Luke's POV
Nakakaasar talaga! Paanong mas nagawang piliin ni Bie si Jessica over me na Kuya niya.
Kailan pa ako nagawang suwayin ni Barbie.
Makauwi ng nga lang. Badtrip talaga!
Pagdating ko sa bahay nandun na si Mommy. Akala ko nasa business trip siya.Kung susumain sobrang strikta ni Mommy pero sobrang mapagmahal niyan. Lahat ginagawa niya mabuhay niya lang kami.
"Hi Mom" bati ko sa kanya sabay halik sa noo niya.
"Hello son. Where is your sister?" tanong agad niya.
"Pauwi na rin siya Mom ihahatid siya ni Jessica." sagot ko naman agad sa kanya.
"Jessica? Nagkabalikan na kayo?" tanong ni Mommy. Heto na naman po tayo.
"Mom hindi kami nagkabalikan. Magkaibigan sila ni Bie." iritableng sabi ko.
"I see. How's your sister?" tanong ni Mommy. Mula sa striktang mukha ni Mommy kanina ay parang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"She's doing great Mom." nakangiting sabi ko para naman kahit papaano mapagaan ko ang loob niya.
"Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kapatid mo Luke!'' kung kanina nagbago lang ng konti yung ekspresiyon niya, ngayon sobrang lungkot na niya.Minsan lang namin pag-usapan yung kalagayan ni Bie pero ngayon iba na ehh.
"She's strong Mom lumalaban siya." nakangiting sabi ko. I'm cheering her up pero deep inside natatakot din ako. Pero kung pati ako magiging mahina paano na lang sina Mommy.
''Masyado pa siyang bata Luke.'' at ngayon may tumutulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Wala akong masabi kaya niyakap ko na lang siya.
Magsimula ng pumunta sila ng US parang nakakulong na lang si Bie doon. Halos lahat ng kamag-anak namin akala nila kaya sila nagpunta doon ay para sa negosyo. But then, nasa Pilipinas pa sila noon ng malaman naming may sakit sa puso si Bie. Hindi lang siya isang simpleng sakit. Sobrang bata pa niya noon at sobrang hirap pang tanggapin para sa amin. Pero si Bie, siya ang unang tumanggap nun. Akala namin yun lang yung magiging problema namin yun pala hindi. Naghiwalay si Mommy at si Daddy at dumating yung point na kailangan nilang umuwi dito sa Pilipinas.
Mas naging strikta si Mommy kay Bie. Mas naging mahigpit siya sa amin na to the point na minsan nakakasakal na rin. At magsimula ng maghiwalay sila ni Daddy nagbago si Mommy. Maraming nagbago sa kanya. Madalas siyang magalit, madalas siyang wala sa bahay. At hindi na niya kami naaasikaso. She change a lot.
"Hindi ko kayang mawala ang kapatid mo Luke,hindi pa ako handa." umiiyak na sabi ni Mommy.
"Mawala? Sinong mawawala?" napalingon ako sa gulat ng marinig kong magsalita si Jessica.
"Anong gingawa mo dito? Bakit bigla bigla ka na lang pumapasok?" inis na sabi ko.
"Pinapasok ako ni Bie. May tumawag lang sa kanya kaya pinauna na niya ako." mahinang sabi niya at halatang kinakabahan siya.
"Hi Jessica." bati ni Mommy sa kanya.
"Hello po tita." bati niya pabalik sabay beso kay Mommy.
"Mag-usap muna kayo maghahanda lang ako ng hapunan. Jessica dito ka na kumain and i don't take no as an answer. You know me." hindi pa sumasagot si Jessica ay umalis na agad si Mommy para magluto. Tsk! I don't take no as an answer? May bahay naman sila bakit dito pa siya pakakainin ni Mommy. Hindi naman sila naghihirap ahh!Napuno ng katahimikan nung umalis si Mommy. Ni isa sa amin walang nagsasalita.
"Anong nangyayari Luke?" biglang tanong ni Jessica kaya napatingin ako sa kanya. May nagbabadyang luha sa mga mata niya.
"Sa taas natin pag-usapan." seryosong sabi ko.
"Bakit sa taas pa?" nagtatakang tanong niya.
"Ayaw ni Bie na may ibang nakakaalam ng sakit niya kaya doon natin pag-uusapan dahil baka maabutan niya tayo. Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa iyo!" iritang sabi ko sa kanya.
"Bakit yun ba yung ibig kong sabihin? Hindi naman ah!" sabi niya habang iniiwas yung tingin niya sa akin.
"Sabi ko nga tara na!" birong sabi ko sa kanya sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...