Chapter 4

383 17 2
                                    

Barbie's POV

Ilang linggo na ang lumipas magsimula nung unang araw ng eskwela. At ilang linggo na ring ganun ang routine ko kapag pumapasok ako. Lagi din akong binabati nila Riva na lagi ko rin namang hindi pinapansin.

Papunta na ako sa room namin ng mapansin kong naglalabasan ang mga kaklase ko. At dahil chismosa ako nagtanong ako.

"San kayo pupunta?"  naguguluhang tanong ko.
"Sa gym! May laro daw ngayon ehh! Kaya walang pasok manuod na lang daw tayo!"  pasigaw na sabi ng kaklase ko at umalis na siya.

Hindi naman ako interesado sa mga ganyan ehh. Makapunta na nga lang sa room.

Pagkapasok ko ng room akala ko wala na akong mga kaklaseng nandun. Nagkamali pala ako. Andun sila Riva,Loisa,Maris,Sammie at Nikki. Himala wala yung mga lalaki.

Nginitian nila akong lahat pero dedma ko lang.

"Hindi ka ba manunuod  ng game?"  nakangiting tanong ni Nikki.
"Manunuod ako kaya nga ako nandito diba? Kasi manunuod ako!" barang sabi ko.
"Sabi ko nga!" mahinang sabi ni Nikki.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanila.

Akala ko noon madaling magpatawad hindi pala.

Wala pang limang minuto ng biglang may bumalik na mga kaklase namin.

"Sabi ni Ma'am dapat lahat daw manuod ng game. Yun daw ang magseserve as attendance natin. Kapag hindi daw manunuod absent daw!!" pasigaw na sabi ng kaklase namin.

Dahil sa ayaw ko namang ma-absent at mabait akong estudyante ay nagpunta akong gym para manuod ng game kahit ayaw ko naman. Sumunod naman sila Loisa.

Pagdating ko sa gym masyadong maraming estudyanteng nanunuod. Ganun na ba kasikat mga maglalaro ngayon? Wala pang naglalaro pero ang dami ng naghihiyawan.

Dahil sa sobrang daming estudyanteng nanunuod ay wala na ako halos mapwestuhan kaya sumiksik ako papunta sa harap. Bago pa ako makapunta sa harap ay may humila sa akin. Pagtingin ko nakita ko sila Riva hinihila ako papunta dun sa pinakaharap na mga upuan na nasa tabi ng mga upuan ng mga players. Pero wala pa yung mga players.

Sino ba talagang mga maglalaro?

"Bakit ba kayo basta hila ng hila huh?" iritang sabi ko.
"Bakit pag pumunta ka  ba dun may mauupuan ka? Di ba wala?" naka-taas kilay na sabi ni Maris.
"Kaya nga! Wag ka na lang magreklamo. Isang thank you lang okay na." sabi naman ni Sammie.

Hindi ko na lang sila pinansin. Baka lalo lang akong mainis. Nakakairita sila.

Ilang minuto pa ang lumipas lalong umingay sa gym dahil mag-uumpisa na daw ang game.

Isa-isang naglabasan ang mga maglalaro. Kaya lalong kumunot ang noo ko. Sila lang pala ang maglalaro nag-aksaya pa ako ng oras. Hindi naman pala maganda itong papanoorin ehh. Mag-aaksaya lang ako ng oras dito.

Papatayo na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko kung sino si Maris lang pala.

"Bakit?" iritang sabi ko.
"San ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Eh di lalabas. Aalis ako dito. Hindi ba obvious?" pabarang sabi ko.
"Sa tingin mo makakalabas ka ng gym. Tingnan mo nga ohh." sabi ni Loisa sabay nguso sa entrance at exit door ng gym. Andaming tao!!

Naupo na lang ulit ako. Nakakaasar!! Wala na bang mas papangit pa sa araw na ito? Kotang-kota na ako ehh!!

Nag-umpisa na ang game at ang daming nagtitilian. Mapaos sana kayong lahat. Mga letse kayo!! Ang sakit sa tenga ng mga sigaw niyo. Nanunuod ba kayo o nagtitinda?

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon