Chapter 17

78 5 2
                                    

Ryle's POV

We are on our way papuntang Batangas. I'm happy. Nah I'm very happy. Seating beside me is the girl i've loved few years ago and i'm still loving up until now.

Akala ko hindi ko siya minahal pero nung time na itigil ko na yung kalokohan namin dun ko lang narealized na minahal ko pala talaga siya kaya ko hiniwalayan si Taki agad agad dahil ayaw kong maging unfair sa kanya at balak ko after kong hiwalayan si Taki ay ang ayusin yung sa amin ni Bie pero huli na. Wala na. Umalis na siya.

Pero ngayong nandito na siya ulit hinding hindi ko na hahayaang umalis pa ulit siya. Hindi ko na hahayaang mawala pa ulit siya sa amin.

Dahil sa sobrang haba ng biyahe namin ay nakatulog si Bie. Binagalan ko ang takbo ko at pasimple ko siyang tinignan. Ang ganda pa rin niya. Walang pinagbago. Siya pa rin yung Barbie na nakilala ko noon.

Siya pa rin yung Barbie na minahal ko noon at patuloy kung minamahal ngayon.

Barbie's POV

Napamulat ako ng may biglang tumapik sa akin. Nakatulog pala ako.

Tumingin ako sa gilid kung saan nandun yung tumapik sa akin. Si Ryle pala.

"We're here!" masiglang sabi niya. Kaya bumaba na ako at tumingin sa paligid. Andito na nga kami.

Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito maganda pa rin gaya nung huling punta namin dito 3 years ago. Kinuha na namin ang mga gamit namin at pumasok sa resthouse dahil malamang sa malamang ay nandun na silang lahat. Excited silang lahat eh.

Pagpasok namin sa loob ay nandun nga ang mga mokong at nagsisikuha ng mga litrato. Mga energetic pa rin ang mga loko.

"Guys groufiee!" excited na sabi ni Riva. Kaya pumwesto na kami.

Magkatabi pa rin kami ni Ryle nagulat ako ng bigla niya akong akbayan kaya napatingin ako sa kanya pero sa camera siya nakatingin kaya tumingin na rin ako sa camera at ngumiti. Naka-ilang shots din kami pero mas maraming wacky at puro kalokohan ang post ng mga boys except yung nakaakbay sa akin. At hanggang ngayon na tapos na ang selfie ay nakaakbay pa rin sa akin.

"Ayan na-post na!" sigaw na sabi ni Riva. Hay naku hindi talaga mabubuhay na walang social media.

Kwentuhan lang ng kwentuhan ang iba habang ang iba naman ay inaayos na ang mga gamit sa mga kwarto nila. Habang itong katabi ko ay nakaakbay pa rin habang nakikipagtawanan kila Mccoy at Jimboy. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Hatid na kita sa room mo." seryosong sabi niya at tinanggal na ang pagkakaakbay sa akin dahil binuhat na niya ang mga gamit ko kasama na rin ng gamit niya.

Sumunod lang ako sa kanya. At ng tumigil siya sa tapat ng isang kwarto ay dali dali kong binuksan ang pinto dahil marami siyang dala. Pagkapasok namin ay agad niyang binaba ang mga gamit ko sa kamang gagamitin ko.

"Salamat Ryle." nakangiting sabi ko.
"No worries Bie magaan naman." nakangiti rin niyang sabi.
"Not only about carrying my things but for everything you did to me for this day. Thank you Ryle." seryosong sabi ko.
"You are welcome Bie. Sige na ayusin mo na yang mga gamit mo at pagkatapos mo ay katukin mo na lang ako diyan lang sa harap yung room ko. Aayusin ko rin yung mga gamit ko." nakangiting sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Nakangiti ako habang tinitignan siyang naglalakad palabas ng room ko. Ganitong-ganito yung Ryle na minahal ko.

Inayos ko na ang gamit ko dahil excited na rin akong mamasyal dito sa Batangas. I'm glad nakabalik ako dito.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon