Chapter 15

141 7 10
                                    

Jessica's POV

Matapos ang dinner kila Tita Bing ay umuwi na rin ako. Ang dami pa ngang tanong ni Bie kung bakit kami magkasama ng Kuya niya ehh.


Hayst! Hindi pa rin ako makapaniwalang may sakit si Bie. Parang ang hirap tanggapin.

Alam kong malakas siya.Hindi niya kami iiwan.

Barbie's POV

OTW na ako papuntang school. Kay Kuya ako sumabay ngayon. Kagabi ko pa siya kinukulit kung bakit sila magkasama ni Ate Jessica kaso ayaw niyang magsalita. Si Ate Jessica na nga lang ang tatanungin ko.

"Maiba tayo Pangs, kamusta ka na?" seryosong tanong niya. Alam ko kung ano yung tinatanong niya.
"I am great Kuya. Wala kayong dapat ipag-alala." nakangiting sabi ko.
"If that's what you say so." nakangiting sabi ni Kuya.

Alam kong nag-aalala sila ni Mommy para sa akin pero okay lang naman talaga ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanila.

Nang makarating kami ng school ay nagpunta agad ako sa classroom namin. Ihahatid pa sana ako ni Kuya pero sabi ko wag na kaya ko naman na.

Pagdating ko ng room ay nakita ko agad sila Maris nag-uusap usap.

"Hey guys!" masiglang bati ko sa kanila.
"Hey Bie!" bati nilang lahat sa akin except Jimboy.
"Okay ka lang Jimboy?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi yan okay. Paano bumagsak sa exam sa isang field sa MAPEH!" sagot ni Riva.
"Eh di mag-exam ka ulit. Problema ba yun?" nakangiting sabi ko.
"Pinapatawag kasi ni Sir Jolo sila Mommy at Daddy. Saka lang daw ako makakapag-exam kapag pumunta na sila dito. Natatakot ako." seryosong sabi ni Jimboy.
"Natatakot ka kasi baka pagalitan ka nila? Eh talagang pagagalitan ka nila. Mamili ka, sasabihin mo sa kanila para makapunta na sila dito at maka-exam ka uli o ipapakita mo yung card mo na may redmarks?" seryosong tanong ko.
"Ang hirap namang mamili Bie." kamot-ulong sabi ni Jimboy.
"Talagang mahirap. Dapat inisip mo rin yun bago mo ibinagsak yung exam mong yun sa subject na yun. Alam kong ayaw mo sa subject na yun at the same time ng teacher pero sana inisip mo yung magiging consequence. Choice mong ibagsak yun kaya nung time na binagsak mo yung exam mo choice mo rin na tanggapin yung consequence." seryosong sabi ko sa kanya.
"Tama si Bie." sang-ayon ni Loisa habang ang iba ay nagsitanguhan.
"Haisst! Bakit ba ang galing mong mangonsensiya Bie?" sabi ni Jimboy sabay tayo at dampot ng kaniyang cellphone.

Napangiti na lang ako habang nakatingin kay Jimboy na may kausap sa phone niya na sa palagay ko ay parents niya ang kausap niya.

Nagtsitsismisan lang ang ibang mga kaklase namin dahil wala pa yung teacher namin. Kaya kahit kaming magkakaibigan ay nagkwekwentuhan.

Oo nagkwekwentuhan kami! Iba ang kwentuhan sa tsismisan. Kaming magkakaibigan ay nagkwekwentuhan dahil may sense yung pinag-uusapan namin yung mga kaklase namin nagtsitsismisan!

Paano ko nasabi? Eh naririnig ko mga pinagtsitsismisan nila.

'Alam mo ba buntis daw si Fe yung estudyante sa kabilang section'
'Talaga? So totoo pala talaga yung mga naririnig ko!'

See? Nagtsitsismisan sila.

"Guys malapit na ang sem-break! Anong plano natin? Outing tayo!" napatingin ako kay Riva na halatang excited na excited na.

Oo nga sem-break na. Imposibleng makasama ako sa outing na binabalak nila. Knowing my mom, hindi ako papayagan nun.

"Game ako diyan! Boring sa bahay eh!" boring na sabi ni Paulo.
"Game din ako diyan." sabi ni Maris habang kumikinang yung mata niya.
"Eh di game na tayong lahat diyan!" sigaw na sabi ni Mccoy kaya nagsi-oo na silang lahat except me.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon