Chapter 1

500 18 5
                                    

Barbie's POV

1 year! 1 year na magsimula ng umalis ako sa Pilipinas at ngayon ay babalik na ako. Akalain mo nga naman,nakapagmove-on na ako't lahat lahat traffic pa rin sa Edsa. Tsk! Bakit pa ba ako bumalik dito sa Pilipinas? Nakakaasar din kasi parents ko ehh,nung dito pa ako nag-aaral sa Pilipinas gustong-gusto nila akong pumunta sa America pero nung tumira na ako sa America pinabalik ba naman ako. Kakabaliw sila! Magulang ko ba talaga sila? Bakit hindi man lang sila nagmana sa akin? Aysssstt! Iba na talaga nagagawa kapag naboboring pati utak nag-iiba .

Waaaaahhh!! Nakakabaliw 'tong traffic na ito. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ehh dahil diyan sa mga problemang yan. Grrrrr!

After 12345678910 years! Nakarating din kami. Grabe talaga yang traffic na yan! Pero syempre joke lang yung 12345678910 years buwahahaha.

Pagpasok ko ng bahay nakita ko agad si Mommy,matanong nga kung nai-enroll niya na ba ako. Busy siya sa mga papeles na nasa harapan niya.

"Mom! Nai-enroll niyo na po ba ako?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. WOW ! Nice talking huh!

Umakyat na lang ako ng padabog. Minsan iniisip ko sana ako na lang yung mga papeles na hawak niya para lagi niya akong napapansin. Nakakainit sila ng ulo! Grrrrrr! Makatulog na nga lang! May jet lag pa ako ehh.

ZzzZzzzzzzzzzzZzzzzzz

.
.
.
.
.
.

*inat* *punas mata* *tingin sa orasan*

"Ang aga pa pala ehh. Kaasar! Nagugutom na ako." I hissed.

Bababa na sana ako ng marealize kong hindi pa ako nakakapagpalit ng damit na suot ko kahapon galing sa airport. Kaya nagpalit muna ako ng damit ko atsaka bumaba na ako at kumain na.

Ang boring naman. Sabagay pasukan na pala bukas kaya mawawala din 'tong pagkabored ko.

"Uyy Pangss. Andito ka na pala. Bakit umuwi ka pa? Ayan tuloy nangangamoy na namam dito sa bahay.. HAHAHAHA!" nakangising sabi ni Kuya. Sige mangbwisit ka pa mapapatay talaga kita. Kung hindi lang talaga kita kapatid ehh.
"HA-HA-HA ! NAKAKATAWA! Feeling happy?" bara ko sa kanya.
"Ito namang si Pangs di mabiro hahahaha." sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Pwede ba tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Pangs. May pangalan ako. Diyan ka na nga! Hmmmp!" sabi ko sa kanya sabay bato sa kanya ng throw pillow bago umalis.

Ohh by the way he is Kuya Luke,my evil brother. Walang ibang ginawa kundi bwesitin ako. Minsan nga iniisip ko kapatid ko ba talaga siya? Bakit ganun kasama ang ugali niya? Oo lagi niya akong inaasar pero napaka-protective niya sa akin. Kaya mahal ko yan kahit ganun siya. Makatulog na nga. May jetlag pa ako ehh. Bakit ba kasi magkaiba ang oras ng Pilipinas sa America? Haisst!

ZzzzzZzzzzZzzzzzz
.
.
.
.
.
.
.
.

*Kringgg! Kringggg! Kringggg!*

"Ano ba yan ang aga aga may tumatawag!" inis na sabi ko.

*Mommy Calling...*

Ano naman kayang kelangan nito.

Me: Hello Mom?
Mommy: Hello! Tumawag lang ako to inform you na okay na yung school papers mo and yung uniform mo nandiyan na sa closet mo pinaayos ko na. Pag may kailangan ka pa regarding your school,just call me! Okay I need to go! Bye!
Me: Good-
*toot toot toot*

Eh di wow! Binabaan ba naman ako. Tsk! Makapag-ayos na nga. Nakakawalang gana tuloy!

Ng makapag-ayos na ako ay bumaba na ako para magbreakfast na ako. Maaga pa naman para pumasok pero naalala ko na kailangan ko palang kumuha ng schedule ko sa registrar office mamaya.

Pagbaba ko nakita ko si Kuya Luke kumakain din ng breakfast.

"Good morning Pangs. Ang aga natin ahh? Kain na. Sabay na tayong pumasok." good mood siya ngayon ahh.
"Maganda na ehh nakita pa kita pumangit tuloy!" biro kong sabi sa kanya.
"Hoy Barbie! Hindi mo ako salamin para makita yung mukha mo sa akin huh!" inis na sabi niya.
"Mas panget ka nohh!!" Asar na sabi ko sa kanya. Kumain na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay sumabay na ako sa kanyang pumasok dahil parehas rin lang naman pala kami ng University na pinapasukan ehh.

Pagbaba ko ng kotse ni Kuya ay pansin kong madami ng estudyante sa eskwelahan. At pansin kong andaming nakatingin sa amin.

"Diba may girlfriend na si Luke? Sino yang girl na kasama niya?"

"Oo nga ehh! Diba halos isang taon na si Luke at Jane."

"Baka naman naghiwalay na sila!"

Ang aga-aga tsitsismosa nila. Waiiitt!! Napahawak ako sa braso ni Kuya Luke!

"What?" sabi niya na parang nagtataka.
"Kayo na ni Ate Jane? Seryoso??" gulat na tanong ko.
"Oo! Halos isang taon na rin kami. Uyy teka nga bakit ba gulat na gulat ka?" sabi niya sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya.
"Nyee! Wala lang nakakagulat lang na sinagot ka ni Ate Jane! Siguro ginayuma mo siya nohh?" birong sabi ko sa kanya.
"Tsk! Kapatid ba talaga kita?" birong sabi niya.
"Tseee!" humarap ako sa kanya.
"Nakakatampo ka Kuya! Hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ni Ate Jane." nagtatampo kong sabi sa kanya.
"Ikaw talaga! Halika nga dito!" lumapit naman ako sa kanya tapos niyakap niya ako. Yan ang gusto ko kay Kuya ehh sobrang sweet niya.
"Sorry na tampo ka naman agad. Sasabihin ko naman talaga sayo pag nandito na si Jane. Kaso inunahan ako ng mga tsismosa diyan sa tabi. Kaya ikaw wag ka ng magtampo-tampo diyan. Okay?" pagpapaliwanag niya. Kaya tumango naman ako.
"Babe?" may nagsalita kaya tinanggal ni Kuya yung pagkakayak niya sa akin.
"Babe!" sabi niya sabay layo sa akin at lumapit kay Ate Ja--
"ATE JANNNEEE!!!!" excited na sabi ko sabay lapit sa kanya at nagyakapan kami.
"Oh My G Bie!! Umuwi ka na pala! Grabe namiss kita. Akala ko naman kung sino na 'tong kayakap ni Luke dito ikaw lang pala. Muntik na akong magalit. Hahahahaha!" excited rin na sabi ni Ate Jane. Tawag niya sa akin Bie kasi diba Barbie name ko,short term lang yun.
"Grabe Ate namiss kita ng sobra." sabi ko sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit.
"Uyy tama na yan Pangs,lamog na yung girlfriend ko. Akala ko ba kukunin mo pa yung schedule mo sa registrar. Alis na chupppiii. Sinosolo mo na yung girlfriend ko ehh. Alis na dali!!" sabi sa akin ni Kuya habang tinutulak-tulak ako palayo. Tsk! Possessive si Kuya! Hahahaha. Makapunta na nga sa registrar.

Pagkadating ko sa registrar ay kinuha ko na yung schedule ko. Business Management nga pala ang course ko. Ayaw ko man ng course na ito ay wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto nila Mommy dahil pagdating ng panahon kami rin ni Kuya ang magmamanage ng business namin. Swerte ko nga at andiyan si Kuya siyempre dahil siya ang panganay at lalaki siya understood na na siya ang susunod na CEO ng company namin.

Ng makuha ko na ang schedule ko ay nagpunta na ako sa room na nakalagay sa paper slipt ko.

Ng makarating ako sa room ay medyo konti pa lang ang estudyante kaya makakapili pa ako ng upuan ko. Sa likod ako nagpasiyang maupo dun sa malapit sa bintana na ang view ay sa field. Nasa second floor kasi kami ng building kaya medyo maganda yung view.

Ng medyo tumagal pa ay dumami na ang tao sa room namin. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang class namin ng may isang grupong pumasok sa room namin na ikinabigla ko. Napako lang ang tingin ko sa kanila. Dito pala sila nag-aaral?

Iniiwas ko na lang yung tingin ko sa kanila.

Bakit ganun? Akala ko hindi na ako maapektuhan? Pero bakit nung nakita ko ulit sila masakit pa rin? Bakit nung nakita ko siya,nasasaktan pa rin ako?

Bakit?

-----------

Any idea kung sino yung SILA? At sino yung SIYA?
Bitinin muna natin para may thrill. Hahahaha

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon