Barbie's POV
Pagkauwing-pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto ko.
Nakakaasar lang talaga sila. Oo nagpunta ako sa US para magmove on pero isa lang naman yun sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta sa US. May isa pang main reason.
Nakakaasar lang talaga.
Makatulog na nga lang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Pagkagising ko gabi na. Kaya bumaba na ako para kumain.
"Hey Pangss. Kain ka na tapos uminom ka daw ng gamot mo sabi ni Mommy." sabi ni Kuya habang kumakain.
"Yeaah whatever." inis na sabi ko.Kumain lang ako ng kumain at pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at uminom ng gamot. At alam niyo kung anong side effect ng gamot na 'to sa akin? Inaantok ako kapag umiinom ako nito at nakakatulog ako. Kulang na nga lang tawaging 2N1 yung gamot ehh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Umaga na naman at ibig sabihin pasukan na naman. Pagkababang pagkababa ko nakita ko agad si Kuya kumakain ng breakfast. Mabulan sana!!
"Uyy Pangss gising ka na pala." sabi niya habang kumakain ng bacon.
"Hindi tulog pa ako tulog pa talaga ako. Ito ohh diba nakapikit pa yung mata ko!" barang sabi ko.Kumain na lang kami at pagkatapos ay umalis na rin kami.
Pagdating na pagdating namin sa school ay dumiretso na ako sa room namin. Hindi pa kasi umaalis si Kuya dun antayin niya daw si Ate Jane kaya umalis na ako kasi kapag hindi ako umalis dun mabwe-bwesit lang ako. Masira pa araw ko.
Pagdating ko sa room ay umupo na ako dun sa upuan ko kahapon kung saan katabi ko si Riva kahapon.
Nakatingin lang ako sa bintana ng biglang may tumabi sa akin. Si Riva.
"Good morning:)" nakangiting sabi niya. Pero di ko siya pinansin.
Namimiss ko na yung dating kami. Yung time na una kaming naging magkaibigan. Yung mga kalokohan namin.
*Flashback 4 Years Ago*
First day of school ko ngayon as a highschool student. Lumipat rin ako ng school kasi dito na nag-aaral ang Kuya ko.
Dahil nga first day of school at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa school na 'to dahil nga hindi naman ako dito nag-elementary medyo naliligaw pa ako.
Dapat kasi sasamahan ako ngayon ni Kuya ehh kaso pinapatawag daw sila ng coach nila. Kaya ito naglalakad ako papunta dun sa sinasabi ni Kuya na bulletin board. Dun daw sa bulletin board na yun nakasulat yung magiging section namin at nakalagay din daw dun yung room number ng magiging room ko kapag nakita ko na kung ano yung section ko.
Nung nakita ko na yung mga nagkukumpulang estudyante alam ko ng andun yung bulletin board kaya nagpunta na ako dun. Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante hanggang sa makita ko na yung section ko 1st Year-A yung section ko Rm.143.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...