Five

50.4K 1.1K 25
                                    

                 

Hinatid ako nung mag-asawa dahil ginabi na ako habang kasama sila. Nag-dinner pa kasi kami, we tried calling Ate Amy rin kaso mukhang busy dahil hindi sumasagot ng tawag.

They insisted of accompanying me hanggang sa lobby ng hotel dahil hindi pa rin tapos magkwento si Ate Gie tungkol sa mga balak nila para sa kambal nila. Natawa nga ako sa gustong ipangalan ni Kuya Lev, they are still debating about it.

"Actually, cute naman siyang pakinggan Ate. War and Peace, I think it's unique." I uttered as we breezed inside the lobby.

"Nako! Binack-up mo pa ung kabaliwan ng asawa ko." Ate Gie whined sabay face palm. Kuya just chuckled, his face oozing with triumph.

May sasabihin pa sa ako kaso may nahagip ang mata kong lalake na nakaupo sa waiting area ng hotel na tinutuluyan ko. Paano niya nalaman na dito ako naka-check in?

He stood up immediately and started walking towards me, pero napahinto siya ng nakita niya kung sino ang kasama ko. "A-ate Garnet." Bati niya.

Ate looked at him sharply, her dark eyes breaking every part of Brinx's body with her glare. "Anong ginagawa mo rito?" She gritted through her teeth.

Gusto kong ipagtulakan paalis si Brinx. I spoke too soon! Sabi ko itatago ko ito kay Ate, pero mukhang hindi ko na magagawa yun. "Who are you?" Kuya Lev asked, snaking one possessive arm around ate Gie's waist.

Brinx looked at me with pleading eyes. Nangungusap na tulungan ko siya habang pinandidilatan siya ng dalawang kasama ko. "I-I umm business" Utal na sabi niya.

"I can't understand you. Speak intelligently." Utos ni Ate Gie. Her face still sporting her scowl. Ang talas din ng titig niya sa lalakeng nasa harap namin.

"A-ako ang business partner ni Ri-umm Q sa hacienda. H-hindi ba niya nabanggit?" Brinx stuttered before dropping his gaze. Game over, nasabi na niya ang hindi dapat sinasabi.

Ate Gie looked at me in one spasmodic movement before her brow arched in sarcastic amusement. "Oh really? Hindi nabanggit sa amin ni Marina gayong sa amin ang construction." Inis na tugon ni Ate Gie.

I cleared my throat. "What are you doing here Mr. Bardoquillo?"

Nagtaas ng tingin si Brinx at sandaling tumitig sa akin baka niya iniwas yun. Parang hindi niya matagalan ang pagmumukha ko. "I-I just came to give you the final stats of the land. Para hindi ka na mahirapan once we get there. Mainit kasi doon at-at..." His voice died. Binabaon na kasi siya ni Ate Gie ng sama ng tingin. "Umm I-I better go." Paalam niya at madaling umalis.

"Baby. Baby, huminahon ka nga muna at maupo." Utos ni Kuya Lev sa asawa niyang galit na nakatayo sa harap namin. She's getting hysterical!

Naninigas na nga ang tiyan niya sa inis. "Aqui Marina San Isidro ano bang iniisip mo?!" She again asked for the second time. You could say that she's the mother I never had.

I rested my head lazily on my palm as I gaze at her. "Ate, Godorecci na ang apelyido ko. Hindi na San Isidro." Pagtatama ko sa kanya, binabalewala ang tanong niya.

"Hindi ka na natuto! You should've stayed away from that guy! Sinaktan ka na pero patuloy ka pa ring nagpapapaso sa apoy!" She shrieked.

"Garnet, baka manganak ka ng wala sa oras. Calm down!" Kuya Lev said, firmer this time pero hindi parin siya pinakinggan ng asawa niya.

Her sermon went on and on and on. Ngayon nga wala na siya sa harap ko pero naririnig ko pa rin ang mga paulit-ulit niyang sinasabi sa akin. Mas malupit pa nga siya kesa sa pari sa simbahan. No, mas malupit pa siya sa Santo Papa sa tindi ng sermon niya.

"Ikaw lang din ang matatalo sa binabalak mo na yan. Babae ka pa rin, mas marupok ka pa rin tandaan mo yan Rina."

Napairap ako, that's not true. I have come back stronger this time. Kaya ko ng ipaglaban ang sarili ko. Kaya ko na ang sarili ko.

I scheduled the area inspection on the 13th. I like them guessing kung aling araw ko gusto. Sinadya kong hindi sila sabihan agad para maipit ang meeting nila sa isa nilang kliyente. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanila pero alam kong umuusok na ang ulo ni Lizzie sa inis sa akin.

But you know, they have a way to get back on me. Hindi nila ako sinabihan na hindi pa pala makakapasok ang sasakyan sa lote. Akala ko kasi sasakyan ang gagamitin namin habang lumilibot doon, pero hindi. We have to inspect the area by foot. Nakaheels ako. I am even wearing a coat, dio mio!

Nakikita ko naman na naaliw si Lizzie sa paghihirap ko. Sila lang naman ni Brinx ang nagpunta, since si Alexa at yung magulang nila stuck dun sa Mr. Eugenio na yun.

"Magandang dito itayo yung stable ng kabayo Miss Q. What do you think?" Tanong sa akin ni Cerwin.

"Auto stupido, fottutamente stupido." I cursed in Italian. Lahat sila nakatingin sa akin, yung pin heel ko kasi bumabaon sa malambot na lupa. Kung bakit ba kasi umulan kagabi? Minamalas na ba ako agad?

Karma na ba ito? Ang bilis naman.

"Miss Q?" Tawag sa akin ni Karen. Narinig ko ang patagong pagtawa ni Lizzie. Bakit sila Karen ready para sa araw na ito? Bakit hindi niya ako sinabihan?

"Vai avanti, proseguire." They looked at me puzzled. "I mean, sige na. Please continue, okay lang ako." I said as I try to pull my stuck heels on the soft soil. Damn it!

Nagpatuloy sa paglalakad si Lizzie habang kinakausap ang mga engineers na kasama namin. Akala ko nga susundan siya ni Brinx pero nagpaiwan din siya.

"Bakit hindi ka kasi nag rubber shoes?" Tanong niya sa akin bago siya nag-squat sa harap ko at tinulungan akong bunutin sa pagkakabaon ang heels ko. "I texted Karen about this. Hindi ka ba niya nasabihan?"

"If she did, do you think I'll wear my stupid heels going here?" Masungit na sagot ko para pagtakpan ang kabang naramdaman ko ng hawakan niya ang paa ko.

He just smiled. "Hindi ka naman mahilig mag-heels dati. Remember how sore your feet was noong nag-heels ka para sa birthday party ni Alexa? Tatlong araw kong minasahe ang paa mo kasi naiiyak ka sa sakit." He blabbered.

My stupid heart reacted to what he said. Naalala ko yun. Hindi kasi ako makalakad ng mabuti after wearing those 4 inches heels. Then Brinx massaged my sore feet until it became better. "And you're telling me this because?" I asked, masking my anxious self with fake irritation.

Napakagat siya sa labi niya bago nag-iwas ng tingin saka namin narinig si Lizzie na tinatawag na kami. He shrugged his shoulders. "I just like remembering the times you look at me without frowning or glaring. I just like remembering my Rina." He murmured with his back turned against me. Saka siya nagpatuloy sa paglalakad. What the hell is he pointing out?! He's making my day way worse than it is already!

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon