa siyang gawin sa akin yun ulit.

Tahimik na ang buong tour namin sa area. Nakita ko ang mapagtanong na titig ni Lizzie sa amin ng nakita niyang suot ko ang rubber shoes ng Kuya. Pero buti na lang hindi siya nagtanong at hindi niya ginawang issue un.

Pinabukas ko ang likod na pinto ng sasakyan na dala namin para makaupo ako. I was cleaning my foot para maisuot ko na ulit ang sapatos ko. I saw Brinx watching me warily habang nakasandal siya sa sasakyan na dala nila ni Lizzie. Hindi pa rin kasi tapos makipagusap si Fritz sa kanya.

Nakapaa pa rin siya. Okay, so maybe he deserves a little bit of kindness dahil pinahiram niya sa akin ung sapatos niya. Wala nga siyang pakialam kanina na maputik ung paa ko nung sinuot ko ang Jordan's niya.

"Brinx, you should umm t-tidy your feet too." Tawag ko sa kanya. His face lit up when I called out for him. I will really regret this later.

Umurong ako para mabigyan siya ng space, umupo naman siya sa tabi ko. He was smiling habang nakadekwatro at nagpupunas ng paa. "Sana lagi mo na lang akong tinatawag na Brinx. I hate it when you call me Mr. Bardoquillo, you sound so distant." Bulong niya ng hindi nakatingin sa akin.

"I am addressing you the way I address all our business partners. And you are not an exemption."

Napatigil siya sa pagbuhos ng alcohol sa paa niya at napatingin sa akin. "Am I really just your business partner Rina?"

His dark olive eyes flickered in an unusual way. My mind slurred into unknown. I wanted to say yes! Oo, business partner ka lang! But why does my mouth keep on failing me?

"Tell me Rina hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon natin? God, you took me by surprise when you stride inside the conference room. Hindi ko alam na ikaw ang makakaharap namin, I have to blink countless of times bago ko nakumbinsi ang sarili ko na ikaw nga yun. You've changed so much. You cut your hair short and you dyed it to your favourite color, you acquired an accent, you started wearing make up, naghi-heels ka na rin. But you know what didn't change? Yung ngiti mo. When you flashed that damn enchanting smile of yours, alam kong ikaw yan. Alam-"

"Why are you telling me this Mr. Bardoquillo?" Putol ko sa sinasabi niya. I was catching my breath, pero hindi naman ako ung marami ang nasabi. "Kung nahihirapan ka, you can still withdraw from the partnership habang hindi pa tayo nakakapirma ng kahit na anong kontrata." I answered looking away.

Matagal siyang walang imik sa tabi ko before he took a deep breath, "Now that you're here again, I won't let you leave just like the last time." Tugon niya bago siya umalis sa tabi ko.

What does he mean by that? Siya ang nagpalayas sa akin. Siya ang may gusto nun hindi ako! Ilang araw kong hinintay ang pagpunta niya sa bahay ampunan pero hindi niya ginawa tapos ngayon sasabihin niya sa akin to?! Does he think we will rekindle our lost fire? Dream the fuck on Brinx!

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon