Chapter 5

362 13 9
                                    

Barbie's POV

Bakit ko ba nasabi yun? Nakakaasar talaga!!!

"HOY PANGS!!"
"AHY PANGIT!!" sigaw na sabi ko dahil sa gulat.
"Hoy kung may pangit man dito ikaw yun! Hahahaha!" pangbwe-bwesit ni Kuya Luke.
"Alam mo ikaw umalis ka na nga lang dito! Panira ka ehh!" inis na sabi ko.
"Hmmp!  Sungit! " nakasimangot na sabi ni Kuya.
"Dun ka na lang kay Ate Jane! Wag ako ang guluhin mo." inis na sabi ko na lalo naman niyang ikinalungkot.
"Break na kami." mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko na ikinagulat ko ng sobra.
"ANO??" pasigaw na sabi ko.
"Oo hindi ko naman ginusto yung nangyari ehh!" sabi niya habang nakayuko.
"Ano bang ginawa mo?" nagtataka kong tanong.
"Meron kasi akong fan na babae birthday niya daw kaya nag-request siya ng kiss sa cheeks ehh hindi ko naman alam na hokage yung babaeng yun imbis sa cheeks ko lang siga hahalikan ehh nahalikan ko siya sa lips tapos nakita ni Jane. Yun hiniwalayan niya ako hindi naman siya nakikinig sa mga paliwanag ko ehh." pagpapaliwanag niya.
"Yun na lang yun? Hindi mo na siya susuyuin?" tanong ko sa kanya.
"Kung mahal niya talaga ako hindi niya ako agad hihiwalayan at makikinig siya sa mga paliwanag ko!" halos pagalit niyang sabi.
"Ehh kung mahal mo talaga siya hindi ka dapat pumayag sa request ng fan mo na magpahalik sa pisngi." pagpapaliwanag ko.
"Bahala ka na nga diyan! " inis na sabi niya.

Tignan mo yun nagsasabi lang naman ako ng opinion ko ehh. Tsk! Kahit kelan talaga walang nagtatagal sa kanya. Kailan kaya siya makakahanap ng tunay na magmamahal sa kanya? Yung mapagpapabago siya at maiintindihan siya. Sana maagang dumating yung babaeng yun para magtino na rin si Kuya at maging mabait na siya. Nakakairita na kasi si Kuya ehh lagi ba naman akong tinatawag na PANGSS na ang ibig sabihin ay Pangit. Ehh ang ganda ganda ko naman . Pero secret lang natin yun ahh.

Makatulog na nga may pasok pa bukas!

ZzzzzzZzzzZzZzzzzz.....


Maaga akong nagising kaya maaga akong nakarating sa school.

Pagkapasok ko ng room ay nagsisi ako na maaga akong nagising at pumasok dahil andito na sila Riva. And take note! Kompleto sila! Wow naman di sila nag-inform na may reunion pala para naman nagprepare ako.

"Good morning Bie!" bati nila Loisa,Riva,Maris,Nikki,Sammie.

Hindi ko sila pinansin at dire-diretso akong naglakad papunta sa inuupuan ko.

Hindi ba sila napapagod na ini-snob ko sila araw-araw? Kailan ba sila mapapagod? Kasi ako pagod na pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na akong magkunwari sa harap nila. Pagod na pagod na ako!

Napapapikit na lang ako dahil may naalala ako bigla.

*Flashback*

"Bie okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Riva.
"Pagod na pagod na akong maging mabuting anak sa kanila. Lagi na lang si Kuya ang tama! Ako palagi ang mali! Nakakapagod na!" umiiyak na sabi ko.
"Pagod ka na? Eh di magpahinga ka! Wag mong hahayaang ma-stack yang sarili mo diyan sa pagkapagod mo. Dahil kapag hinayaan mo baka lalo kang bumigay." pagpapaliwanag ni Loisa.
"What do you mean?" nagtataka kong tanong.
"Diba sabi mo pagod ka na? Hahayaan mo na lang ba na mapagod ka ng sobra bago ka magpahinga? You know what tara labas tayo! Mag-mall tayo! Daliii" yaya ni Loisa.
"Ito ba yung sinasabi niyong magpahinga?" nagtatakang tanong ko.
"Oo! Sa ngayon,wag mo munang isipin ang Mommy mo at ang Kuya mo! Pagpahingain mo muna yang isip mo sa lahat ng bagay na nagbibigay sagabal sa'yo!" hyper na sabi ni Maris.
"Tama!" sigaw na sabi ni Sammie.
"Guys tara mall tayo!" yaya ni Nikki kila Ryle na nasa gilid na sobrang busy sa pagtugtog at pagkanta. Akala mo nasa concert.
"GAME!!" sigaw na sabi nilang lahat.

Nagpunta kami agad sa mall at nagpunta kami sa MCDO para kumain. Ito kasi ang official tambayan namin pag nagpupunta kaming mall ehh. Buti nga at hindi kami pinipigilan  mag-ingay ehh at hindi kami pinapagalitan ng manager.


"Alam niyo,buti hindi naiirita itong MCDO branch na 'to sa atin. Lagi na lang tayong nandito at sobrang ingay pa natin. Wala ba kayong balak na lumipat sa ibang branch?" tanong ni Mccoy.
"Loyal kasi kami Mccoy. Hindi kagaya mo!" pabirong sabi ni Maris.
"Uyy loyal ako nohh! Gusto mo patunayan ko pa ehh basta maging tayo lang ohh. Papatunayan ko sayong loyal ako."  sabi ni Mccoy habang tinataas baba niya ang kilay niya.
"Alam mo Mccoy gutom lang yan! Kumain ka na lang! Kain ka ng marami huh. Atsaka try mo ring magkape para kilabutan ka rin minsan sa mga pinagsasabi mo." pabirong sabi ni Maris.
"Hahahahahaha!" tawa naming lahat.
"Grabe kayo sa akin." sabi ni Mccoy habang nagkukunwaring umiiyak habang sumusubo ng fries.


Tawanan lang kami ng tawanan. Kahit man lang dito makalimutan ko yung mga problema ko. Salamat talaga dito sa mga kaibigan kong 'to.

*End of Flashback*

Napapunas ako agad ng mukha ko dahil may tumulong luha mula sa mga mata ko.

Noon kapag napapagod ako laging nandiyan yung mga kaibigan ko para tulungan akong magpahinga. Pero ngayon,sila mismo yung dahilan kung bakit ako ganito.

Noon lagi silang gumagawa ng paraan para maging okay ang lahat. Pero ngayon sila ang dahilan kung bakit hindi okay ang lahat.


Noon isang sabi ko lang ng problema ko sa kanila matutulungan na nila ako agad. Pero ngayon sila mismo ang problema ko.


Noon kapag malungkot ako gagawa sila ng paraan para maging masaya ako. Pero ngayon sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon malungkot pa rin ako.


Sana hindi na lang natapos lahat ng NOON!

Sana hindi na lang nangyayari lahat ng NGAYON!

Gusto kong makawala sa nakaraan na puro masasayang ala-ala ang naiwan na mula sa kasinungalingan. Gusto kong mabuhay sa kasalukuyan ng puro saya lang pero patuloy na hinahadlangan ng nakaraan.


Gusto kong magpahinga sa lahat ng nangyayari ngayon. Pero hindi ko alam kung paano.


Gusto kong maging masaya ulit pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng ito?

Bakit kailangang umabot ang lahat ng ito sa ganito?

Bakit?




———————

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon