Maris's POV
Late akong nagising kaya nagmamadali akong pumasok ngayon. Terror pa man din yung Teacher namin na yun.
*Takbo*
*Takbo*
*Takbo*
*Tigil*
Wew! Hingal na hingal ako ng tumigil ako sa harap ng pintuan ng classroom namin.
Pagpasok ko nagulat ako dahil wala na yung ibang kaklase namin. Si Barbie lang yung nandito.
Tumayo siya at lumapit sa akin at dala-dala niya yung bag niya.
"Wala sila dahil may meeting ang teachers kaya nagsilabasan silang lahat." pagpapaliwanag niya habang nakangiti.
Hindi pa rin ako makapaniwalang kinakausap niya ako at nginingitian niya ako.
Nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung isa kong kamay. May nilalagay siyang bracelet. Parang friendship bracelet meron din kasi siya. Nginitian niya ako ulit.
"Para saan 'to?" nagtatakang tanong ko.
"Ibig sabihin niyan kaibigan na ulit kita. At ibig sabihin niyan pinagkakatiwalaan na ulit kita." nakangiti pa rin siya.
"Thank you Bie. Salamat talaga." sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Wala yun." sabi niya sabay kalas sa yakap.
"Ehh sila Riva kailan mo sila bibigyan nitong bracelet?" tanong ko sa kanya.
"Kapag nakwento mo na sa akin lahat lahat." seryosong sabi niya.Bigla na lang niya ako hinila papuntang rooftop at naupo kami sa sahig.
"Maris gusto kong ikwento mo lahat sa akin. Lahat lahat Maris." seryosong sabi niya.
"Sigurado ka?" nag-aalangang tanong ko pero tumango lang siya.Huminga ako ng malalim.
"Elementary pa lang kami gawain na namin yung ganun yung mantri-trip ng mga transferee. Plano ko yun nung Grade-4 kami. Ikaw yung pinakamatagal. Alam mo kung bakit kasi parang hindi na yung deal yung iniisip namin. Kasi kaibigan na talaga yung tingin namin sayo. Enrollment that time nung pumasok kami sa registrar room para makita namin kung sino yung mapag-tritripan namin. Tapos ikaw una naming nakita. Hindi ka pa lang pumapasok sa school kilala ka na namin. Planado ang lahat. Pati yung pag-usap sayo ni Riva. Lahat ng yun planado." diretsong sabi ko habang siya nakikinig lang.
*Flashback*
Nandito kami ngayon sa Registrar office para tingnan kung sino ang mga transferee. Madali na lang kaming nakakapasok dito dahil sa Daddy ni Ryle.
Tingin sila ng tingin. Nagulat kami ng biglang may hinawakan si Ryle na Registration Form. Oo nagulat talaga kami! Kasi kapag ganyan never siyang naki-alam sa paghahanap ng pagtri-tripan ngayon lang as in ngayon lang.
Tinignan namin kung anong pangalan yung nakalagay sa hinawakan niyang registration form.
"Barbie Imperial." mahinang sabi ni Riva.
"Ang ganda niya." sabi ko naman.
"Siya na." sabi ni Jimboy.
"At dahil ikaw Ryle ang unang humawak diyan ikaw ang idi-deal namin ngayon." sabi naman ni Paulo.Ilang linggo kaming nag-search tungkol sa kanya hanggang sa malaman namin kung taga-saan siya. At nagkataong kaklase namin siya kaya hindi na kami mahihirapan.
First day of school maaga kaming pumasok para sa plano namin.
"Riva gaya ng dati. Kunwari mabubunggo mo siya tapos kakausapin mo siya. At dahil transferee siya magtatanong siya sayo and Boom! Plan is perfect." pagpapaliwanag ni Nikki.
Gaya ng nasa plano nasunod ang lahat hanggang sa nakita namin si Riva na kasama yung Barbie Imperial and WOW JUST WOW! Sobrang ganda niya. As in parang manika. A living doll kumbaga.
"Guys!! Si ano nga pala? Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ni Riva.
"Ano ba yan Rivs! Ipapakilala mo sa amin hindi mo rin naman pala kilala. Hahahahahaha" birong sabi ni Jimboy.
"Tsee! " inis na sabi ni Riva.
"Di ba tinatanong niyo pangalan niya bakit daldal kayo ng daldal? Paano siya magsasalita di ba? Ano nga ulit yung pangalan mo?" tanong naman ni Loisa.
"Ako si Barbie. Barbie Imperial:)" nakangiti niyang sabi.
"Wow Barbie. Bagay na bagay sa mukha mo. Para lang living doll. Ohh by the way ako si Riva,yun naman si Sammie, tapos yun si Loisa, tapos yun si Maris, yun naman si Nikki. Tapos yun naman si Joshua, yun si McCoy, yun si Jimboy, yun si Paulo, yun naman si Tom at yun naman si Ryle. Meet my bestfriends. " nakangiting sabi ni Riva.
"Hi Barbie!" bati naming lahat sa kanya. Except Ryle.
"Dito ka na lang umupo sa tabi ko." yaya ni Riva kay Barbie kaya umupo naman siya.Dun nag-umpisa ang lahat.
*End of Flashback*
Nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata ni Barbie habang nagkwe-kwento ako.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin agad kung kaibigan na pala yung tingin niyo sa akin?" tanong niya.
"Kasi alam naming masasaktan ka. Kaya namin hindi sinabi,pero hindi namin alam na naririnig mo yung pinag-uusapan namin." pagpapaliwanag ko.
"Yung kay Ryle?" tanong niya ulit.
"Yun naman talaga ang deal ehh. To make you fall in love with him. Tapos pag nangyari yun saka lang matatapos ang deal." pagpapaliwanag ko ulit.
"So kaya sobrang nagtagal ang deal dahil matagal bago ako mahulog kay Ryle? At yung time na narinig ko kayong nag-uusap yun yung time na sinabi ko kay Ryle na gusto ko na rin siya." sabi niya habang dire-diretsong umiiyak.
"Oo Bie. Yung time na kinausap kami ni Ryle sobrang irita na niya gusto na nyang tapusin yung deal kaso ayaw namin. Kasi alam naming masasaktan ka kapag sinabi niya ang lahat ng yun sayo. Tapos yun yung narinig ka na naming umiiyak. Tapos hindi namin alam na ganun yung gagawin at sasabihin ni Ryle sa'yo." pagpapaliwanag ko.
"Ang sakit mapaglaruan. Sobra. Yung time na yun mahal ko na siya. Minahal ko na siya. Pero sobra akong nasaktan nung narinig ko ang lahat ng iyon." sabi niya habang umiiyak pa rin.
"Kaya gustong itigil ni Ryle yun nun dahil may girlfriend siya. Taga-ibang school. Ayaw niya lang na may dumating na balita sa girlfriend niya na niloloko niya ito kaya ganun na lang ang pagkagusto niyang matapos agad yung deal na yun. Barbie ayaw ka naming saktan. " umiiyak na rin akong nagpapaliwanag.
"Pero nasaktan niyo pa rin ako." sabi niya habang nagpupunas ng luha.
"Sorry Bie! Sorry talaga." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Okay na! Atleast ngayon alam ko na. Atleast ngayon hindi na ako clueless. Atleast ngayon alam ko ng hindi niyo naman talaga intensyon na saktan ako. Salamat Maris. Salamat sa pagsabi sa akin sa lahat. Sa lahat lahat." nakangiting sabi niya.
"Sorry talaga Bie." sabi ko habang umiiyak pa rin. Niyakap niya ako."Thank you Maris. Dahil sinabi mo sa akin ang lahat. Atsaka wag ka ng umiiyak. Kaya ko lang naman talaga tinanong ay para makasigurado na kapag pinatawad ko na silang lahat hindi na ulit ako maloloko. " sabi niya habang nakangiti pa rin.
"Thank you Bie for trusting me. Thank you and sorry ulit." sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung luha ko. Niyakap niya ulit ako.Sa ngayon sobrang gaan na ng pakiramdam ko dahil nasabi ko na sa kanya ang totoo.
Just because of a DEAL nakilala namin ang isang Barbie Imperial na naging isang mabuting kaibigan sa amin pero nasaktan namin ng sobra . Pero at the end ito pa rin siya pinipilit na patawarin kaming lahat.
Sobrang bait niyang tao. Alam namin sobrang sama ng nagawa namin sa kanya. Pero heto nagawa niya akong patawarin. Ngayon ko talaga napatunayan kung gaano talaga siya kabait. At siya ang dahilan kung bakit tuluyan kaming nagbago.
Dati kami ang number one na bully sa school. Pero dumating ang isang anghel,dumating siya para baguhin kami. Dahil sa kaniya we become better people than before.
Thanks sa DEAL na yan dahil sa DEAL naging mabuti kaming tao at nakilala namin siya.
Promise di na namin siya lolokohin. Never as in never.
Friendship to treasure.
———————
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...