Chapter 13

213 9 31
                                    

Barbie's POV

Hinabol ko si Ate Jessica hanggang sa nasa rooftop na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Ate Jessica." mahinang sabi ko. Unti-unti niyang tinaas yung ulo niya para makita ako.
"Why are you here Barbie? Dapat hindi mo na ako sinundan." diretsong sabi niya.
"Ate Jess nandito ako dahil ayaw kong nakikitang nagkakaganyan ka." sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya. Tumawa siya ng mapakla.
"Sino ba talagang kapatid mo sa aming dalawa Barbie? Hahaha bakit ako kinakampihan mo? " diretsong sabi niya.
"Ate nasasaktan ka na di ba? Bakit di ka pa bumibitaw?" naaawang tanong ko.
"Nagbago na ata ihip ng hangin Barbie ahh? Parang dati lang pinipilit mo akong lumaban pero ngayon sinasabi mo namang bumitaw na ako." hindi na siya umiiyak pero halatang nasasaktan siya ng sobra.
"Just answer me Ate Jessica." ma-awtoridad kong sabi.
"Kasi mahal ko pa rin siya. Pero siya parang hindi na niya ako mahal." malungkot na sabi niya.

Hindi ko na siya muling tinanong pa. Nasasaktan na siya. Ayaw kong makitang nasasaktan siya. I hate it.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang namalagi sa amin ng biglang tumawag sa akin si Kuya.

"Hello" -
"Tara na Barbie uwi na tayo. Hinahanap kita kanina at ipapakilala sana kita ng personal kay Karen eh bigla ka naman daw umalis sabi ng mga kaibigan mo" - Kuya
"Mamaya na ako uuwi Kuya susunod na ako. Mauna ka na." -
"Sige." -Kuya

Pagkapatay ng tawag ay agad konv tinignan si Ate Jessica.

"Umuwi ka na Bie kaya ko na ito. Sige na." mahina niyang sabi.
"Hindi ako aalis dito Ate. Hindi kita iiwan." nakangiting sabi ko.

Kapag tinitignan mo si Ate Jessica parang wala lang sa kanya yung nangyare. Parang back to normal agad. Pero kung kilala mo talaga siya ng buong-buo makikita mong may mali. Makikita mong nasasaktan talaga siya. Pero ayaw niyang may makaalam nun. 

"Ate Jess? Okay ka na ba?" nakangiting tanong ko.
Ngumiti siya. Yung ngiting malungkot.
"Okay na ako. Baka pagalitan ka pa ng Kuya mo Bie. Halika na ihatid na kita." yaya niya sa akin sabay tayo. Sumunod na ako sa kanya.

Dumiretso kami sa sasakyan niya. Ilang taon na rin simula ng huling sakay ko dito.

Habang nagda-drive siya ay di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Ang ganda niya pero nagpapakatanga siya sa Kuya ko. Hindi niya deserve.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil kaya napatingin ako sa labas. Nandito na pala kami sa bahay namin. Lumabas na siya kaya lumabas na rin ako.

"Thank you ate." nakangiting sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Your welcome Bie!" nakangiting sabi niya at bumalik na sa sasakyan niya. Hinintay kong umalis muna siya bago ako pumasok.

"Bakit sumabay ka sa kanya!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Kuya. Halatang galit siya.
"N-naki s-sakay l-lang n-naman a-ako." utal-utal na sabi ko.
"Kahit nakisakay. Kahit nakisabay. Ayaw kong nakikipag-usap ka kay Jessica Bie ahh!" galit na sigaw niya.
"Ano bang problema mo Kuya? Si Ate Jessica yun mabuti siyang tao." sagot ko sa kanya.
"Pag-aawayan ba natin ito Bie?" bantang sabi ni Kuya.
"Ikaw ang gumagawa ng away Kuya! " iritang sabi ko.
"Basta ayaw kong nakikitang nakikipag-usap sa kanya!" sigaw niya ulit.
"A-Y-A-W K-O!" sigaw kong sabi.
"Kapag sinabi ko! Sinabi ko!" sigaw na sabi niya.
"Eh ikaw ang sumunod diyan sa mga sinabi mo tutal gusto mo naman!" nagulat ako ng umamba siyang sasampalin ako.
"Sige sampalin mo ako Kuya." mahinang sabi ko.
"Wag mong hintaying gawin ko Bie! Wag mong hintayin." inis na sabi niya sabay alis.

Napaiyak na lang ako. Hindi ko inexpect na magagawa niyang ambangan ako ng sampal.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at dun na ako umiyak nang umiyak.

"I hate you Kuya! I hate you!" paulit-ulit kong sabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala.


Kinaumagahan ay maaga akong nagising para hindi ko makasabay si Kuya. Tinawagan ko si Ate Jessica at sa kanya ako sasabay. Pagkatapos kong kumain ay palabas na ako ng bumaba si Kuya ng hagdanan at napatingin sa bintana. Nakita niya ang sasakyan ni Ate Jessica. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong lumabas at sumakay ng sasakyan ni Ate Jessica.

"Good morning Ate!" masiglang bati ko sa kanya.
"Good morning Bie!" nakangiting sabi niya. Mas okay na siya ngayon kumpara kahapon.


Medyo hindi naging maganda ang buong maghapon ko dahil sa nangyari sa amin ni Kuya. Palabas na ako ng room para umuwi balak ko na namang sumabay kay Ate Jessica.


Nagulat ako ng may biglang humila sa akin. Pagtingin ko ay si Kuya pala. Hinila niya lang ako dire-diretso papunta sa sasakyan niya.

"Sa akin ka sasabay sa ayaw at gusto mo!" sigaw niya.
"Ayaw ko ngang sumabay sayo diba? " inis na sabi ko sabay talikod sa kanya pero hinila niya ang kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit.
"Ano ba Kuya nasasaktan ako." mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Nasasaktan siya Luke." nagulat ako ng may biglang nagsalita at kung hindi ako nagkakamali ay si ate Jessica ito.
"Ano bang pake mo? Ang hilig mong makialam ehh!" inis na sigaw ni Kuya.
"Pero nasasaktan mo na si Bie! Umayos ka nga!" sumisigaw na rin si Ate Jessica.
Tinulak ako ni Kuya Luke. "Eh di sige sayo na! Kayo na lang kaya ang magkapatid! Magsama kayong dalawa!" bulyaw ni Kuya sa amin.

Pinanuod naming nag-martsa si Kuya papasok ng kotse niya at pinanood na umalis ang kotse niya.

Ano bang nangyayari kay Kuya? Bakit ganun siya? Wala naman akong maling ginagawa ehh! Ano bang mali sa pagsama ko kay Ate Jessica? Magkaibigan kami kaya normal lang yun! Pero bakit ganun makareact si Kuya? Unless......



Kung may gusto pa siya kay Ate Jessica! Oo! Tama! Gusto pa nga ba? O mahal pa?

Humanda ka Kuya! Hmmm. Paano kaya kayo magkakabalikan ni Ate Jessica? Humanda ka talaga Kuya!

Bakit mo ba kasi pinipigilan yang sarili mo Kuya? Halata namang mahal mo pa siya!

——————————

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon