Chapter 8

316 17 14
                                    

Maris's POV

"Bakit mo naman kinausap si Barbie ng ganun?" inis na sigaw ni Loisa kay Ryle.

Andito kami sa tambayan namin.

"Lagi kasi kayong nagrereklamo. Tapos ngayong kinausap ko siya magagalit kayo? Ang gugulo niyo rin ehh." halatang nagpipigil sa galit si Ryle.
"Pero dahil sa ginawa mo mas lalong magagalit sa amin si Bie,sa atin." si Sammie naman na ngayon yung sumisigaw.
"Bigla bigla ka kasing nagsalita. Nawala na yung chance na maging kaibigan ulit namin siya,natin siya. Back to zero na naman tayo." sigaw naman ni Riva.
"Wala na! Galit na naman siya sa atin." si Nikki naman ngayon ang sumigaw.
"Sigaw ka na rin magsigawan na lang dito." inis na sabi ni Mccoy habang tinuturo ako. Pero hindi ko siya pinansin.
"Hayaan na natin siya." mahinang sabi ko.
"Hayaan? Nababaliw ka na ba?" sigaw ni Riva.
"Di ba yun naman yung gusto niya? Tigilan natin siya. Hayaan na natin siya." pagpapaliwanag ko.
"Paano niya tayo mapapatawad kung titigilan natin siya?"  sigaw na sabi ni Loisa.
"Ang tanong,gusto niya ba tayong mapatawad?" tanong ko ulit. Kaya napatahimik sila.
"Hayaan muna natin siya. Tigilan muna natin siya. Napapagod na rin kasi ako." mahinang sabi ko.
"Napapagod? Alam mong may kasalanan tayo sa kanya. At kung tutuusin ikaw dapat ang sisihin dahil ideya mo ang lahat ng iyon. Ikaw!" sigaw ni Mccoy. May biglang tumulong luha mula sa mga mata ko.
"Yun na nga ehh napapagod na ako. Na laging ako na lang ang sinisisi niyo. Kapag pinag-uusapan natin siya lagi lang akong tahimik kasi alam ko kapag nagsalita ako masisisi niyo na naman ako. Sawang sawa na akong makarinig ng mga pangsisisi niyo sa akin. Feeling ko ang sama-sama kong tao." sabi ko habang umiiyak sabay takbo palabas ng tambayan.

Umiyak lang ako ng umiyak. Lagi nila akong sinisisi. Lagi na lang ako. Tumakbo ako papuntang rooftop may nakasalubong ako pero hindi ko pinansin.

Dire-diretso akong pumasok sa rooftop at umupo ako sa sahig. At dun ako umiyak ng umiyak.

Ang sakit! Hindi ko naman talaga intensiyon yun eh. Atsaka isa pa ginusto din naman nila yun eh pero bakit ako na lang lagi nilang sinisisi.

"Maris?" tumingala ako. At tama nga ako si Barbie.

Barbie's POV

Kanina pa ako dito sa rooftop. Medyo nahimasmasan na ako.

Nagpasiya akong mag-stay na muna dito sa rooftop ng biglang may pumasok. Si Maris. Umiiyak siya. Hindi niya ata napansing andito ako.

Umupo siya sa sahig at iyak lang siya ng iyak. Hanggang sa nagpasiya akong lapitan siya.

"Maris?" tawag ko sa kanya. Tumingala siya at halatang nagulat siya.
"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" tanong ko ulit. Umupo ako sa tabi niya.
"Dahil sayo." mahinang sabi niya.
"Dahil sa akin?" nagtatakang tanong ko. Ano na namang ginawa ko?
"Lahat sila sinisisi nila ako. Lahat sila. Feeling ko ang sama sama kong tao." umiiyak pa rin siya.
"Ano? Hindi ko maintindihan?" tanong ko ulit.
"Yung ginawa namin sa'yo Bie sa akin galing ang plano na yun. Kaya sinisisi nila ako. Ang sakit! Alam mo ba yun? Akala mo ako lang ang may kasalanan. Pero hindi naman matutuloy yun kung hindi sila pumayag ehh. Pero bakit ngayon ako lang ang sinisisi nila." nagulat ako sa mga sinabi niya.

Dapat ngayon nagagalit ako sa kanya pero bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Imbis magalit ako sa kanya niyakap ko pa siya na halatang ikinagulat niya.

"Bie? Hindi ka galit? Dapat sa akin ka lalo magalit kasi ako naman..."
"Shhh. Okay lang Maris. Okay lang." hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Sorry Barbie! Sorry! Sorry na talaga." hinila ko siya patayo at niyakap ko siya.
"Okay lang Maris. Okay na." pagpapatahan ko sa kanya.

Umupo kami ulit at nag-usap. Dapat magalit ako sa kanya. Pero bakit hindi ko magawa? Ganun na ba ako kabait para mapatawad ko siya agad?

Nung nakita ko siyang umiiyak ng ganun nasaktan ako. Nakita kong sobra siyang nagsisisi.

"Bie? Bakit ang bait mo?" tanong niya habang nakangiti.
"Ewan ko rin ehh." dahil sa sinabi ko napatawa kaming dalawa.

Biglang may pumasok sa rooftop lahat sila andito kaya napatigil ako sa pagtawa. Sinundan ni Maris yung tingin ko kung saan ako nakatingin at halatang nagulat din siya.

Tumayo na ako kaya tumayo na rin si Maris. Nakatingin pa rin sila sa amin.

"Alis na ako Maris." pagpapaalam ko.
"Hindi mo pa rin sila kakausapin?" tanong niya.
"Hindi pa ako handa." yun na lang nasabi ko sabay yakap sa kanya at alis.

Bago pa ako maka-alis tumingin ulit ako kay Maris.

"Maris! " tumingin siya dahil tinawag ko siya. Hindi naman masyadong malayo yung pwesto namin sa pintuan ehh. At ibig sabihin nasa gilid ko lang sila Riva.
"Salamat!" sigaw ko habang nakangiti. Ngayon totoong ngiti na yung pinakita ko.
"Salamat din Bie. Wag kang mag-alala tutulungan kita!" nakangiti niyang sabi sabay wave ng kamay kaya nag-wave na rin ako at umalis.

Maris's POV

Hindi ko inaasahang pupunta sila dito. Nagsi-upuan sila sa harap ko.

"Sobrang bait niya.!" yun lang nasabi ko sabay pikit dahil may tumulong luha mula sa mga mata ko.
"Sorry Maris. Hindi ko sinasadya yung kanina." nakasimangot na sabi ni Mccoy.
"Okay lang. Totoo naman ehh." yun na lang ang nasabi ko. Tahimik lang silang lahat.

*Tahimik*

*Tahimik*

*Tahimik*

*Tahimik*

Ang tahimik talaga kaya naglakas loob akong nagsalita.

"Napakabait niya. Sobra!" nakangiting sabi ko.
"Nakita namin." mahinang sabi ni Riva.
"Mapapatawad niya rin kayo. Hindi lang daw siya handa." sabi ko sa kanila para gumaan naman ng konti yung sama ng loob na nararamdaman nila.

Nagsitayuan sila kaya tumayo na rin ako. Nagsi-uwian na kami. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at humiga na sa kama ko.

Sobrang bait ni Bie. Hindi ko akalaing mapapatawad niya ako agad. Hindi na ako makapaghintay na mapatawad niya silang lahat.

Si Barbie yung taong sobrang bait. Pero siya rin yung taong kapag nasaktan ng sobra. Sobra ding nagdadamdam at nahihirapan.

Sobrang bait niya at sobrang thankful ako na siya ang naging kaibigan ko. Sobrang sayo ko at napatawad na niya ako. Hindi na ako makapaghintay na maging maayos na kaming lahat.

Sana.

—––———————

A/N: Yung mga susunod na Chapter ay mga Flashback.

#EHCTheRevelation       XD😂😂

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon