Chapter 2

370 13 2
                                    

Riva's POV

Hi I'm Riva Quenery,16.

Pagpasok na pagpasok namin sa room namin ay nashocked ako. Andito si Barbie,anong ginagawa niya dito?

Ng makapasok na kami ng room ay naghanap na kami ng upuan pero wala ng maupuan maliban na lang dun sa mga upuan na nasa side ni Barbie.

"Sigurado kayong doon tayo mauupo?" nag-aalangang tanong ko.
"Malamang san niyo gusto maupo sa sahig. Tsss!" maangas na sabi ni Ryle sabay lakad papunta dun sa upuang vacant sa tabi ni Bie pero mga limang upuan yung pagitan nila ni Barbie.

Sumunod na lang kami at naupo ako sa tabi ni Barbie. Alam ko galit siya sa amin lalo na sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit siya sa amin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na yung prof namin. Puro introduction lang ang naganap hanggang si Barbie na ang nagpakilala. Tumayo lang siya.

"Barbie Imperial,16." maikling sabi niya.

Pagkatapos ng introduction ay nagsulat lang yung Prof namin ng mga guidelines na dapat naming sundin sa subject niya. Habang nagsusulat yung prof namin ay may tumawag sa phone niya kaya sinagot niya muna yun.

After how many years natapos na ring kausapin ng Prof namin yung tumawag sa kanya.

"Okay class dismissed. May emergency meeting kasi ang lahat ng teachers today. Okay class I have to go." pagkatapos mag-announce ng Prof namin ay naghiyawan ang mga kaklase namin. Ano sila highschool? Tsk!

Hindi pa kami lumalabas kahit si Bie hindi pa rin lumalabas. Biglang may tumawag sa kanya.

"Oh bakit?" -Barbie
"Oh tapos?" -Barbie
"Tss! Eh di wow!" -Barbie
"Oo na!! Bahala ka sa buhay mo!" -Barbie
"Letche ka! Wag mo na akong tatawagan! Oo na nga di ba? Kainit ka ng ulo!" -Barbie

Sino kayang kausap nito? Bakit ko ba iniisip kung sinong kausap niya?

Barbie's POV

Pagkalabas ng Prof namin ay may tumawag sa akin. Pagkatingin ko kung sino,si Kuya Luke. Letchugas to ahhh.

Me: "Oh bakit?"
Kuya Luke: "Di ba Pangss walang pasok ngayon?"
Me: "Oh tapos?"
Kuya Luke: "Hindi pa ako uuwi kasi may pupuntahan pa kami ni Jane. Mag-commute ka na lang ahh.."
Me: "Tss! Eh di wow!"
Kuya Luke: "Sorry talaga Pangss ahh. May pupuntahan pa talaga kami ehh. Bawi na lang ako sa'yo. Promise!!"
Me: "Oo na!! Bahala ka sa buhay mo!"
Kuya Luke: "Sigurado ka talaga Pangss? Baka ayaw mo lalo kang papangit niyan! Hahahaha."
Me: "Letche ka! Wag mo na akong tatawagan! Oo na nga di ba? Kainit ka ng ulo!"

Pagkapatay na pagkapatay ko ng tawag ay tumayo na ako at nagpunta akong rooftop.

Nakakamiss din pala dito sa Pilipinas. Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko at sa damdamin ko yung sakit na naramdaman ko noon. Isang taon akong nagstay sa US akala ko nakapag-move on na ako pero bakit parang hindi pa naman. Bakit nung nakita ko ulit sila bumalik lahat nung sakit na akala ko wala na?

Habang nakatayo ako at nakatingin sa view sa baba biglang bumukas yung pinto na dinaanan ko kanina bago ako maka-akyat dito sa rooftop. Tinignan ko kung sino si Riva pala. My old bestfriend and my enemy. Akalain mo nga naman magkikita pa pala kami.

Palabas na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Barbie?" mahinang tawag niya sa akin.
"Bakit?" mataray na tanong ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin.
"Nag-uusap na tayo diba? Ano sa tingin mo ang ginagawa natin? Kumakanta?" pabarang sabi ko sa kanya.
"Yung maayos na pag-uusap Bie. That is what I mean." mahinang sabi niya ulit.

Naglakad na lang ako ulit pabalik dun sa parang bench na nakalagay dito sa rooftop para may maupuan. Umupo naman na ako at umupo rin siya.

"Kamusta ka na Bie?" mahinang tanong niya.
"Makikipagplastikan pa ba ako sa'yo Riva? Ano sa tingin mong isasagot ko sa tanong mo? Na okay lang ako. Come on Riva,alam mo naman kung ano yung ginawa niyo sa akin diba? Nasaktan ako ng sobra! Pinaglaruan niyo ako knowing the fact that you are my bestfriend. Now tell me what do you expect from me that i will tell you right now,that I'm okay? That I'm feeling great? Tsk! Ibang klase din pala kayo nohh?" inis na sabi ko sa kanya.
"Bie sorry! Bie it is not my intention to hurt you it is just mas nauna ko silang naging bestfriend than you. Since elementary magkakaibigan na kami and bigla kang dumating nung highschool tayo. Bie elementary pa lang lagi na naming ginagawa yun at natyambahan lang na ikaw yung maging target. Bie sorry!" malungkot na pagpapaliwanag niya.
"Riva yun na nga ehh! Mas nauna mo silang naging kaibigan kaya okay lang na ginanun niyo ako. Kung totoo kitang kaibigan hindi ka papayag sa gusto nila at magsa-suggest ka ng iba. Pero anong ginawa mo? Pumayag ka! Alam mong pag pumayag ka masasaktan ako pero ano? Pumayag ka pa rin! Ibig sabihin lang nun okay lang sa'yong masaktan ako. Tapos ano sa tingin mo ang gagawin ko ngayon sa sorry mo? Papatawarin kita? Riva nagpapatawa ka ba? Naloko niyo na ako noon! Naloko mo na ako noon! Sa tingin mo magpapaloko pa ako ngayon. Don't me Riva! Don't me!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko naman hinihingi agad yung mapatawad mo ako ehh. Ang akin lang Bie atleast ngayon alam mo na kung bakit ko nagawa yun. Alam ko hindi mo ako mapapatawad agad pero Bie hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa'yo hanggang sa mapatawad mo ako. Sorry ulit Bie! Sorry." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at umalis na siya at bumaba na siya sa rooftop.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay tumulo na yung mga luha ko. Bakit ganun? Naging mabuti naman akong kaibigan sa kaniya ehh pero nasaktan niya pa rin ako. Bakit ganun? Isang sorry niya pa lang parang gusto ko na siyang patawarin agad pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa nila sa akin. Bakit?

Naging mabuti siyang kaibigan sa akin,oo inaamin ko yun. Pero parang lahat ng mabuting ginawa niya sa akin nung magkaibigan pa kami nawala lahat dahil sa ginawa nila sa akin. Bakit ba kasi nila  ginawa yun? Bakit sa dami ng estudyante noon dun sa dating school namin bakit ako pa? Bakit ako pa yung napili nila?

Pinunasan ko na lang yung mga luha ko tapos tumayo na ako.

"Ano ba Barbie? Di ba kaya ka nga nagpunta sa US para makalimutan sila. Para makamove-on ka na. Pero bakit ganyan inaasal mo? Isang sorry lang ni Riva bakit parang gusto mo na siyang patawarin agad? Barbie!! Saan na napunta yung isang taong pagmomove on mo?? " para na akong sira dahil kinakausap ko yung sarili ko.

Masyadong masakit yung ginawa nila sa akin. At sa ngayon hindi pa ako handang patawarin sila. Hindi pa!

———————————

Any idea kung ano yung kasalanan nila Riva?
Bitinin ulit natin! HAHAHAHAHA

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon