Chapter 11

147 6 1
                                    

Taki's POV

Gosh! Yang pinsan kong yan talaga. Lahat na lang talaga ah. Lahat na lang. Bakit sa dami ng pwede kong maging pinsan siya pa?

I'm not insecure. Sadyang naiirita lang ako sa presence niya kapag magkasama kami.

Siya yung maganda. Siya yung magaling. Siya yung lahat.

Mukha daw siyang Manika. Her name perfectly suits with her daw.

Unbelievable. Lahat ng tao gusto siya. Para sa iba sobrang galing niya. Puro magagandang puri na lang.

Kaya ngayong nag-transfer ako sa school niyo gagawin kong miserable ang buhay mo my dearest cousin.

Hindi ko hahayaang maging masaya ka kasama yang mga kaibigan habang ako namamatay na dito sa kaiisip kung paano ka mawawala sa mundong ito.

Hinding-hindi ko matatanggap na maging masaya. Ako lang dapat.

Yang kasiyahan mong yan? Mawawala yan.

"Kung nakakamatay ang pagtitig ng masama diyan sa pinsan mo siguro kanina pa siya patay!" birong sabi ni Ella.
"Sana nga. Para wala na akong problema." diretsong sabi ko.
"Bakit ba galit na galit ka diyan sa pinsan mo? Wag kang magalit ah pero magpinsan kayo diba? Magkamag-anak kayo pero bakit galit na galit ka sa kanya?" tanong ulit ni Ella. Tsismosa talaga itong babaeng 'to.
"Let me tell you a story Ella. But promise me first na hindi mo sasabihin kahit kanino." seryosong sabi ko sa kanya. Hindi naman siguro masama kung ikwento ko sa kanya diba? Besides she's my bestfriend.
"I promise!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya.

*FLASHBACK*

Family Reunion namin ngayon. I'm 7 years old. Kailangan daw naming umuwi sabi ni Mommy dahil darating yung mga pinsan kong galing US. Ewan ko pero na-excite ako kasi sabi ni Mommy kaedad ko daw yung isang pinsan ko tapos babae rin.

Ito daw yung unang pagkakataon na sumama daw sa Family Reunion namin sila Tito magsimula ng magpunta sila sa US. Kilala ko na si Kuya Luke dahil lagi siyang nagbabakasyon noon dito except sa kapatid niyang ngayon ko lang makikita dahil may sakit daw siya sa puso kaya medyo delikadong bumyahe siya. Isang rason kung bakit lumipat sila Kuya Luke sa US dahil sa sakit ng kapatid niya.

Sobrang excited ako kasi feeling ko magkakasundo kami.

Pagdating namin sa venue nakita ko yung mga Tito't Tita ko na may pinalilibutang babae. At sa tingin ko yung babaeng yun ay yung pinsan ko. Kaya lumapit kami nila Daddy at Mommy.

"Grabe Barbie ang ganda ganda mo talaga. Inalagaan ka talaga ng Mommy at Daddy mo ng maayos."
"Oo nga. Ang ganda gandang bata!"

Ng narinig ko ang mga puri ng mga Tito't Tita ko sa kanya. Nakaramdam ako ng inis. Nakaramdam ako ng inggit. Noong una gusto ko siya pero nung narinig ko yung mga puri ng mga Tito't Tita ko sa kanya. Nainis na ako sa kanya.

Noong wala siya lahat ng atensiyon nila nasa akin. Ako lang maganda sa harap nila. Ako lang ang magaling. Pero nung dumating itong si Barbie parang naging hangin ako sa kanila.

Hinintay kong bumalik siya sa US pero medyo nagtagal pa sila dito bago bumalik ng US inabot pa sila ng ilang taon. Naiinis ako sa kanya.

"Taki laro tayo!" masiglang yaya niya sa akin.
"I don't want to play with you. Leave!" sigaw ko sa kanya.
"You're so mean Taki." malungkot na sabi niya.
"Yes I am. So leave. I don't want you to be here. You're iritating! " singhal ko sa kanya. Akala ko aalis siya pero hindi bigla siyang umiyak at narinig yun ng mga Tito't Tita ko pati nila Mommy.
"Oh my gosh Taki! What did you do?" sigaw ni Mommy na ikinabigla ko. Hindi ko naiwasang mapaiyak. Ito ang unang beses na sinigawan ako ni Mommy.
"Thalia Anak mo yang sinisigawan mo." nagpipigil sa galit ni Daddy.
"Pinaiyak niya si Barbie. May kasalanan ang anak mo!" galit pa rin si Mommy.
"Alam kong may mali yung anak mo pero sana wag mo siyang sigawan." diretsong sabi ni Daddy.

Napatakbo ako palayo sa kanila. Akala ko kakampi ko si Daddy. Akala ko naniniwala siyang hindi ako ang gumawa noon. Yun pala hindi. Para sa kanya ako ang may mali. I really hate Barbie. I hate her.

*END of FLASHBACK*

Magsimula nun galit na galit na ako sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ako nasigawan ng Mommy ko. Siya ang dahilan kung bakit nagalit sa akin ang Mommy ko nun.

Siya ang dahilan. Mas lalo pa akong nainis sa kanya nung nalaman kung mag-aaral siya rito. Akala ko magiging maganda para sa akin yun pero hindi. Siya pa rin ang magaling. Laging siya ang magaling. Siya ang laging pinupuri.

Humanda ka Barbie! Hindi ko hahayaang maging masaya ka. Galit na galit pa rin ako sayo. Hinding-hindi mawawala galit ko sayo. Magdasal ka na lang na sana mawala galit ko sayo pero mukhang malabo.

Wait for my revenge Barbie. Just wait and you will see.

"So what's the plan?" diretsong tanong ni Ella.
"Let's just stick with the plan." seryosong sabi ko. Tumango lang siya.

Just wait Barbie. Just wait.

Welcome to hell my dearest cousin. Welcome to hell!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon