Chapter 16

86 4 3
                                    

Barbie's POV

4:15 ako nagising at ngayon ay 4:57 na. Nakaayos na ang lahat ng kailangan ko.

At nandito na ako sa sala para hintayin ang magaling kong kapatid na maghahatid daw sa akin na hanggang ngayon ewan ko kung tulog pa.

"Pangss tara na?" tanong ni Kuya ng makababa siya akala mo bukas pa ako aalis.
"Kanina pa sana Kuya akala ko nga matutulog ka na buong araw eh!" iritang sabi ko na may kasamang kusilap.
"Sungit!" sabi niya habang tinutulungan akong magbuhat ng gamit ko pero biglang kumunot ang noo niya.
"Pangss dun ka na ba titira huh? Ang dami ng dala mo! HAHAHAHAHA" pang-aasar ni Kuya.
"Tseeeee! Paki mo ba!" inis na sabi ko sa kanya sabay lakad papunta sa sasakyan niya.

Hinintay ko na lang siya sa loob ng sasakyan dahil siya na ang naglalagay ng gamit dun sa trunk ng sasakyan niya. Nang makapasok siya sinuot ko na ang seatbelt ko.

"San kita ihahatid Pangss?" tanong niya habang sinusuot yung seatbelt niya.
"Kila Ryle Kuya! Alam mo naman yung bahay nila diba?" seryosong sabi ko.
"Siyempre alam ko! Bahay ng ex ng kapatid ko yun eh!" pang-aasar na naman ni Kuya na ikinakunot ng noo ko.
"Tseeee! Manahimik ka nga Kuya!" iritang sabi ko.
"Bakit totoo naman ah! Ex mo si Ryle. Haha!" asar na naman sa akin Kuya.
"Tseeee! Shut up!" madiin na sabi ko sa kanya.

Nanahimik nga si Kuya buti na lang talaga. Ewan ko ba, kapag si Kuya ang kausap ko at yan ang topic parang hindi ako komportable. Siguro dahil alam niya kung gaano ko kamahal si Ryle noon at kung gaano ako sobrang nasaktan ng dahil kay Ryle noon.

Dahil sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami kila Ryle.

"Thank you Kuya!" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Your welcome! Mag-iingat ka dun ah!" bilin sa akin ni Kuya saka ako hinalikan sa noo ko.
"Bye!" paalam niya sa akin.
"Byee!" sabi ko bago siya tuluyang umalis.

Pumasok na ako ng gate nila Ryle pagkaalis ni Kuya. At pagdating ko dun ay kompleto na sila at ako na lang ang kulang.

"Ayan na si Bie! Tara na!" excited na sabi ni Paulo.

Pagkasabi ni Paulo nun ay isa isa na silang nagsakayan sa mga sasakyan. At nagsi-alisan na sila.

Pero teka!


Ako?




Paaano ako?



Saan ako sasakay?




Kanino ako sasabay?




Nagulat ako ng may biglang kumuha ng gamit ko. Pagtingin ko ay si Ryle. At ngumiti siya.

"Sa akin ka sasabay. Tutal wala namang sasabay sa akin." nakangiti niyang sabi na lubos na nagpa-confuse sa akin. Juskoo! Bakit ba kasi ganyan siya ngumiti?

Tumango na lang ako at pumasok sa sasakyan niya. Sa harap ako naupo. Hello? Ang kapal naman ng mukha ko kung sa likod baka magmukha pa siyang driver ko.

Jusq! Ngayon pa lang nararadaman ko ng magiging tahimik yung buong biyahe namin.

Hindi pa man kami nakakalayo ay ang tahimik nga ng biyahe namin. Nakatingin lang ako sa harap hanggang sa napatingin ako sa radyo ng sasakyan niya.

"Ahm Ryle! Bubuksan ko yung radyo ah!" pagbasag ko sa katahimikan.
"Sige lang." sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon